8. Leaving..for a while

2K 44 0
                                    

Hi! Last year pa pala yung last update ko. Super bagal ko talaga. Haha. Sorry! Medyo busy langss. ;)

Balik na tayo sa POV ni Yassi/Yella :D





Leaving.. for a while




Nakakabadtrip naman talaga. Sa dinami-dami ng taong nilalang dito sa mundo, talagang sila pa ang nakakita sa kaengotan ko! Nakakahiya diba?

Pero .. Nang suriin niya ang lagay ko, ang mga mata niya na parang lubhang nag-aalala, the way na hawakan niya ang tuhod ko at suriin kung gaano kalaki ang gasgas, makikita mo sa haplos niya ang pag iingat at pag-aalala..

Ano ba Yassi? Panira lang yung ekspresyon niyang nagpipigil ng tawa.

Kikiligin na sana ako...

Ano ba tong mga pinagsasasabi ko?

Ay basta talaga nakakainis!!

"Yella! Ano? Dyan ka na titira sa banyo? Sabihin mo lang.. Idadala ko na jan mga gamit mo."  for sure nagpipigil nanaman to ng tawa.

"Paki mo ba? Eh sa ayaw ko pa lumabas! Umalis ka ja----".

"Oh? Natahimik ka? Alis na jan, maliligo ako." Aba't!!


Walang hiya talaga! Basta-basta ba naman tinulak ang pinto at pumasok sa banyo!

"Alis! Wag mong sabihin na sasabay ka---" Agad na ako lumabas ng banyo at padabog na isinara ang pinto. Narinig ko ang malakas na tawa niya mula sa loob ng banyo.

Wala talagang manners ang isang to. Kita mong may tao pa, bigla ba naman itulak ang pinto?! Walang silbi ang improvised na pang lock na kahoy ng pinto, yung iniikot lang. Hays! Tapos ang makikita ko pa, hay!! Nakita ko nanaman ang abs niyang...

Erase erase!! Piste!

In fairness... Hehe. Makapag luto na nga lang.

-----




Mag aalas-sais na ng hapon kaya nagluto na ko ng pang dinner namin, sinigang na manok at adobong manok.

Si Esteban kasi, hinuli yung manok tapos..ayun na. Lutuin ko na daw.

Wala naman masyado nangyari ngayong araw. As usual, itong si Esteban, pinagtitripan ako. Buti na lang at nandito si Kade, binabara siya kasi nito. Tapos asar naman siya.

Kaso umuwi na si Kade dahil may pupuntahan pa daw siya. Inaya ko siya na dito na lang mag hapunan kaso sabi niya, next time na lang daw.

"Hoy!"

"Ay panget! Ay ano ba Esteban?! Bat ka ba nanggugulat?!" Bwisit talaga to. Hindi matapos-tapos ang pang-titrip niya sakin!

"Sinasabi ko sayo, maraming lalaki jan, wag ang kaibigan ko." Kumuha ito ng asin at inilagay sa maliit na tasa.

Ano daw?

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Di kayo bagay." Huh?

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon