Gumabi na dito sa amusement park at nagkita kita na kaming lahat. Masama padin ang tingin ko kay wonwoo habang lumalapit sya sa akin.
"Guys uwi na tayom may babae tayong kasama. Sa susunod na lang." Suggest ni hoshi kaya lahat ay sumunod.
As usual sa sasakyan nila wonwoo ako sasabay kaya nagpaalam na kami na mauuna na.
"Thanks. Nagenjoy ako guys." Nagbabye na ako sa kanila at sumakay na. Narinig ko pang sumigaw si jong in at chanyeol na crush daw nila ako. Haha mga sira.
Nag enjoy naman talaga ako. Walang halong biro. Maghapon ba naman nagsasagutan si baekhyun at seungkwan tapos referee si hoshi.
"Buti naman nag enjoy ka. At least di ka malungkot. Binilin ka samin ni woozi hyung." Sabi ni jun. Tumingin lang ako sa labas.
"Oo nga pala sue. San mo nakilala yung hyungwon na yun? May pakiramdam ako sa kanya na di maganda. Stay away from him." Paalala ni wonwoo. Tignan mo to.
"Ewan ko sayo wonwoo. Piste ka talaga. Sinabihan mo pa akong panget! Susumbong kita kay jihoon." Nagcross arms ako at tumawa naman sya.
"Hay byul este sue." Isa pa tong si jun masyadong inlove kay byul.
Agad akong nakauwi at nagpasalamat sa free ride galing kay jun. Ayoko kay wonwoo di naman nagdadrive yang lintik na yan.
Well di ko pa nakikita eh.
Pumasok na agad ako sa bahay para makausap ko na si jihoon. Skype daw kami kapag nakarating na daw sya dun.
Binuksan ko na ang laptop ko na halos di ko naman na nagagamit dahil ewan ko di ko lang nagagamit.
Agad ako nag online sa skype at agad tumawag si jihoon agad ko iyon sinagot at nakita ko ang mukha nyang nakangiti sa akin.
"Hi baby. I miss you." Ngumiti naman ako at nagpout sya.
"Di pa natatapos ang isang araw jihoon." Paalala ko sa kanya. Nag stretch sya ng arms nya at humikab.
"Kahit na. Miss kita. how's your day?" Nag taas baba ang kilay nya.
Kinuwento ko sa kanya lahat simula nung nakasakay na sya ng eroplano at etong pag uwi ko. Napasimangot sya.
"Dapat andyan ako eh!" Reklamo nya. Well, sinet aside ko yung tungkol kay hyungwon dahil mapapauwi ito ng di oras. Alam ko iyon.
"Oo nga pala. i have a surprise." Ngumiti sya at lumabas muna saglit ng kwarto nya. Wow surprise na naman.
Maya maya nagbukas ang pinto at may kasama na sya.
"Meet my parents." Agad ko tinakpan ang mukha ko. Medyo shock kasi ako tapos baka di presentable itchura ko. Waaa.
"Come on baby dont cover your face " sabi ni jihoon. Unti unti ko tinanggal ang kamay ko sa mukha ko.
" 이것은 소송을, 엄마.(this is sue, mom)" wait ano daw?! Ano ano?! Wala ako naiitindihan.
" 와 여자 친구 정말 예쁩니다.(wow your girlfriend is so pretty)" dinudugo na ilong ko. Wala talaga ako maitindihan.
"A-anyeong hasyo?" Alam ko mali ang trying hard ko. Di ko naman kasalanan kung bakit koryano boyfriend ko.
Tumawa si jihoon ganun din ang mama nya. Tumikhim ang papa ni jihoon.
"Hi sue." Nag eengrish pala ito. Pinahihirapan pa ako. Nakakainis ka jihoon.
"Hi dear. My son is so lucky to have you. You change him." Namula naman ako sa compliment ng mama nya.
Kung ano ano pa papuri ang binigay nila sa akin bago sila palabasin ni jihoon. Nag kokorean na naman sila na wala na naman ako maitindihan hanggang sa tuluyan na talaga lumabas ang magulang nya.
"Well?" Ngumiti sya.
"Ang layo ng ugali mo sa kanila. Ampon ka no?" Pang aasar ko sa kanya na kinasimangot naman nya.
"Baby dont be like that. I'm funny kaya." Funny? Hindi kaya!
"No! Hindi kaya! Nakakatawa ka lang kapag ikaw na ang inaasar nila wonwoo. Ah, may pupuntahan ka ba bukas?" Nag isip isip sya bago sya sumagot.
"Well, i have to meet up with yoongi-"
"REALLY!?" napa 'tsk' naman sya.
"Baby im jealous." Nagpout na naman sya. Tinignan nya ang orasan nya.
"Baby you should sleep. May pasok ka pa." Agad ko syang sinunod at nagpaalam na sa kanya. Gustuhin ko man sana na makasama pa sya pero di na pwede.
Kinabukasan maaga ako gumising para maaga din makapasok. Pano ba yan, wala nang jihoon na gigising sa akin o magsusundo o maghahatid. Wala na.
Ang hirap naman ng unang araw na wala si jihoon. Namimiss ko tuloy sya.
"Anak. Ang aga mo ah?" Puna ni mama habang nag aayos ng la mesa. Nakita ko andun na din si papa na nagbabasa ng dyaryo.
"Oo nga anak. Di ka ba susunduin ni jihoon?"
"Ano kasi pa, ma, umalis muna si jihoon dito bumalik ng korea. Saglit lang sya dun mga limang araw siguro." Sagot ko sa kanila. Kumuha ako ng dalawang pirasong tinapay at umalis na.
Habang naglalakad ako, nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Guni guni ko lang siguro yun.
"Uy." may tumapik sa balikat ko kaya agad ako napatingin.
"Hyungwon?!" Tumawa lang sya. Maya maya may umakbay sa kanya.
"Good morning pala." Ngumiti sya sa akin. Okay, so dito sya nakatira?
"Sue diba? Ay ayan na yung lalaki kahapon." Tumingin ako kung saan sya nakatingin at nakita ko si wonwoo na nag uusok ang ilong sa inis. Haha mukhang toro. Ay wait, bakit andito to?
"Sue!" Hinigit nya ako at tinapatan ng tingin si hyungwon. Ang aga aga.
"What? I am not doint anything wrong." Depensa ni hyungwon.
"I said back off." Matalim syang tinignan ni wonwoo.
"Why? Are you some kind of her body guard?" Ngumisi si hyungwon kay wonwoo.
"I'm her friend and i have to protect her from guys like you. Gusto mo bang si jihoon makaharap mo?" Pumagitna ang lalaking kasama ni hyungwon.
"Stop it you two. Maaga pa para mag away kayo." Inalis sya ni hyungwon sa pagitan nila.
"Shut up kihyun hyung." Mas matangkad si hyungwon kay wonwoo kaya natatabunan ang height ni wonwoo.
"You can't make me stay away from her." Tinuro ako ni hyungwon.
"Then i'll make you stay away from her." Narinig kong inaawat na sya ni jun.
"Dude just knock it off. Okay?" Sagot naman ni jun kay hyungwon.
"See you." Kumindat pa sya sakin bago hilahin ang kasama nya.
"Piste naman. Bakit ka ba nilalapitan nun. Lintek naman oh." Napakamot sa ulo si wonwoo sa inis.
"Patay ako kay jihoon pag nalaman nyang mag naaligid sayo habang wala sya nako ayoko mahampas." Takot nyang sabi sabay naglakad na papuntang sasakyan.
Hinila na din ako ni jun at pinasakay na. Tinanong ko sila kung bakit andun sila kaaga, well ang sagot lang naman ay :
"Jihoon said so. "
My boyfriend is the boss.
YOU ARE READING
little evil man [RUDETEEN SERIES #4]
FanfictionYou thought your teacher will just tell you to do something hard, again. But you are wrong. You are going to tutor the bully/one of the three prince of the school you are studying in/ AND YOUR CRUSH, lee jihoon or so called "woozi". Susuko ka na ba...