1

2.3K 79 27
                                    

Lee jihoon, woozi, jihoonie, whatever you call him. I call him mine. Kahit hindi nya alam sa kanya na pala ako.

I watched him everyday sa malayo. Lagi nyang kasama mga pinsan nya. He looks so fluffy.

But beware.

He is the devil.

He may look nice and cutesy but no. He is scary. Walang bumubully sa kanya dito dahil sya mismo ang bubully sayo pag trip ka nya.

madaming gwapo sa school, pero silang magpipinsan talaga ang nangingibabaw.

Wonwoo, junhui, woozi. Yan lagi ang maririnig mong pangalan sa mga babae dito.

Pero si woozi lang talaga nakakuha ng atensyon ko.

Nasa lockers ako ngayon para kunin ang mga gamit ko nang biglang umingay sa hallway.

"Omg ampogi talaga ni jun!"

"Ang hot ni wonwoo"

"Ang cute ni jihoon." Sabi ko na lang sa sarili ko. He is cute diba?

Hindi na ako nakisali pa sa pagfafangirl nila sa tatlo kahit isa ako sa kanila.

Sinara ko na ang locker at saktong dumaan silang tatlo sa likod ko. Humarap na ako nung nakatalikod na sila.

Likod ni jihoon ang nakaharap sa akin. Kakapasok pa lang ni wonwoo last month, sikat na agad sya.

Kahit ang liit nya, matangkad padin sya sa akin ng konti.

Konti lang naman.

Nang makalayo na sila, niyakap ko na ang mga libro ko at naglakad na papasok sa classroom ko.

Hindi naman ako nerdy type student or loner, i have acquiantances but walang friend to rely on.

But i can live with that.

Hindi rin naman ako popular student, matalino lang talaga ako at i might say i am a teacher's pet.

Some students naiinis sa akin but i don't mind. Di ko naman kasalanan kung favorite ako ng mga teachers dito.

Umupo na ako sa pwesto ko, sa left side ng second row, sa tabi ng bintana, nakaharap sa school garden.

Nagbell na agad at lahat ng mga estudyante pumasok na sa mga classroom, pwera sa isang lalaki na naglalakad papunta sa usual spot nya sa school garden which is tanaw na tanaw ko : si lee jihoon.

Umupo sya sa ilalim ng puno at nilabas ang laptop nya at isinuot ako headphones.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap dahil andito na ang teacher namin.

"Good morning mrs. Cruz" nagbow kaming lahat at umupo na.

Inayos nya ang salamin nya at iniscan ang buong classroom para tignan kung sino ang absent.

Tumigil ang mga matatalas nyang mata sa akin. Napalunok ako. May ipapagawa na naman to sa akin.

"Ms. Alonzo. See me in my office after classes." At nagpatuloy na sya sa ginagawa nya.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Oras na para imeet ko si mrs. Cruz. Nako sana wag mahirap ipagawa nya.

Duty ko pa naman sa library ngayon. Dito kasi sa school namin, may tinatawag na volunteer student assistant. Like that. Eh isa nga akong boring na tao, kaya sumali ako dyan.

Tumigil ako sa harap ng pinto ni mrs. Cruz. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

"Mrs. Cruz?" Inangat nya ang tingin nya sa akin at sinenyasan nya akong umupo.

Agad naman ako umupo at inayos na nya ang upo nya at tinanggal ang salamin nya. Tinitigan nya ako ng mabuti at nagsalita na.

"Alam mo namang may ipapagawa ako sayo diba? Well, ms. Alonzo, this is the hardest" napalunok ako.

Sabi ko na mahirap ipapagawa nya. Pero okay lang kung may kinalaman sa subject nya.

"Asan na ba ang batang yun?" Tanong nya sa sarili nya at tumingin sa relo nya.

Biglang bumukas ang pinto ng office ni mrs. Cruz at tumambad samin ang maliit na lalaki na may pastel pink na hair color. Nakapamulsa sya at may headphones sya sa tenga nya habang ngumunguya ng bubblegum.

Si jihoon.

Di ko alam bakit di ako makahinga. He is actually right in front of me! Malapit na sya at hindi ko na sya kailangan tignan sa malayo.

"Don't you know how to knock mr. Lee? " naparolyo ng mata si jihoon at umupo sa katabing upuan ko.

"So. This is Sue Alonzo." Tinuro ako ni mrs. Cruz. Tumingin sa akin si jihoon at nagsmirk.

KAHIT SARCASTIC YUNG DATING SA AKIN OKAY LANG! OKAY LANG JUSKO! AARTE PA BA AKO.

"So?" Tumingin sya pabalik kay mr.s cruz.

"She will be your tutor for the rest of the school year" nanlaki ang mata ko.

LIKE WHAT? FOR REAL?! I KNOW CRUSH KO SYA AND HE IS MINE BUT NOOO! HE IS HARD TO HANDLE!

"What?!" Sabay naming bigkas.

"This is not happening tita. NOT GOING TO HAPPEN." nanlisik agad ang mata ni mrs. Cruz kay jihoon.

What?! Tita nya si mrs. Cruz? Okay ngayon ko lang nalaman tom shock ako.

"Aangal ka jihoon? Should i call your mom?" Kinuha agad ni jihoon ang phone ni mrs. Cruz sa desk at ibinulsa iyon.

"What do you want?!" Di ata nila napapansin na tatlo kami dito sa office dahil silang dalawa lang ang nagtatalo.

"Maging matino ka iho. Attend your classes. Not always hanging around with yourself during class hours. Lalo na wag masyadong bully. akala mo ba nakakalimutan ko na yung nahampas mo si mingyu ng gitara mo." Tumayo si jihoon at ibinato ng mahina sa lamesa ang phone ni mrs. Cruz.

"No." Paalis na sana sya nang pigilan sya ni mrs. Cruz.

"Where are you going? Going to tell your dad about this? Going out with your cousins again? Alam mo bang tinutulungan kita?" Napasmirk na naman sya at humarapa sa amin ni mrs. Cruz.

Tumawa sya ng walang humor.

"Tulong? Asan ang tulong dun." Minasahe ni mrs. Cruz ang sentido nya at humarap kay jihoon.

"Your parents will send you back in korea if you keep on doing this jihoon. Shempre di ako sang ayon, i love watching you here around this campus grounds. "

"Whatever. And you" turo nya sa akin. Malamang kanina pa ba sya magtuturo ha sue?

"A-ano?"

"You'll regret this" at tuluyan nang lumabas.

"Ahh wag mo na pansin si jihoon. Nag bibiro lang yun. You can start on weekends okay? I have trust in you sue. Alam kong mababago mo si jihoon. I just know it. We are bow dismissed. Good luck" tumayo ako at nagbow sa kanya sabay labas na ng office.

Good luck talaga sakin. Ugh. Bakit ba kasi favorite ako ng mga teachers utusan what's with me na kautos utos.

"Hey." May tumawag sakin mula sa likod, paglingon ko,si jihoon.

"I'm going to make you give up. Trust me di ka tatagal sa akin" binangga nya ang balikat ko at naglakad na paalis.


little evil man [RUDETEEN SERIES #4]Where stories live. Discover now