Maaga ako pumasok ngayon. Eh hindi rin naman ako makatulog eh. Tyaka bukas...sabado na. The hell di ko nga alam kung saan ang bahay ni jihoon.
Matutuwa pa ako kung sya mismo magbibigay o kaya iapproach man lang ako na "hey eto address ko"
But ano ba ineexpect ko, hindi naman ganun si jihoon.
Maya maya dumadami na din ang mga estudyante. Kanya kanya silang labas pasok sa room habang ako nakaupo na dito sa upuan ko.
Nakarinig kami ng malalakas na tilian habang nakikita ko may dalang roses si wonwoo at malaking teddy bear; mas malaki pa sa height nya na si woozi.
Nakita ko na lang si jun na tumatakbo habang hawak nya si byunice. Yung babaeng walang pake lalo na mukhang hater ni jun. But iba ngayon para silang...alam nyo na.
Nakarinig na lang kami ng boses galing sa speakers. Boses ni jun.
Lahat kami tumahimik at pinakinggan ang mga sinabi nya kay byunice. That girl is so lucky.
Kelan kaya kami ni jihoon?
Nagtilian ang lahat ng babae pwera sakin dahil sinagot ni byunice si jun.
Nakita namin silang naglalakad sa hallway papasok na ulit ng classroom. Nasa likod nila si woozi at wonwoo.
Napansin kong napalinga ng tingin si woozi sa room ko at nagtama ang mata namin sabay nag smirk na naman sya.
Nag init ang mukha ko at inilipat ang tingin ko sa iba.
AT LEAST NAPANSIN NYA AKO DIBA?! omygesh malaking bagay na yun.
Pumasok na ang first subject namin sa araw na to at nagsimula na kami. History. Pinaka ayaw kong subject sa lahat dahil boring.
Dates and everything. You have to memorize it or whatever. I just hate it. Isa pa nakakaantok.
But wala naman ako magagawa subject to eh.
Humalumbaba ako sa desk ko at tumingin sa usual spot ni jihoon or woozi or whatever you want to call him. Andun na naman sya at nakalaptop. Nakaheadphones sya at may notebook.
Nagsusulat sya na para bang may naglelecture sa harap nya at tutok na tutok sya.
Tinanggal nya ang headphones nya at inayos ang buhok nya. May kinuha sya sa bag nya,which is cap, at isinuot sa ulo nya.
Bigla na lang sya napatingin sa direksyon ko.
"Sue alonzo. Please repeat what i've said earlier" napaharap ako sa teacher ko. Ghad nahuli akong nagspespace out.
"Ah..."
"Detention after class. " aish nakakainis naman. Napatingin ako sa direction ni woozi at wala na sya.
Dibale,eye contact din yun. Eye contact sa crush ko.
Lunch break na kaya dinismiss na kami. Lahat sila papunta sa cafeteria, may mga kanya kanyang kasama habang ako, papuntang library. Pambawi sa absent ko kahapon sa duty.
Pumasok ako ng library. As usual, kung hindi mga naglalandian ang makikita mo dito, mga kumakain o tumatambay lang.
Lumapit ako sa librarian para mag sign in.
"Sorry po kahapon absent ako sa duty." Ngumiti sa akin ang librarian.
"Okay lang yun iha, pinaalam na ni mrs. Cruz. Oo nga pala hindi ka dapat nandito sa oras na to ah? Mamaya ka pa diba?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Eh kasi po wala po ako kahapon. Pambawi lang"
"Ah sige."
Binigyan na ako ng mga gagawin ng librarian. Buti na lang masipag ako. Tyaka wala na naman ako dito mamaya. Detention after class.
Nakakainis naman. Di ko naman kasalanan na napakaboring ng subject na yun kaya lumilipad ang utak ko.
Inayos ko na ang mga libro according sa subject at sa code. Medyo may kalakihan ang library kaya may gamit akong cart para dalhin ang mga yon.
Lumiko ako sa isang malaking shelves para ibalik ang mga encyclopediang mabibigat sa pinakamataas na shelves.
Bakit dun pa kasi kinuha to. Sana yung mga reach ko lang diba.
Dahil wala naman akong choice at wala naman maglalagay nun kundi ako, kaya ginawa ko na lang. Umakyat ako sa hagdan para ibalik ang mga encyclopedia.
Isa isa kong nilagay ang mga encyclopedia nang may malaking gagambang lumabas sa shelves.
NO. IT MIGHT JUMP ON ME.
Nako gaga ka sue wag kang magfreak out. Tandaan mo nasa hagdan ka! Malalaglag ka!
Biglang gumapang ang gagamba palapit sa akin. Dahil sa taranta ko nadulas ako sa hagdan.
"Ah!"
Pumikit ako ng mariin dahil ineexpect ko na saslaubong sa likod ko ang sahig ng library. Pero hindi. Iba ang sumalubong sa likod ko.
isang pares ng mga braso.
"Dumilat ka kaya."
Kilala ko ang boses na yun. Yung cute nyang boses. Di kaya..
Sinubukan kong idilat ang mata ko at tumambad sa akin ang mukha ng isang cute na bata na si jihoon.
Agad ako nakaramdam ng init sa mukha ko at parang may nagtatambol sa puso ko.
Nanlaki ang mata ko dahil ang lapit pala namin sa isa't isa kaya naitulak ko sya at nabitawan nya ako.
"O-ouch..." unti unti akong tumayo habang hinihimas ang pwet ko. Masakit kaya.
"Clumsy girl. Pano pag nagkataong wala ako dito para kumuha ng encyclopedia, edi wala akong tutor na aantayin bukas?" Napaikot ang mata nya habang nakatulala padin ako sa kanya.
He actually...catch me from falling..he...HE CATCH ME. HE CATCH ME. LEE JIHOON CATCH ME.
"A thank you would be nice."
"A-ah...t-thank you. S-sige mauna na ako." Tinulak ko na ang cart pero pinigilan nya ako.
PINIGILAN NYA AKO GUYS! baka mahimatay na lang ako bigla dito no that can't do.
"Address ko."iniabot nya sa akin ang piraso ng papel na may address nya with contact details.
OMG BINIGAY NYA NUMBER NYA LORD ANO PO BA NAGAWA KO TO DESERVE THIS SO MUCH.
"Remember when i said i'll make you regret this? Abangan mo bukas siguradong ikaw na magsasabi kay tita na di mo ko kaya."
Biglang bumagsak ang mukha ko. Okay na eh. Kinikilig na ako eh. Pinaalala nya pa. Psh.
Tumalikod na sya at iniwan ako. Alam ko namang pagsisisihan ko to dahil matigas ang ulo nya at alam kong wala syang pinakikinggan.
Sa kanya pa nga nakikinig sila wonwoo at jun eh.
LORD MALAS KO PO.
Inilagay ko na lang sa bulsa ko ang papel na binigay nya sa akin at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Sana wala nang gagamba sa ibang shelves.
YOU ARE READING
little evil man [RUDETEEN SERIES #4]
FanfictionYou thought your teacher will just tell you to do something hard, again. But you are wrong. You are going to tutor the bully/one of the three prince of the school you are studying in/ AND YOUR CRUSH, lee jihoon or so called "woozi". Susuko ka na ba...