Chapter 2

20 0 0
                                    

Napakalawak na taniman ng ibat-ibang gulay ang nakita ni Nico.

"A-ano ang g-gagawin natin dito?"

"Mangunguha tayo ng makakain natin. Tara na."

Ilang oras pa at aliw na aliw na si Nico sa pangunguha ng gulay.

"N-nanay?"

"Oh, bakit?"

"Wala"

Napangiti si Duma.

"Oh anak. Hali ka muna."

"Ano po yun, nay?"

"Dun ka naman manguha. Tandaan mo ha yung mga kamatis na mapupula lang ang kukunin mo."

"Opo nay"

Sinunod naman ni Nico ang inutos ng matanda. Habang nangunguha si Nico ay may napansin siya sa mga malalaking bato kaya pinuntahan niya ito. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay tinawag siya ni Duma.

"Anak! Bumalik ka nga dito! Mapanganib dyan. Hali ka na at uuwi na tayo."

Bago sila tuluyang makaalis ay tinignan pa ni Nico ang mga malalaking bato.

"Anak, ano nga pala ang gusto mong pagkain?"

"Kahit ano po, hindi ko naman alam kung ano ang mga pangalan niyab eh. Kahit ano nalang po nay. Sa mansion kasi ang mga pagkain dun, kung hindi puro gulay na parang ewan eh puro naman karne. Tsaka"

"Tsaka?"

"Malungkot po dun nay."

"Ganun ba? Hayaan mo at dito hindi ka malulungkot kahit na tayo lang dalawa."

Napangiti nalang si Nico sa matanda.

"Ay siya nga pala, sinabi ba sa iyo ng iyong ama kung bakit ka niya dinala rito?"

"Hindi po, ang sabi lang po ni sir-"

"Anong sir? Sinong sir?"

"Si sir Agustine po."

"Ha? Bakit sir?"

"Eh yun po ang sinabi niya eh. Yun daw po ang itatawag ko sa kanya. Tsaka minsan ko lang naman siyang makita, sila ni mam. Kahit nga birthday, pasko at new year hindi ko po sila nakkikita o nakakasama."

"Ano?! Makakatikim talaga yang si Agustine sa akin."

"Ano po ang gagawin niyo sa kanya?"

"Pipingutin ko siya."

"Pipingutin?"

"Oo, ay naku alam mo ba nung maliit pa yang si Agustine"

Habang papauwi ay ikinuwento ni Duma kay Nico ang tungkol sa pagkabata, pagbibinata at hanggang sa magdecisyon na itong magkaroon ng sarili nitong pamilya.

Nagulat si Nico sa kanyang mga narinig kay Duma. Ibang iba kasi ang kinalalihan niyang ama.

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit sir ang tawag mo sa iyong ama. Ang kilala ko kasing Agustine masayahin, makulit at napakalambing pero simula nung magkapamilya na. Madalang ng pumasyal dito, hindi na rin sumusulat at higit sa lahay hindi na rin tumatawag kaya nga wala na akong naging balita dyan sa ama mo hanggang sa ayan andito ka na nga."

Nanatiling tahimik si Nico. Kumuha ng lalagyan si Duma para sa kanyang niluluto.

"Sa palagay ko hindi ka lang dito dinala ng ama mo para magbakasyon."

"Ganun nga po nay. Ang sabi po niya ay dito na po ako titira at hindi po ako maaring bumalik sa mansion."

"Ganun ba? Malaki nga siguro ang problema ng ama mo."

"Problema?"

"Oo, tulad nga ng sinabi ko hindi ka niya dinala dito para lang magbakasyon. Dinala ka niya dito dahil .. Delikado ngayon sa mansion."

*Delikado?*

"(Hmmm) Nay ano po yan? Ang bango. Sigurado po akong masarap yan. Ngayon ko lang po kasi yan naamoy."

"Adobong kang kong ito anak."

"Talaga po?"

"Ano? Nagugutom ka na?"

"Opo"

"Oh siya umupo ka na dun sa mesa at maghahanda na ako."

Tumango si Nico at naglakad na papunta sa mesa.

*Problema? Delikado? Ang mansion? Bakit?*

"Oh anak, ano bat nakatulala ka diyan? May problema ba?"

"Wala naman po nay."

"Oh sige na kumain ka na."

"Ah kayo po?"

"Mamaya na pagkatapos mo."

"Pero nay sabi niyo sa akin-"

"Kahit na, ikaw pa rin ang anak ng amo ko kaya. Sige na kumain ka na."

Hindi na nagsalita pa si Nico. Nanahimik nalang siya. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Agad namang napansin ito ni Duma.

"Oh, bakit? May problema ba?"

Umiling si Nico.

"Masama ba ang lasa ng niluto ko?"

Umiling muli si Nico.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon