7

1.3K 53 13
                                    

"Yaaa!jihoon!" Hila hila ako ni jihoon sa hallway ng school ngayon. Ewan ko kung bakit bigla na lang syang sumulpot sa harap ng bahay ko kaninang umaga.

Hinatid nya ako dito sa room at binigyan nya ng isang bag na puro pagkain.

"Eat that" clueless padin ako tumingin sa kanya at napaikot ang mata nya. I swear kung nakakamatay ang tingin sa akin ngayon kanina pa ako nakahandusay sa upuan ko.

"Just eat that!" At umalis na lang sya ng classroom. Napansin kong nadito na din ang mga libro ko na gagamitin ngayon araw.

What's with him today? Wala naman ako ginawang kakaiba ngayon at ewan ko ang weird nya pero kinikilig ako ha. Kahit ang harsh nya.

Kinapa ko ang pisngi ko at mainit iyon.

"Hay nako. Hindi dapat ganun ka harsh." Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na si yoongi at kumakain ng pagkain na nasa bag na binigay ni jihoon.

"Penge ha?" Itinaas nya pa sa mukha ko ang pagkain at humarap sa ibang direksyon.

"Hoy sue. Kahapon si yoongi, ngayon si woozi? Malandi ka din ano?" Nagsmirk sa akin si ella. First time ko atang mabubully at di ko alam ang gagawin ko.

Tumingin ako sa katabi ko at busy makipag kaibigan sa opposite row.

Hinampas ni ella ang kamay nya sa la mesa ako para makuha ang atensyon ko. Di ko alam kung ano gagawin ko kaya ngumiti ako.

"Kung gusto mo sayo na lang ella." Aish tanga ka talaga! Dapat nga pinagdadamot mo yan dahil bigay ni woozi yan eh nung crush mo halow sue.

"Damn it woman!why are you giving her my gifts to you?!"nagulat ako dahil nasa gilid ko ulit si jihoon. Nagulat din si ella.

"Jihoon...ano.."

"Stay away from her! Tch."tinulak nya si ella kaya nadapa ito sa sahig. well it's harsh. He is harsh. He is the devil afterall.

That's why i love jihoon.

Love? Did i say love?

My heart beats fast suddenly. Crush ko lang sya diba? Di naman pwedeng mahal ko na agad sya.

Umalis na sya at nakita kong nakatingin na sa akin si yoongi. Lumapit sya sa akin at inilagay ang braso nya sa likod ng upuan ko.

"Lemme tell you something. I think he likes you." Ngumiti si yoongi. jihoon likes me? That's impossible.

"Pano naman mangyayari yun eh kakakilala nya lang sa akin last week." Umayos sya ng upo dahil pumasok na ang first subject teacher namin.

"You don't know anything sue. If he likes you,that's too bad because i like you too. See? I'm brave enough to confess." Napanganga na lang ako sa kanya.

"Close your mouth missy." Napailing na lang ako at tumingin na sa teacher namin.

This is so impossible. He likes me? yoongi likes me. It's too fast. Baka gusto lang ako ni yoongi dahil ako lang naman ang pumapansin sa kanya dito if wala ang mga kaklase ko. Siguro nga.

Tyaka si jihoon?ako gusto nya? It's just a freaking joke. It's impossible. At siguro gusto nya ako magkatonsilitis para di ko sya maturuan sa weekends! Sneaky trick jihoon.

Mabilis natapos ang morning classes ko. Half day ngayon dahil sa di ko malamang kadahilanan. Basta half day. Plano kong umuwi ng maaga dahil di ko rin kailangan mag duty sa library.

Nilagay ko na ang iba ko pang libro sa locker ko. Sinara ko na iyon at nagulat dahil nasa gilid ng locker ko si yoongi, nakasandal.

Gah. Ano na naman ba gusto nito.

"Uuwi ka na agad?" Nakasuot na sya ng beanie. Kinuha nya ang bag ko sa kamay ko at sya ang nagdala.

"Akin na yan!" Itinaas nya ang bag ko at eto ako, talon ng talon habang sinusubukang makuha ang bag ko.

"Waaaah yoongi!" Sigaw ko sa kanya at tumawa lang sya. HINDI AKO NATUTUWA!

"Fine. Only if sasamahan mo ako sa perya malapit dito." Hinawakan nya ang kamay ko at nagmadali syang bumaba sa hagdan.

"But yoongi, gabi pa nag bubukas yun. Tanghali pa lang ah." Nakita kong ngumiti sya.

"Sinabi ko bang ngayon tayo pupunta ng perya?" Nasapo ko na lang ang noo ko at hinayaan ko na lang sya hilahin ako kung saan man nya gusto pumunta.

Nakalabas na kami ng school at tuloy tuloy lang kami sa paglalakad. Hinila nya ako paharap at inakbayan.

This guy. Aish really.

"How about saturday pumunta tayo perya? Gabi naman nagbubukas diba sabi mo?" Hindi ako pwede gabihin..sila mama..baka magalit. Umiling ako.

"Di ako papayagan gabihin eh."

"Edi magpapaalam ako mismo sa mama at papa mo." Nanlaki ang mata ko at tinulak sya.

"What? We are friends." Naparolyo na lang ang mata ko sa kanya.

"Sue!!" May tumawag sa akin mula sa likod naming dalawa ni yoongi.

Pagharap ko,si wonwoo. Pawis na pawis ito.

"Oh wonwoo bakit?" Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"Wala naman. Pinapasabi ni jihoon na wag mo na daw sya turuan muna sa sabado dahil may aasikasuhin sya. Umalis na kasi sya eh." Agad ako umiling. Tumingin sa akin si yoongi.

"Ah hindi kamo pwede. Malalagot ako kay mrs. Cruz." Mas lalo kumunot ang noo ni yoongi.

"Ah ganun ba. Sige. Babye!" Tumakbo na sya paalis.

"Tinuturuan mo si woozi?" Napahinga na lang ako ng malalim.

"Secret lang natin yun ha. Tayo tayo lang may alam okay? May tiwala ako sayo yoongi." Ngumiti si yoongi at naglakad na ulit kami.

Habang naglalakad kami, kinukwento nya sa akin yung previous school nya at ang mga kaibigan nya duon. Pinakita nya pa sa akin ang mga itchura nila.

Yung seokjin talaga ang nagustuhan ko. Sabi nya mother-like daw yun pero mas gwapo daw sya.

Hay yoongi.

"Then,may times na aalis kami ng gabi, tatakas ako sa bahay habang nakaabang na sila sa labas ng bahay at sasakay na kami sa kotse ni seokjin hyung. Masaya sila kasama. Isa sa mga rason kaya nalipat kami sa lugar na to dahil sa pag alis ko sa gabi." Ngumiti sya at tumingala.

"Pag nagkaroon ng pagkakataon,ipapakilala kita sa kanila. Magugustuhan ka nila for sure." Ginulo nya ang buhok ko at itinaboy ko ang kamay nya.

"Ano ba!"

"Wala ka ba talagang friends?" Tanong nya.

"Well, naging kaibigan ko si wonwoo nung araw na nakilala kita sa park. Then you. Kayong dalawa lang."

"Ooh..so you consider me as your friend now?" Nakita kong kumikislap ang mata nya. Parang tanga.

"Oo naman."

"Yey!" Niyakap nya ako at tinapik tapik ang likod nya.

Then may napansin ako sa malayo habang nakayakap sa akin si yoongi.

Isang maliit na lalaki, may pink na buhok, at may headphones sa leeg.

Si jihoon.

Nakatingin sya sa amin at basta na lang tumalikod.

little evil man [RUDETEEN SERIES #4]Where stories live. Discover now