19. Party

1.8K 34 0
                                    

Party





After that night, back to real life kami kung saan trabaho at bahay every weekday. Nag aya ulit ng jam si Ivy pero hindi muna ako sasama dahil sa sabado ay pupunta akong Bicol. Nang nalaman niya ang reason ko kung bakit ako pupunta doon ay agad itong kinilig at nag cheer pa sa akin. Fight for love daw.

Inihanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko papunta doon at susuotin ko mamaya sa Gala Night. Susunduin ako ni Alex dito sa tinitirhan kong condo na dating tinutuluyan ng Kuya ko. Sa bahay na siya nakatira since nasa ibang bansa ang parents namin. Ayoko naman manirahan doon sa bahay dahil masyadong malaki iyon. Mas sanay akong tama lang ang space kung saan konting lakad lang ay kusina na agad, cr na agad, kwarto na agad at sala na agad. Nasanay siguro ako dahil sa nangupahan ako noon sa isang apartment at doon na din sa bahay nina Esteban.

Kamusta na kaya ang mga tao doon? Sina Lola? Sina Aling Rosa?

Pinagmasdan ko ang dress na susuotin ko mamaya. Halter top navy blue dress with silver thin belt na may infinity design sa gitna ang napili ko. Above the nee ito na teternuhan ko ng wedge sandals. kailangan ko magmukhang matangkad kahit papano. Hindi naman daw masyado formal ang party kaya tama lang siguro itong susuotin ko.

Napatingin ako sa aking relo. Its already 5pm kaya nag ayos na ko. Nagtext na din sa akin si Alex na papunta na daw siya sa condo ko kaya inayos ko na ang sarili ko. Konting make up, konting jewelries at konting suklay ng buhok ay okay na. Wavey ang buhok ko na medyo nagiging chesnut brown kapag nasisinagan ng arawna akala ng iba ay pinasadya at pina-hair treatment pero hindi. Natural ito.

Ready na ako ng tumunog ang bell sa pintuan. Nagtungo ako doon at binuksan.

"Wow. Pogi natin ngayon ah? Sayang, wala si Magie." Sabi ko sakanya.

"Ang ganda mo ngayon, future wife. Sayang, wala dito si pinsan." Pinaningkitan ko siya ng mata pagkatapos niya sabihin iyon. Natawa siya sa expression ko kaya hinampas ko ang braso niya.

"Shall we?"

**





Pagkarating namin sa venue ay agad kong hinanap ang Kuya ko sa crowd. Hindi ko mahagilap ang kapatid ko kaya tinanong ko ang kasama ko.

"Nakita mo ba si Kuya Gens?"

"Hindi eh. Pero nandito na daw sabi ni Papa. Nagtext sakin. Hanapin ko daw para kausapin ko."

"Ah. Okay."

Iniwan ko muna si Alex doon sa kausap niyang isang business man yata na humarang samin kanina. Nagpaalam ako na hahanapin ko muna ang kuya ko. Nag alinlangan siya nung una pero hinayaan niya din ako sa huli. Magtext daw ako sakanya kapag kasama ko na amg kuya ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad upang mahanap ang kapatid ko ng may mabangga akong isang babae in her red long dress na siguradong gawa ng isang designer. Maganda eh. Not like my dress na binili ko lang sa Mall. Swerte ko nga dahil sale to. Pati itong sandals.

"I'm sorry.." I said kahit siya ang nakabangga sakin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na siyang nagpa-irita sa akin. What the-- anong problema ng isang to? Hoy! Mas maganda ako sayo. Umayos ka at piliin mo ang hini-head to toe mo!

"Sino ang designer ng dress mo?" She asked. Abat!

"I ordered this. From Paris." Sabi ko kahit hindi naman. Tumango na lamang ito at nilagpasan ako.

"Good taste." Aniya at tuluyan akong nilagpasan.

Talaga!

Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Alex na papalapit sa akin.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon