Lagi naman kami magkaskype ni jihoon. Gabi nga lang. Pano, madami inaasikaso. Mukha na nga syang pagod but he still manage to smile and talk to me.
Pinepeste padin ako ni hyungwon. Nalaman ko lang na inaasar lang pala nya si wonwoo dahil nakakatandang step sister nya si mickel, yung ano ni wonwoo, love interest.
"Sue." Tawag nya sa akin.
"Bakit?" Bumuntong hininha sya at tumingin sa akin.
"I....i will stay here for 2 months." 2 months? Limang araw lang di ko na kinaya, 2 months pa kaya.
"Why?"
"I....can't tell you..i'm sorry." Basta na lang nya pinatay ang tawag. Walang man lang good bye o i love you man lang. Wala.
What's wrong? Bakit? Andami ko gusto itanong sa kanya pero di ko na sya kayang i-contact dahil gabi na at kailangan ko na magpahinga. Baka bukas okay na sya.
Kinabukasan ganun padin. Hanggang sa sumunod na araw inignore nya ako. Tinatanong ko nga sila wonwoo pero pati sila di alam.
What's going on jihoon? Why aren't you telling me? I'm worried.
Ang pang iignore nya naging linggo na, linggo naging buwan. Pero nag hahantay padin ako na baka isang araw maging okay na sya, na makausap ako.
Sabado na nga ngayon. Limang buwan na wala pading jihoon na nag aappear sa screen ko. Wala.
I miss him.
Does he still love me just like before?
May nahanap na kaya sya?
Sa sobrang pag iisip ko ng negative na bagay bumagsak na ang luha ko sa keyboard. Bakit mo ba to ginagawa jihoon? Nahihirapan na ako.
Basta na lang bumukas ang pinto ko at iniluwa ang mga lalaking karamay ko ngayon. Kauna-unahan si wonwoo.
"Wonwoo.." basta na lang ako tumakbo palapit sa kanya at niyakap.
"Sue...sorry" sabay sabay nilang sinabi. Why sorry? Wala naman silang ginawa.
"Wala naman kayong ginawa ah?"
"No. Nagsosorry kami because we have to take you." Pinakita sakin ni wonwoo ang plane ticket.
"We are going to korea. We dont know what happened to jihoon. We lost connections too. We will find out about it kaya tahan na okay? We got your back"
"Thank you wonwoo. Thank you guys." Nag group hug kami sa kwarto.
"Mag impake ka na we will leave tomorrow. Oh and by the way, napagpaalam ka na namin so dont worry." Umalis na rin sila at nag impake na ako.
Buti na lang may mga kaibigan akong katulad nila. Di ko alam gagawin ko kung wala sila. Baka nabaliw na lang din ako dito kakaisip kung ano na nangyari kay jihoon sa korea.
Kinabukasan, umalis na kami ng maagang maaga. Gusto ko na makita si jihoon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kaya kahit nag haharutan sila dito sa may departure area ng airport eh hindi ako nakikisali.
Iniisip ko kasi kung ano magiging ekspresyon nya kapag nakita nya ako. Magagalit ba sya? Matutuwa? Maiinis? Di ko alam.
May humawak sa kamay ko at pinisil yun.
"Wag ka matense okay? Andito naman kami." Si wonwoo. Bakit hindi sa taong to ako nagkagusto eh mas hamak naman na mabait to kahit mapang asar.
"Pero iba si jihoon." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pumikit.
'Flight KA76 Philippines to korea, we are now boarding'
Pumila na kami para ipresenta ang ticket namin sa ground attendant. Kinakabahan talaga ako ano kaya ang reaksyon ni jihoon.
Katabi ko si wonwoo at jun. Sino pa ba? Ipagkakatiwala ba nila ako sa mga yan.
Apat na oras ang biyahe. Sila tulog samantalang ako hindi makatulog, paano, ginawa akong unan nung dalawa. Nananakit na ang balikat ko. Patay talaga sakin to pagka gising nila.
Nakalapag na din ang eroplano. Dahil medyo bago pa ako dito kaya inalalayan ako ni wonwoo.
Napagpasyahang sa bahay nila hoshi muna dahil malaki laki din dun at malapit kela jihoon.
"Nakauwi din sa wakas. Nakakamiss korea." Nakaspread ang arms ni mingyu habang binatukan naman sya ni hoshi.
"Hindi tayo mag gagala ha! Ay wait kailangan ko bilhan si sena ng pasalubong." Napairap naman si mingyu.
"Tara na guys." Nag para sila ng cab at siksikan kami sa dalawang cab. Gusto talaga makatipid.
Nang makarating naman kami dun, itinuro sa akin ni hoshi ang magiging kwarto ko. May kalakihan ang bahay nila pero walang nakatira kundi ang house keeper. Mayaman nga talaga si hoshi no?
Inayos ko na ang gamit ko at pumunta sa sala. Andun naman din silang lahat kaya nakisali na lang din ako.
"Ano plano?" Tanong ni seungkwan.
"Wait muna. Bakit ba sya andito in the firsf place?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"It's business sue. Jihoon needs to train as soon as possible." Sagot ni wonwoo.
"Ang alam talaga namin limang araw lang sya. Ewan namin kung ano na nangyari basta huli usap namin kagaya sayo, then wala na kami communications. Kaya di rin namin masagot tanong mo sue." Sagot ni hoshi.
"Pumunta muna tayo sa company nila, tomorrow ha! Not now pagod ako alam nyong bawal ako mapagod.." irap ni seungkwan.
"Then?" Inip na tanong ni dokyeom.
"Then house. If wala maghanap tayo sa mga pwede nyang puntahan. Kahit bahay pa ng mga Min. Di imposible." Sagot ni minghao. Lahat sila napatingin kay minghao na gulat.
"What?" Takang tanong nya.
"Nagsalita ka." Napairap naman si minghao. Wow. Ang grumpy.
"Malamang may bibig ako. Ano ba kayo. Akyat na ako inaantok ako eh." At basta na lang umalis.
"Di ba kayo pagod? Tulog muna tayo." Yaya ko sa kanila. Umiling si wonwoo.
"Ako hindi."
"Ako din" sabat ni mingyu.
"Lalo na ako! Energetic na sagot ni dino.
"Since bago ka lang dito, mag ikot tayo. Labas muna kami ha kayo muna bahala dito." At lumabas na kami.
Naglakad lang kami dahil malamig na. Masarap maglakad lakad ng malamig no.
Napunta kami kung saan saan na streets. Lahat libre nila. Ewan ko kung bakit ambait nila sa akin. Sa awa lang siguro.
Siguro nga.
"Tikman mo." Kalabit sa akin ni mingyu. Ngumanga sya, senyas na ngumanga din ako at pakainin nya. Kinain ko naman agad at pinat nya ang ulo ko.
" 실례합니다! !" Sigaw mula sa likod ko pero huli na.
Tumilapon ang dala dala ko at napaupo habang ang nakabanga sa akin ay nakaupo din. Teka...
"Yoongi?" Napaangat ang tingin nya at nanlaki ang mata naming pareho.
"Sue!!" Sigaw ng tatlo kaya agad naman ako tumayo para tulungan si yoongi. Pumunta silang tatlo sa akin para kamustahin ako.
"Sue.." rinig kong tawag ni yoongi kaya napaharap naman ako.
"Yoongi nami-"
"You shouldn't be here." Natigilan ako sa kanya habang inaayos ang sarili nya.
"Anong ibig mo sabihin?" Tanong ni mingyu.
"May alam ka ba sa nangyayari kay woozi hyung?" Tanong ni dino.
Naramdaman kong bumibigat ang paghinga ni wonwoo kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko lang sya.
"May alam sya." Hinila na lang ako ni wonwoo palayo. Sumunod na yung dalawa sa amin at iniwan si yoongi.
Bakit? Ano ba talaga meron? Pati ata si yoongi ayaw na sa akin.
YOU ARE READING
little evil man [RUDETEEN SERIES #4]
FanfictionYou thought your teacher will just tell you to do something hard, again. But you are wrong. You are going to tutor the bully/one of the three prince of the school you are studying in/ AND YOUR CRUSH, lee jihoon or so called "woozi". Susuko ka na ba...