"Bukas ulit. Same time." Niligpit na nya ang mga libro sa harap namin. Gabi na din kasi kaya pinauuwi na nya ako.
"Sige. Salamat jihoon." Lumabas na ako pinto at naglakad papunta sa gate. Binuksan ko ang gate at shempre isasara ko yun diba.
Naglakad na ako. Nasa kanto na ako nang biglang may bumusina sa likuran ko. Tumigil ako para tignan yun.
Si jihoon.
"Get in" huh? Bakit? May pupuntahan ba kami?
Naparolyo sya ng mata at binuksan ang pinto nya para lumabas. Bigla na lang nya ako hinatak at pinapasok sa passenger seat.
Clueless padin akong nakatingin sa kanya. Okay. Nasa kotse ako ni jihoon. Omygad. Ambango sa loob. Ampogi nya ho mag drive.
"Your address please."
"Huh?"
"Girl. You are so stupid. Malamang gabi na at konsensya ko pa kung may mangyari sayo kaya ihahatid kita. Your address please." Agad ko sinabi sa kanya ang address ko.
Ihahatid nya ako okay guys ito na talaga ang best request ni mrs. Cruz sa akin. This is life.
Life with crush hahaha. Okay i'll stop.
Habang nasa biyahe kami, nakatingin lang ako sa labas. Di naman kami close ni jihoon para mag usap ng ibang bagay isa pa ako lang may interes sa kanya.
"We are here." Agad ako nagpasalamat sa kanya at bumaba na.
"I'll pick you up tomorrow" at tuluyan na syang umalis.
Omygash he will pick me up daw juskooo! does he like me now?!
Ambisyosa ka sue. Susunduin ka lang naman para di ka tatanga tanga sa susunod sus.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at binati ang mga magulang ko. Kakauwi lang siguro nila.
"Saan ka galing sue?" Tanong ng papa ko.
"Di kaya galing sya sa date? May naghatid sayo dito naka kotse pa." Dagdag ni mama.
"Ma, Pa. May tinututoran lang akong schoolmate. Sya yun. Request na din ni mrs.cruz." tumingin sa akin si papa.
"Siguraduhin mong tutor lang yan ha. Bata ka pa at marami kaming pangarap sa iyo ng mama mo. Siguraduhin mo lang na hanggang dun lang yun ha sue?" Tumango tango ako at pumasok na sa kwarto ko.
Sadly to say,yes bawal pa ako magkaboyfriend kaya isa rin yun sa rason kung bakit ang layo ko sa mga schoolmates ko.
Isa pa wala naman magkakainteres sa akin. Boring nga ako diba.
Nagbihis na ako at umupo sa study table ko. Kailangan ko gumawa ng lesson plan para sa lee jihoon na yun para di maulit yung kanina.
So basically, hindi nya alam ang lahat so magsisimula muna kami sa madadali. Diba ganun? Dapat course ko sa college education.
----------------------------------------
"Sue. May naghahanap sayo sa baba" nagising ako sa boses ni mama. Madali lang naman ako magising hindi kasi ako heavy sleeper.
"Ma sino? Ang aga pa ah" kinusot ko ang mata ko at humikab. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. 10:30.
LATE! Nanlaki ang mata ko at agad na bumangon. Nagpuyat ako sa lesson plan na yan. Salamat sayo woozi kung di lang kita gusto di kita pag aaksayahan ng oras.
" woozi daw." Kinuha ko na ang twalya ko sa sabitan at naligo na.
shempre minadali ko lang ang pagligo ko dahil nakakahiya kay jihoon. Ayoko pag antayin sya.
YOU ARE READING
little evil man [RUDETEEN SERIES #4]
FanfictionYou thought your teacher will just tell you to do something hard, again. But you are wrong. You are going to tutor the bully/one of the three prince of the school you are studying in/ AND YOUR CRUSH, lee jihoon or so called "woozi". Susuko ka na ba...