6. Who is She?

2.2K 42 2
                                    



Who is She?





Kahit apat na araw na ang nakakalipas, sariwa parin sa aking alaala ang mga kaganapang tila parang kahapon lang nangyari.

Oh? Ba't ang lalim ng Tagalog mo?

Anyways, first time ko kasi mangindat ng..uh. Hehe. Kapag naalala ko ang araw na yun ay talagang kinikilig ako. Naku! Feeling high school. Magtatatlong buwan na rin kasi ako dito sakanila. At masasabi kong napakabuti nila sa akin. Parang parte narin ako ng pamilya nila though winiwish ni Lola na sana daw ay kami ang magkatuluyan ng apo niyang antipatiko.

At may part sa akin na nagsasabing 'Sana' which is wrong.

Mali naman talaga. Sabihin na nating "ideal man" siya pero for sure, maraming mangyayari na hindi maganda kapag kami ang nagkatuluyan.

Tsaka sa estado ng buhay namin at buhay nila, hindi natin maitatanggi na napakalayo ng agwat. At sa tingin niyo ba, papayag ang mga magulang ko na ipakasal ako sa mahirap?


Let's accept the fact na mahirap sina Esteban. But it doesn't mean na minamaliit ko sila. Hindi ko tumitingin sa estado ng buhay. Kahit sabihin nating mahirap lang si Esteban, mayaman naman siya sipag at diskarte, na siyang nagustuhan ko sa kanya. Bonus na lang ang itsura at katawan niya.

Siguro kung magugustuhan talaga ako ni Esteban, gugustuhin ko na lang na dito manirahan at magpakasal sa kanya.

Mas lalo ko naman nakilala si Esteban sa loob ng ilang buwan. Isang araw ay tinanong ko siya kung ano surename niya. Ang tagal ko na nananatili sakanila pero hanggang ngayon, wala parin akong alam sa personal na buhay niya. Ang alam ko lang ay ang kanyang gaha.

Saffron Steven Lim.

Akalain mo yun? May igaganda pa pala ang pangalan niya. Pang mayaman na pangalan. Akala ko talaga, Esteban ang pangalan niya.

Lim

Baka pinsan ito ni Xian? Achichi.

High school graduate lang daw siya. Hindi na siya nag college kasi naging abala na siya sa pagtatrabaho sa hacienda ng amo niya. Side line niya ang pag kukundoktor, tricycle at jeepney driver. Minsan naman daw ay labor sa konstruksyon.

Ang sipag niya no? Hindi niya na ipinagpatuloy yung pagpasok niya sa college dahil kapos daw sila financially.

Nang tinanong ko siya kung nasaan ang mga magulang niya, ang sagot niya ay nasa probinsya daw ng tatay niya, sa Batangas. Pero pinili niya manirahan dito sa Bicol para naman daw may makasama sina Lolo at Lola.

Kung meron mang bahagi ng buhay niya ang hindi ko alam, yun ay ang love life niya. Ayaw niya magkwento. Kaya si Lola Inday na lang ang tinanong ko.

Oo, wag na kayo magtaka dahil alam ko na ang pangalan ni Lola. Matagal na.

Sabi sa kwento sakin ni Lola, minsan daw itong nainlove si Esteban sa isang babae na kaklase nito nung high school. Matagal ang naging relasyon nila. 2 years ago ay niyaya nito ang kasintahan na magpakasal pero hindi pumayag ang babae. Handa naman daw sana maghintay PA si Esteban kaso ayun, nakipag-hiwalay ito sakanya. Huli na daw ng nalaman niya na may iba na pala itong kasintahan. Or should I say, may isa pa itong kasintahan habang sila pa ni Esteban.

Ang kapal diba? Naalala ko tuloy yung encyclopedia namin sa bahay.

Kung sino man yung babae na yun, napaka-bobo niya. Este boba pala kasi babae. Hindi niya ba alam na napaka-swerte niya dahil isang Esteban ang nababaliw sakanya? Aba! Kahit ganyan kaloko si Esteban, isa ata siyang husband material!

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon