12. Old Pictures

1.9K 42 0
                                    


Old Pictures




Ipiniglas ko ang aking braso na hawak-hawak ni Esteban habang papalabas kami ng mansion. Pansamantala kaming natigil dahil sa pagpiglas ko at agad na yumuko upang mahawakan ang tuhod kong namamanhid habang hinihingal ako.

"Esteban naman! Ano ba ang problema mo at nanghahatak ka ng basta-basta?! Ang sakit tuloy ng tuhod ko! As if na hindi mataas yung hagdan dun!" Walang prenong singhal ko sakanya. Kitang-kita ko rin kung paano niya pasadahan ng kanyang kamay ang kanyang batok at hinilot-hilot ito.  Sign of frustration I guess.

"Bakit ka kasi nandoon?!" Mahina ngunit may diin na sabi niya sakin, na para bang iniingatan niya na walang dapat makarinig. Kaya sinagot ko rin siya sa ganoong tono.

"Naglilibot lang naman! Sino ba yon? Yun ba ang may ari ng mansion na to?"

Sabi niya Bachelor. Eh matanda yung lalaki. Tss.

He groaned as he surrendered. Talagang may gana pa siyang gumanyan! Eh ako yung dehado at sumakit ang paa at braso!

Habang nagpapataliman kami ng tingin sa isa't-isa ay hindi namin napansin ang isang pulang sasakyan na huminto sa gilid namin. Sa tingin ko ay isa itong Land Cruiser.

Bumaba ang taong nasa loob ng sasakyan at napatalon pa ito upang makababa siya ng mabuti. Yumuko siya upang pasadahan ng kanyang kamay ay kanyang buhok na nagulo sa pagbaba niya.

Tumingin siya sa amin ni Esteban na para bang namamangha at binigyan ng isang mapanuring ngiti. He has this aura na parang matatameme ka na lang dahil sa lakas ng dating niya. Naka-faded blue maong pants ito na tinernuhan ng isang loose v-neck shirt na kahit loose ay kumakapit ito sa hugis ng kanyang katawan.

Hindi ko maitatangging gwapo rin ito ngunit hindi ko ipapatalo ang taong katabi ko na sinadyang tumikhim ng mapansin niyang tulala ako sa taong nasa tabi na niya.

Tss. Selos naman agad.

"You must be Yella? Nice to meet you! By the way, I'm Alexander Louis Abuevo. Alex for short." Nakangiti itong inilahad ang kanyang kamay sa akin na agad naman tinapik ng malakas ng katabi niya.

Wait, paano niya nalaman na ako si Yella?

Nabigla kaming dalawa sa ginawa ni Esteban. Malakas iyon at siguradong masakit iyon.

"For what was that Saff! Ang sakit ha?" Tumatawa pa ito kahit halatang nasasaktan dahil panay ang hawak niya sa kanyang pulso na tinamaan.

Habang pinapanood ko silang nagbabangayan ay parang nakikita ko sa similarities nila. Parang..magkapatid. Halos magkahawig sila except sa kulay ng balat nila. Moreno si Esteban pero itong Alex ay tumitisoy.

"Ma'am, hatid ko na po kayo." Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko. Si manong na naghatid sakin dito kanina.

"No manong, ako na ang hahatid sa kanya." Ani ni Alex na nakangiting malapad. Nanatili akong nakatayo ng lumapit sa akin si Esteban

Ang gentleman naman ni Alex. Kahit ngayon niya lang ako nakita ay mabait na agad siya sa akin.

Hinawakan naman ni Esteban ang kamay ko na naghatid ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko at inihatid sa di kalayuang nakapark na tricycle. Sumunod naman sa amin si manong. Lumingon ako sa likod upang tignan ang naiwan doon na si Alex. Napakamot na lang ito sa ulo sa kumaway.

Naramdaman kong humigpit ng konti ngunit may ingat na hawak sa akin ni Esteban kaya tiningala ko siya.

"Huwag kang maglalalapit sa kanya." Malamig na tono ang narinig ko mula sa kanya.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon