Chapter4: Angel POV
*First Day of Foundation Day*
Naghanda na ako para sa pagpunta sa School. Di ako excited kasi boring lang naman dun eh. Nagpromise kasi ako sa mga Kuya ko na panonoorin ko sila. :D hahaha. Ok ok. Goodgirl naman ako eh.
"Oh ano bunso? Sasabay kaba samin?" Sabi sakin ni Kuya Ken habang kumakain sila sa sala.
"Alla. Hindi pwede yun Kuya. Kasi ano nalang sasabihin ng mga fans niyo dun? Na may kapatid pala silang halimaw? Ayokong masira career niyo ng dahil sakin." Kaya ayokong mag-guest sila sa school kasi pag nalaman ng mga fans nila na kapatid pala nila ako, ano nalang ang sasabihin nila diba? Ayokong mapahiya sila.
"Bunso naman. *pout*" -Kuya Ten.
"Sorry Kuya Ten but I need to do this. Kaya magpapanggap nalang kayo na di niyo ako kilala dun. Ok?" Sabi ko sakanila habang nagsusuot ng sapatos.
Naramdaman kung lumapit sila sakin.
"Angel, kahit naman malaman nila na kapatid ka namin eh, ok lang. Basta ang mahalaga, mahal na mahal ka namin. Lagi mo yang tatandaan ha?" -Kuya Renn.
Ewan ko pero nag-guilty ako sa sinabi ko kanina sakanila.
Bigla nila akong niyakap na tatlo kaya napaluha nalang ako. Hahahaha. Baliw na ako.
"Sorry Kuya's kung nasabi ko yun kasi para din sa career niyo yung inaalala ko." Sabay punas ni Kuya Ten sa luha ko.
"Don't worry Bunso, kung yun ang gusto mo para maging safe ka dun eh gagawin namin yung sinasabi mo. Pero sabay kana samin ngayon ah? Please?" -Kuya Ten.
"Osige na ngaaaa! Pero ibaba niyo dun sa White House ha?!"
Biglang nag-aliwalas yung mga muka nila. Hahaha.
"Ma, pupunta na po kami." Sabi namin ng sabay-sabay.
"Osige ingat kayo." Sabay kiss saming lahat.
Sumakay ako sa Kotse ni Kuya Ten. May kanya-kanya kasi silang sasakyan. Astiggg! Tag-iisa pa sila. Di nalang nagvan eh. -___-
"Bunso, talaga bang ayaw mung malaman na kapatid ka namin?"
"Kuya, diba alam mo naman na yung rason ko? Kuya Ten, masakit man sa damdamin ko eh kailangan kung gawin kasi ayokong masaktan kayo na tatlo ng dahilan lang sa isang halimaw na kapatid niyo."
Tinignan ako saglit ni Kuya kasi parang hindi siya makapaniwala na nasabi ko lahat yun.
"Bunso, kahit naman na anong sabihin ng mga tao samin, eh ok lang. Basta wag ka lang masaktan." Awww. Nakakatouch. T.T
"Thank you Kuya."
Tsaka tumahimik na kami kasi malapit na rin kami.
"Kuya dito nalang sa White House." Tinabi niya sa gilid. Ayokong may makakita samin kaya dali-dali akong bumaba.
Sininyasan ko siya na umalis na. Buti naman at walang nakakita. Kung hindi, sira ang career nilang tatlo. Naglakad nalang ako kasi malapit-lapit naman na ang School.
Mula sa gate rinig kona ang tilian ng mga Tao sa loob ng school. Nakakabingi! Sobrang sikat ba talaga ang mga kapatid ko sa School na ito?
"Hi Angel." Nakasalubong ko si Mafe at Marifer.
Kaibigan ko narin pala sila. Takenote: sila lang dalawa ang kaibigan ko sa School na ito. At napagtitiisan nila ang kapangitan ko. Hahaha. Pag kasama ko sila para lang nila akong Mutchacha.
"Lets Welcome, THE THREE KINGS!!"
Sabay hiyawan ng mga crowd. Nakakabingi.
"Kyaaa! Tara na dun. Gusto kung makita ang Three Kings!" Sigaw ni Mafe na halatang excited ganun din si Marifer.
BINABASA MO ANG
Ang storya ng sobrang pangit. #Wattys2016 (COMPLETED)
Teen FictionAlam kona pangit ako sa paningin ng maraming tao pero wala akong pake di naman nila buhay ito. Pero ng dahil lang sa isang lalaking minahal ko ng lubos at malalaman kung pinaglaruan niya lang ako eh magpapaganda ako? How nice! -____-