19

982 38 14
                                    

Monday na ngayon at pasukan na ulit. kanya kanya kaming kilos dito sa school. As usual ang routine ko tuwing umaga. Kuha books then papasok. Tatabi kay..oo nga pala wala na si yoongi.

Namimiss ko sya. Hindi romantically basta as a friend. Alam nyo namang kay jihoon lang ako eh.

Umupo na ako sa upuan ko at nilabas ang phone ko dahil nagvibrate ito.

'I have a surprise' napangiti ako sa nabasa ko. Galing kasi kay jihoon. Ano naman kayang surprise yun? Nako umayos sya kundi.

Nako talaga.

Pumasok na si mrs. Cruz na may ngiti sa mukha nya. For the first time maganda ang aura nya at napansin kong medyo blooming sya. Nakadress lang sya ngayon na floral at nakalugay na ang buhok at wala na itong salamin na suot. What happened?!

May tinatago palang kagandahan tong si mrs. Cruz. Mukha kasing masungit eh.

Natigil ang lahat hindi dahil andyan na sya, kundi sa big make over na ginawa nya.

"Okay class. May gusto kasing nagpalipat sa section nyo." Napatingin sya sa akin.

"Pasok ka na." Ulo pa lang alam ko na. Ito na ba ang surprise ng isang jihoon dahil alam nyang wala na ako kasama sa klaseng to dahil wala na si yoongi?

How sweet.

"I believe you know me too well." Sabi nya at confident na naglakad papunta sa gilid ko, sa dating inuupuan ni yoongi.

"is this seat taken?" Ngumiti sya sa akin. Ano ba hindi kasi ako sanay.

"U-uh." Di kaagad ako nakasagot ng maayos ng sumingit na naman sya.

"I know you are taken. Taken by me so i presume i could sit next to my girlfriend" umupo na sya at nagsimula na ang klase.

Di ko alam pero ang uneasy ng feeling ko. Pano kasi ang harot harot ng heartbeat ko para namang hindi ka ganito dati aish!

Humarap ako kay jihoon na seryosong nakikinig. I really changed him. Changed him for good.

"What are you looking at, babe?" Nagfake vomit ako sa harap nya at tinulak nya ako ng mahina.

"Tss you like it anyway. Silly girl." At ginulo nya ang buhok ko.

"Stop it" humalumbaba sya na nakaharap sa akin. Tinakpan ko ang side face ko ng notebook para di na nya ako titigan.

"I have one more surprise." Ano na naman pasabog nito.

"What is it?" Tanong ko sa kanya pero tumawa sya ng mahina.

"Malalaman mo din mamaya. Promise matutuwa ka sue." Kung ano man yon, wag naman kagulat gulat katulad nito na wala talaga akong clue na gagawin nya to. I mean i'm fine being alone here in class kasi dati naman ganun until yoongi came.

Mabilis tumakbo ang oras kaya lunch na. Sabay kami naglunch ni jihoon at ang tatlo pang tao. Shempre si junhui at si byul at si wonwoo.

Dahil single lang si wonwoo kaya sya ang napagtulungan ng tatlo na bumili ng lunch. Di na ako nakisali kawawang wonwoo.

"Oo nga pala sue." Bigla ako tinawag ni byul.

"Gusto ko sabihin na, bakit si jihoon pa?! Daming gwapo dyan oh! Hahahaha" nakita ko ang asar sa mukha ni jihoon kaya nagsigawan at nag asaran sila. Napasapo na lang ng noo si jun at umiling.

"Eto na mga nga hari't reyna ng katarantaduhan. Pag ako talaga. Nako." Napairap sya habang padabog na nilapag ang lunch namin.

Kanya kanya silang kuha at ako ang nahuli.

"Thanks wonwoo." I smiled at kumain na.

"FINALLY! someone who is righteous." Parinig nya sa tatlo.

"Just eat stupid emo." Sabi ni jihoon sa kanya kaya nagpout na lang sya.

Kumain na din sya at nakisali sa kwentuhan. Dapat yung ganito. Yung walang epal, sorry to my word, walang bitch na nangugulo samin. Sana ganito parati.

Nag ring na ang bell, tapos na ang lunch break at kailangan na bumalik sa mga classrooms. Hinawakan ni jihoon ang kamay ko at naglakad na kami papuntang room.

Saktong pagpasok namin andun na din ang teacher namin.

"Sabay tayo uuwi ha."sabi nya sa akin. Papayag sana ako pero naalala ko may duty ako sa library. Di pwede baliwalain yun.

"Ah jihoon. May gagawin ako sa library ngayon diba?" Tumango tango lang sya na parang okay lang sa kanya.

Dumaan ang dalawang pang subject at uwian na. Nagpaalam agad ako kay jihoon pero hinawakan nya ako at inihatid sa library.

"Ah okay na sige na uwi ka na" papasok na sana ako pero pinagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok na ako at inilapag nya ang bag nya.

"this is my second surprise. Duty ko din dito." Ngumiti sya at nag sign in. Hala ano ba pumasok sa kukote ng lalaking to. Nevermind at least kasama ko sya.

Kanya kanya kami ng ginagawa. Galit galit muna dahil gusto ko matapos na agad ang ginagawa namin dito.

"Ah jihoon palagay naman to sa dulong shelf." Sabi ko sa kanya sabay abot ng libro.

"Samahan mo na ako." Hinila nya ako papunta dun.

"Bakit kailangan kasama pa ako? Takot ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Pero may naririnig kasi ako dun kanina." bigla ako nanlamig at pilit na kumalas kay jihoon.

"A-ano may naririnig ka?" Ngumisi sya at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Tara na siguraduhin nating di multo yun. And as far as i know it doesn't sound like ghost." Nang makarating kami sa dulong shelf, nakarinig kami ng ingay. Kumapit ako ng mahigpit sa polo ni jihoon.

Pareho naming sinilip kung ano meron sa tunog na yun.

Dalawang tao na nagmimilagro lang pala.

Napapoker face kaming dalawa ni jihoon at inilawan nya ang dalawang tao.

Parehong babae?! Okay gusto ko masuka.

"This is a library not a motel." Nanatiling nakatalikod ang isa sa mga babae na medyo matangkad. Matangkad pa kay jihoon at may purple tong buhok. Nakasandal naman ang isang babae sa pader na bukas na ang butones sa blouse nya.

Napansin kong nakapants yung isang babae. Weyt babae ba to? Haba ng buhok eh.

Unti unti itong humarap. Alam nyo yung dyosa? Ito yun.

Nahulog ni jihoon ang phone at libro nya na parang nakakita sya ng multo.

"J-jeonghan?" Nanginginig na sabi nya. Tumingin sya sa fe/male na taong to.

"The hell? I'm not jeonghan. I'm han jeo. Let's go, let's continue this on my flat." At umalis na sila. Naiwan pading nakatulala si jihoon.

"Sino ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"He's...alive?"

Hanggang sa nakauwi na kami di padin sya umiimik. Sino ba kasi yun? Tatanungin ko na lang si wonwoo.

little evil man [RUDETEEN SERIES #4]Where stories live. Discover now