Chapter11: Angel POV
"Yes. Angel Berganio is all fcking Mine!!" Hinila niya ako ni Sam pero di ako binitawan ni Rick.
"No Sam. Angel is mine only!" Hinila ulit ako ni Sam.
Haba ng hair ko. Hahaha. Charrr!
"Ano ba!! Akala niyo di masakit?!"
Yung mga students lang dun eh nanonood lang. Ano to?! May sine?!
"Akin ka lang kasi. Akong nauna kaysa sa Rick na yan. Ngayon mo nga lang nakilala eh!! Tapos siya na pipiliin mo?!" -Sam. -_____-
"I don't care kung ikaw una niyang nakilala. Sa umpisa palang ng story na ito, sinasaktan muna siya diba?!"
Nagkasukatan sila ng tingin.
"What's happening here?!" Sabi ni Ma'am na terror dito.
Tsaka nagsibalikan yung mga students sa mga room nila.
"Wala po Ma'am!" Tsaka nagsilalisan na kami dun except yung dalawa na nagtititingan parin.
"May the best man win." Narinig kung sabi ni Sam at bumalik na rin sa room niya. Hinila ko si Rick.
"Mag-usap tayo mamaya." Sabi ko sabay Rick. For all this year, siya pala si Mr. Unknown.
Boring din naman yung discussion eh pero may naririnig parin akong nagkwekwentuhan about sa confession kanina ni Rick.
*krinnnnnnnnngggggggggg!*
Yes, uwian na! Pagkadismiss na pagkadismiss palang ni Ma'am eh hinila kona si Rick (Oo, uso hilaan dito. Hahaha.) papunta sa park.
"Hoyy Rick, totoo ba yun kanina?!" Pagkaupo na pagkaupo palang namin yun na agad tinanong ko.
"Oo." Walang alinlangan niyang sabi.
"Pero pano?! Bakit? Ang pangit pangit ko eh. Tsaka di tayo bagay nu."
"Di ko naman kasi sinusukat ang itsura sa ugali. Kahit naman maganda pero pangit naman ang ugali wala rin. Iba ka sa lahat."
"Kasi alien ako?" Tumawa siya ng mahina.
"Hindi nu. Kasi special ka."
"Oo special ako kasi iba ang muka ko. So, alien nga ako."
Hinawakan niya yung muka ko.
"Dika ba nagdidiri sa muka ko? Tamo ang pangit pangit eh hinahawakan ng malambot na kamay mo ang magaspang na muka ko."
Tumawa lang siya.
"Kahit ano kapa, gusto kita. Di lang kita gusto, kasi gustong-gusto kita Angel."
Nagbablush na talaga ako. :3 hohoho! Grabe yung heartbeat ko. Aatakihin na ako sa kilig.
"Bakit dika nagpakilala ng maaga?"
"Kasi natatakot akong mareject. Ayokong mareject."
"Wehh?! Ang kapal ng muka ko kung irereject kita nu."
Ano daw?! Ano yung nasabi ko?!!!
Alla, ang easy to get ko. ;D gwapo eh papakawalan mo pa ba? Hahaha. De joke lang po. :D
"So di mo ako irereject?!!" Masaya niyang sabi.
"Uhmmm, depende." Alla ano ba tung sinasabi ko? :3
"Depende kung?"
"Depende kung di mo ako pinagtitripan." Kumunot yung noo niya. Wala eh yun yung naisip ko. Hahaha. Ugly me! -____-
"So, mageeffort ba naman ako ng ganun kung pinagtitripan lang kita?" Sabagay may point naman siya kasu di parin ako satisfied.
BINABASA MO ANG
Ang storya ng sobrang pangit. #Wattys2016 (COMPLETED)
Teen FictionAlam kona pangit ako sa paningin ng maraming tao pero wala akong pake di naman nila buhay ito. Pero ng dahil lang sa isang lalaking minahal ko ng lubos at malalaman kung pinaglaruan niya lang ako eh magpapaganda ako? How nice! -____-