Nasa harap ako ngayon ng malaking bahay, may tatlong sasakyan at malawak na garden.
Pinagiisipan ko pa kung magdodoorbell ba ako, o ano. Malamang! Pano ako papasok dyan diba. urgh.
Pero nahihiya kasi ako! Baka nga ipahiya nya ako sa mga kasama nya dyan sa bahay o kaya naman talagang pasusukuin nya ako sa pananakot nya.
Omyghad don't think too much sue! Dalawang araw lang naman sa isang linggo! Pagtiisan mo na.
Bakit ko ba to ginagawa eh di ko naman alam kung ano ang makukuha kong credits dito sa mga pinagagawa sakin ni mrs. Cruz.
For sure wala. Wala akong makukuha. Eh bat andito pa ako sa harap ng bahay nila jihoon?
Dahil crush ko sya? Umalis na kaya ako? Hahaha. Hindi. Kailangan ko syang tulungan tumino.
Pero nahihiya talaga ako.
Para akong sira dito na haharap at tatalikod sa gate. Pinagtitinginan na ako ng mga kasambahay na nagdidilig ng mga halaman sa garden ng mga amo nila.
"You look stupid there. Bakit hindi ka nagdoorbell?"
"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko at humarap sa gate. Si jihoon.
Ang cute nya sa pullover at tokong. Nakataas ang kilay nya sa akin. Totoo ba to? Nasa bahay nga talaga nila ako at...ngayon ko lang sya nakita na ganyan.
Hinila nya ako papasok ng gate. Hindi ako makagetover na hawak nya ang kamay ko.
GUYS HAWAK NI JIHOON ANG KAMAY KO OMIGAD HAWAK NYA OMGEEE HINDI AKO MAGHUHUGAS NG KAMAY!
Binuksan nya ang pinto at hinila na ako sa loob.
"Just sit sa sofa. Saglit lang." Umakyat sya sa kwarto nya habang ako naman umupo sa sofa.
Maya maya may bumaba ng hagdan na mukhang nagmamadali pa. Napatingin ako at nanlaki ang mata ko.
Isang topless na wonwoo.
"Oh my God!" Tinakpan ko ang mga mata ko.
KASI MGA ATI! JUSKO! BAHAY PALA NG MGA LALAKI TO!
Nararamdaman kong mainit ang mukha ko dahil sa nakita ko. This is wrong. The abs. His hair...basa. wet look. Omygad. No.
"S-sorry!" Agad syang kumaripas ng takbo pataas at nakarinig ako ng malakas na sara ng pinto.
Kaasar naman bakit ang tagal ni woozi!
"Ano sisimulan natin?" Nakatayo sya sa harap ko. Inilapag nya ang mga notebook at libro nya sa la mesa at tumingin sa akin.
"G-grammar." Kinuha ko agad ang libro sa grammar at nagscan na ng mga pages.
"Woozi alis muna ako" boses ni wonwoo.
Naalala ko na naman yung...yung....
"Are you sick?"napatingin ako kay jihoon na malapit ang mukha sa akin. Lalo nagiinit ang mukha ko.
"A-ayoko dito!" Tumayo ako at nagsmirk sya.
"I want to study here." Umupo sya ng maayos at tumingin sa akin.
"Ako ayoko dito. Pwede sa iba na lang tayo?" At again, he smirked.
"No. Why? Giving up already? Darling i have tons. I'm not having fun yet" nag cross arms sya.
Wala naman ako magagawa kaya umupo na lang ako sa tabi nya at nagbasa basa ulit.
"Ano ba ang hindi mo naiitindihan dito sa grammar? Para mabilis tayo" nilabas ko ang notebook nya at ballpen. Hinahantay ko sya magsalita pero nagtetext lang sya.
He is testing my patience. Di gagana sakin yan.
"Jihoon." Tawag ko sa kanya. Binaba nya ang phone nya at tumingin sa akin.
"All of it. I don't understand all of it. Still going to teach me?" Sabi ko na eh. Well i am a persistent one and a positive thinker.
"Yes. Masaya akong tumutulong sa iba kaya makicooperate ka please." Tumawa sya ng walang humor.
"i'll tell you something. 4 words : you can't do it." Umirap sya at kinuha ulit ang phone sa la mesa.
This will be a long day.
------------------------------------
"alam mo naman yung mga tenses diba?" Tanong ko sa kanya. Umiling sya at nagbalik sa pagtetext.
"I said i don't understand all of it." Naparolyo ang mata ko at kinuha ko ang phone nya. Inilagay ko iyon sa bulsa ng pantalon ko.
Of course he wouldn't dare to touch my thighs.
"What the hell! Ano sa tingin mo ginagawa mo?!" Humarap ako sa kanya at ang lapit ng mukha nya sa akin.
ANG LAPIT JUSKO KAYA DI KO MAKUHANG MAINIS SAYO EH.
"Kinukuha ko lang ang atensyon mo para napunta sa studies natin. Okay. Makinig ka ha." Kinuha ko ang libro at inilagay ko iyon sa kamay nya.
Napakunot na lang ang noo nya.
"Here. Past tenses." Turo ko gamit ng lapis.
Inexplain ko sa kanya kung paano at saan ginagamit yung topic na yun. Puro lang sya buntong hininga at minsan napapa "tsk" pa sya.
"Break muna tayo. " yaya nya. Agad nya hinagis ng mahina ang libro sa la mesa at tumayo.
"What do you want to eat? It's lunch now." Tumingin ako sa relo ko. Lunch na nga pero di ako nagugutom. Siguro sapat na presensya nya.
Ang korni ko okay. Sorry na guys.
"I'm asking you. Last time i check di ka bingi. " nagsnap sya ng fingers sa mukha ko.
"Di ko alam..." naparolyo ang mata nya at hinila ako patayo.
OKAY GUYS HAWAK NYA ULIT AKO DI NA AKO MALILIGO HAHAHA YUCK ANO BA SUE.
pinaupo nya ako sa upuan na kaharap ng stove. Nasa kusina na pala kami.
"Di ako marunong mag luto kaya mag tiis ka sa noodles. At least pinakain pa kita." May bahid ng pagkainis ang boses nya pero natutuwa lang ako kasi ang caring nya.
Emegesh my crush is ya know. Hahaha di ko na kinakaya to baka mamaya bigla na lang lumabas ang inner feels ko na di pa nakikita ng lahat.
"O-okay lang." Napakamot ako sa batok ko habang nagiinit ang pisngi ko.
"Seriously. You are sick kanina ka pa namumula." Kakapain nya sana ang noo ko pero umiwas ako.
"H-hindi!"
"Okay. Psh. Ayoko lang mag alaga ng babae dito. " at ibinalik na ang pansin sa noodles.
Okay kahit sungitan mo ko jihoon, at least malapit ako sayo.
Inilapag na nya sa harap ko ang noodles at nagsimula na sya kumain. Chopsticks ang binigay nya sa akin. Hindi ako marunong gumamit nito.
Napansin nya siguro kaya kinuha nya ang chopsticks sa akin at binigyan ako ng spoon and fork.
"How come na matalino ka pero di ka marunong gumamit nyan" not all intelligent people like me kaya no! Okay lang cute ka padin.
"Quit staring at me and eat your food." Kahit masungit ka crush padin kita why is dat lee jihoon!?
Sinunod ko sya at kumain na. Kahit na maanghang basta gawa ni jihoon uubusin ko. Lahat ng babae pinapangarap ang position ko ngayon alam ko yon.
"Wag sana makalabas satin to. Wala dapat makaalam sa school na ikaw, tinututoran ang lee jihoon. Maliwanag?" Tinuro nya ako gamit ng chopsticks.
"O-oo!" Naparolyo sya ng mata.
YOU ARE READING
little evil man [RUDETEEN SERIES #4]
FanfictionYou thought your teacher will just tell you to do something hard, again. But you are wrong. You are going to tutor the bully/one of the three prince of the school you are studying in/ AND YOUR CRUSH, lee jihoon or so called "woozi". Susuko ka na ba...