27

754 39 16
                                    

Pagkauwi namin ng bahay agad sila nagkumpulan para kamustahin ako. Agad na inopen up ni mingyu ang nangyari kanina kaya lahat sila nag taka.

"May alam nga sya ilan beses ko ba sasabihin sa inyo?! At malamang sinabi na nya kay woozi hyung na andito tayo!" Sigaw ni wonwoo. Napabuntong hininga na lang si dokyeom at umiling si jun.

"Ano na plano? We need to change that. Mag iingat na yun" sabi ni dokyeom.

"Great. Just great. Feeling ko nag huhunt down tayo ng sindikato dito sa korea." Sass na naman ni seungkwan.

"stop the sassiness seungkwan stress na tayong lahat." Saway ni jun.

"But look who's more stressed." Tumingin silang lahat sa akin. Oo alam ko stress na ako ilang buwan na kakaisip kay jihoon.

Di lang talaga ako mapanatag, something's definitely not right. Parang yung pagpunta ko dito pagsisisihan ko.

"We'll just look tomorrow okay. No change of plans." Agad na kami nagsi akyat sa kwarto at natulog na.

Pumunta ako sa balcony ng bahay nila hoshi. Di rin naman ako makatulog eh tyaka isa pa, di rin naman ako pagod.

"Oh? Andito ka pala." Narinig ko may nagsalita sa gilid ko. Si wonwoo. Sya na naman.

"Ah wonwoo." Tumayo sya at tumabi sakin sa balcony. Matagal syang tumitig sa malayo at kinalabit ako.

"Ayun" tinuro nya ang isa pang malaking bahay kagaya ng kay hoshi. "Bahay ni jihoon yan. Gusto mo pumunta?"

Nung una naghehesitate ako dahil may pakiramdam akong di maganda. Parang di ko magugustuhan. Pero pumayag din ako.

Di nyo naman ako masisisi. Nangungulila lang ako sa boyfriend ko. Limang buwan na wala sya, it's like i'm dying slowly and it's painful.

"Then let's go?" Hinawakan nya ang wrist ko at bumaba na kami sa hagdan at lumabas.

Medyo malamig ngayong gabi pero wala akong pake. Napansin kong nakahawak padin sa akin si wonwoo kaya ako na mismo ang nag alis ng kamay nya.

"Cold?" Basta na lang nya hinubad ang jacket nya at inilagay sa balikat ko.

"Swerte nung mickel sayo no? Kahit mapang asar ka at nakakabwisit minsan, gentleman ka." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti sya at kinamot ang batok.

"Ganito lang talaga ako sa mga kaibigan ko na babae. Anyway, you deserve to be treated like a princess. " tumingin ako sa kanya at nakatingin sya sa kalangitan.

Mickel is really really really lucky to have wonwoo with her. Basta ko na lang sya sinapak.

"Ouch?" Natawa naman ako ng mahina at ganun din sya. Nanlaki ang mata nya at basta na lang ako niyakap.

"Ah wonwoo?" Pati ako nagulat sa reaksyon nya.

"Let's stay this way please sue." Nararamdaman kong bumibigat ang mga hininga nya kagaya ng kanina na nakita namin si yoongi.

Nagsisimula na ako maging hindi comportable dahil antagal. Sinubukan ko magpumiglas pero mas hinigpitan nya pa ang yakap.

Nararamdaman ko ding unti unti na kami naglalakad palayo. Pabalik na sa bahay nila hoshi.

"Wait wonwoo kaya ko naman maglakad mag isa di mo ko kailangan yakapin pa." Pero di sya nakikinig.

"Wonwoo! Sabi mo pupunta tayo kela jihoon bakit naglalakad tayo pabalik?" Di padin sya umiimik kaya tuluyan ko na sya naitulak.

"WONWOO ANO BA!" Tumakbo ako palayo sa kanya. I have to find jihoon. I can't wait lang rin naman.

Nakita ko ang pamilyar na bahay at may pamilyar na likod ng lalaki. Si jihoon.

"Jihoon!" Tawag ko sa kanya. May ngiti sa mukha ko. Gustong gusto ko na syang yakapin.

Marami akong gusto sabihin at itanong sa kanya.

Di nya narinig ang tawag ko sa kanya.

"Ji-" natigilan ako dahil sa nakita ko.

Hindi lang si jihoon ang nag iisang nakatayo dun. Andun din si..yoora.

"Sue." Tawag ni wonwoo.

Nakita ko kung paano ningitian ni yoora si jihoon at niyakap. Naririnig kong nababasag ang puso ko at pinagtatapak tapakan.

Jihoon..ayoko magalit pero eto ba talaga inaatupag mo dito ng limang buwan? Eto ba kaya di mo na ako pinapansin?

Tama nga si yoongi, hindi na dapat ako pumunta dito.

Humiwalay na si yoora kay jihoon. At the next thing i see, hinalikan ni jihoon si yoora.

Agad ako hinatak ni wonwoo sa yakap na naman at napahagulgol na lang ako.

"Shh...shh..." pagpapakalma ni wonwoo sa akin.

"Let's get you out of here." Tinulak ko sya at naglakad papunta kela jihoon. Nanlaki ang mata ni yoora at itinulak si jihoon.

"Why?" Rinig ko pang tanong ni jihoon kay yoora. Nanatiling nakatingin lang sa akin si yoora.

Unting unti humarap sa akin si jihoon. Nanlaki ang mata nya nang nakita ako.

"Wow. Eto ba? Eto ba inaatupag mo sa limang buwan na di pagpansin sa akin? Busy ka naman pala talaga. Busy sa kanya."turo ko kay yoora.

"No sue.. let me explain." Hinawakan nya ang kamay ko pero iniwas ko iyon at sinampal sya.

"Sue that's enough umuwi na tayo baka hinahanap na tayo ng iba."hila sa akin ni wonwoo pero inalis ko ang kamay ko.

"Alam mo ba kung gaano kasakit jihoon? You left me hanging! Everyday of my life first time ko mawalan ng gana sa buhay dahil sayo! Kasi nag aalala ako kung ano ba talaga nangyari sayo! Namimiss kasi kita! Jihoon akala ko ba mahal mo ako? Oo nga pala, isa kang bully, masyado akong nagtiwala sayo. Pati ako pala sasaktan mo, emotionally. Wala akong exception. First time ko magmumura but you deserve it, you are a piece of shit! Both of you!" Hinila ko na si wonwoo paalis.

"Sue wait!" Tawag ni jihoon sa akin. Di ko na alam pero nadala ko si wonwoo sa tawiran.

"Sue hantayin natin si woozi hyung-" di ko na sya pinatapos kaya tumawid na agad kami. Sapat na yung nakita ko kanina.

"Sue!" Nakita kong hinahabol nya pa kaming dalawa. Maya maya may narinig kaming sasakyang biglang huminto at mga nabasag na salamin.

"Sue si woozi hyung!!" Sigaw ni wonwoo. Agad ako napaharap at nakitang nakahandusay si jihoon sa kalsada.

"Jihoon!" Agad ako tumakbo papunta sa kanya. Puro dugo ang katawan nya.

Lalo lang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Tumutulo na pala ang luha sa  mukha ko habang hinahawakan sya.

"Jihoon..." pilit nyang inabot ang mukha ko at agad ko naman hinawakan yun.

"I...love...you...always...re-remeber..t-that.." hirap na hirap na sya kaya naman lalo ako naiyak.

"No...please wag ka na magsalita. Please. Stay awake jihoon dont close your eyes. JIHOON! WAG KA SABI PUMIKIT!" tuluyan na akong inilayo sa kanya ni wonwoo at nilagay na sya sa stretcher at isinakay sa ambulance.

"Sundan natin wonwoo..please.." kahit na pinagtitinginan na kami ng tao dito dahil sa puro dugo ang damit ko wala akong pake.

I need to know how's jihoon. I can't loose him.

Nagpara kami ng taxi at ibinigay ni wonwoo ang pangalan ng hospital.

"Kasalanan ko wonwoo. Kung nakinig muna ako. Kinain na ako ng galit ko.. kasalanan ko.." niyakap naman ako ni wonwoo.

"It's no one's fault sue. Let's...let's just hope he's....fine."

little evil man [RUDETEEN SERIES #4]Where stories live. Discover now