Chapter 16

16 0 0
                                    

Nang makapasok si Medon sa loob ng bahay ay nakita niya si Nico na nakahiga sa sofa.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi, okey lang ako."

"Sige, may mga chips naman sa loob ng ref kaya kapag nagutom ka kumuha ka nalang. Maliligo lang ako."

Tumango lang si Nico. Ilang minuto pa at narinig na ni Nico ang pag agos ng tubig. Ipinikit ni Medon ang kanyang mga mata.

Flash back ...

"Chiyo!"

Tumatakbo palapit si Misaki sa nakaupo na dalaga.

"Ate"

Isang napakatamis na ngiti naman ang isinalubong ng dalaga.

"Ikaw, ikaw ba talaga ang aming si Chiyo?"

Napaupo ito sa sobrang pagod.

"Oo naman."

Tinitigan niya itong mabuti.

*Ang ganda niya. Grabe."

"Pwede ka bang mayakap?"

"Oo naman"

*Ang cute pa niya,"

Agad niya itong niyakap.

"Grabe, bakit ngayon ka lang bumalik ha?"

"Ang dami kasing trabaho ate, kaya ngayon lang ako nakauwi."

"Naku naman, huling kita ko sa iyo 13 years old ka pa lang. Ngayon, naku napakaganda mo na talaga."

"Ate, naman. Mas maganda po kayo sa akin."

Umupo si Misaki sa tabi niya at tinititgan niya ito ulit.

"Bakit ate? may problema ba?"

"Parang may iba sa iyo."

"Ha? at ano naman yun?"

"Mahal? Chiyo?"

Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Mahal"

Agad siyang tumayo at lumapit sa bagong dating.

"Ate si Joseph, Joseph si ate Misaki."

"Hello, nice meeting you. Iam Joseph boyfriend ni Chiyo."

Napanganga si Misaki sa nalaman.

"Hali ka muna, upo ka."

"Ah yun nga mahal. Gusto ko na sanang magpahinga."

"Ah ganun ba? Ate ihahatid ko lang si Joseph sa kwarto, babalik ako kaagad."

Tumango si Misaki. Pagkahatid ni Chiyo kay Joseph ay agad naman itong bumalik sa kanyang kapatid.

"Ate"

"Oh, Chiyo naihatid mo na ba ang boyfriend mo?"

"Opo"

Umupo na ito.

"Chiyo, boyfriend mo ba talaga yun?" 

"Opo"

"Mukhang mas matanda pa siya kesa sa iyo ah."

Napalingon sila sa nagsalita.

"Ate"

"Oh Yurha, nandito ka na pala."

"Siya na ba si Chiyo?"

"Oo ang ganda niya no?"

Tinignan ni Yurha si Chiyo at ngumiti.

"Oo ang ganda nga niya."

"Salamat po ate."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon