Chapter 1

48 0 0
                                    

"Ano ba ang buhay? Ang tanong ng binata sa kanyang guro. Bakit ka ba nabubuhay? Para saan ang buhay mo? Nico! Nakikinig ka ba? Ano ba ang nasa isip mo at lutang ka na naman?!"

Galit na ibinaba ni Mr. Kalima ang libro sa mesa. Napabuntong hininga naman si Nico. Tinatamad niyang tinitigan si Kalima.

"Ako ay nabuhay para magsilbing gabay sa mga taong nasa kadiliman. Ako ang liwanag at ang buhay. Ang sagot ng guro."

"Ah"

Tinignan ni Kalima ang libro. Tama nga ang mga sinabi ng binata.

"Magaling ngayon. (Ahem) Marami pang mga tanong ang hindi nasasagot-"

*Bakit ako nabubuhay? Ewan parang wala naman akong silbi.*

Nang matapos na ang kanilang klase ay lumabas na si Nico sa silid at pumunta sa kanyang silid.

"Gusto kong mapag-isa. Ayaw kong may mang isturbo sa akin."

Tumango ang lalake sa kanya at isinara na niya ang pinto. Agad na humiga si Nico sa kanyang kama.

Ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata at nagpatangay sa kadiliman. Simula pagkabata ay mag isa na si Nico. Pakiramdam niya ay napakalayo ng loob ng kanyang mga magulang sa kanya. Hindi siya nakaranas na pumasok sa school may mga tao na pumupuntasa bahay nila para turuan siya, hindi rin niya naranasan na magkaroon ng kaibigan. Kapag kaarawan naman niya ay nagigising nalang siya na may regalo na sa mesa na malapit sa kama niya. Ibinibigay naman lahat ng mga magulang niya ang mga bagay na gustuhin niya pero ang gustong-gusto ni Nico? Ang tanging hiling niya ay hindi nila maibigay. Lumaki si Nico na tanging mga kasambahay at body guards lang ang nakikita niya tuwing gigising at matutulog siya. Nakikita lamang niya ang kanyang mga magulang kapag may special na okasyon na konektado sa business at wala ng iba. In short social life? Wala, zero.

Napapitlag si Nico ng may marinig siyang mga katok sa kanyang pinto.

"Sabi ko ayaw ko ng isturbo!"

Pagalit na sigaw ni Nico.

"Young master, nandito po si don Agustine at gusto po kayong makita."

Napabangon bigla si Nico.

*Anong ginagawa niya dito?*

Naglakad na si Nico papunta sa pinto. Binuksan niya ito.

"Nasaan siya?"

"Nasa fountain po, young master."

Napabuntong hininga si Nico. Naglakad na siya papunta sa fountain habang nakasunod sa kanya ang lalake.

"Sir, pinapatawag niyo po ako?"

Hinarap siya nito. Tulad ng inaasahan. Walang emosyon pa rin ang nakita ni Nico sa mukha ng kanyang ama.

"You have to go."

"I am sorry sir?"

"Pay attention! I said you have to go!"

"I am sorry sir. Please forgive me."

Yumuko si Nico.

"Now"

Tumango si Nico at umatras. Nag bow at umalis. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero kailangan niyang sundin ang kanyang ama. Agad siyang nag empake at lumabas ng kanyang kwarto. Sa labas ng bahay ay may naghihintay na sa kanyang isang sasakyan. Agad siyang sumakay dito.

Tahimik lang si Nico sa buong biyahe. Kahit gusto niyang magtanong, alam niya na walang sasagot sa kanya. Kaya nanahimik nalang siya.

Mahaba ang naging biyahe nila hanggang sa wakas ay huminto na ang sasakyan. Bumaba na si Nico. Hindi niya alam kung nasaan na sila pero sa tingin ng binata ay nasa kagubatan sila.

"Young master"

Isang matandang babae ang sumalubong sa kanya.

"Please follow me" anang matandang babae

Hindi naman nagsalita si Nico sinunod nalang niya ang sinabi ng matandang babae. Dinala siya nito sa sala kung saan nakaupo at naghihintay ang kanyang ama.

"Sit"

Utos nito. Agad naman umupo si Nico.

"Pay attention because I will only said this ones."

Sinunod ito ng binata.

"From now on. You will live here, together with duma. You can't go back to the mansion."

Hindi nagsalita si Nico. Nanatili lang itong tahimik.

"Be sure that when the right time comes your still alive."

Agad itong tumayo at ganoon din ang ginawa ni Nico. Sinundan niya ito hanggang sa labas ng bahay. Tinignan pa siya ng kanyang ama bago sumakay ng sasakyan.

"Remember, live. Live my son."

Nagulat si Nico sa huling sinabi ng kanyang ama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam si Nico ng isang emosyon na hindi niya inaasahan yun ay ang kasiyahan.

Umalis na ang sasakyan at naiwan si Nico na nakatayo.

Paulit-ulit na nagbabalik sa kanyang isip ang mga huling kataga ng kanyang ama.

"Young master"

"Your name is Duma, right?"

Tumango ang matandang babae. Tumalikod na si Nico. Pumasok siya sa sala at umupo malapit sa bintana. Maliit ang bahay kung titignan parang ordinaryo lang ito.

"Young master, gusto niyo po bang sumama sa akin?"

Nagulat si Nico dahil unang pagkakataon yun na may kumausap sa kanya.

"Where?"

Di nagtagal ay naglalakad na sila sa likod ng bahay.

"Young master, binilin po kayo sa akin ng inyong ama. Ang sabi ay ituring ko po kayong anak."

Hindi umiimik si Nico nakasunod lang ito sa matandang babae.

"Ano ang gusto mong itawag ko sa iyo?"

Hindi pa rin sumagot si Nico.

"Nik-Nik nalang, okey lang ba yun sa iyo?"

Hindi pa rin sumasagot si Nico biglang tumigil sa paglalakad ang matandang babae kay napatigil din siya. Humarap si Duma sa kanya na nakangiti.

"Hali ka nga Nik-Nik, yakapin mo nga si nanay."

Nagulat pa si Nico sa sinabi ng matanda. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

"Sige na yakapin mo na si nanay."

Nang hindi pa rin gumalaw ang binata ay lumapit na si Duma at siya na mismo ang yumakap kay Nico.

"Simula ngayon nanay na ang itatawag mo sa akin. Maliwanag ba?"

Tumango si Nico at yumakap kay Duma.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon