Chapter 18

9 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na si Medon ng lawa at inumpisahan na niya ang ritual. Kumanta siya, ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa magliwanag ang tubig ng lawa at ibinuka niya ang kanyang mga kamay.

Mula sa dilaw ay naging berde ang tubig hanggang sa naging asul ito, puti, violet hanggang sa maging kulay pula ito.

Nang imulat ni Medon ang kanyang mga mata ay nag iba ang mga kulay nito.

Nagising naman ang binata sa mahimbing nitong pagkakatulog ng may matinig siyang kumakanta. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sa labas ay nakita niya anh iba't ibang liwanag kaya bumangon siya ay sumilip siya sa bintana. Nakakasilaw ang mga liwanag kaya ginamit niya anh isa niuang kamay para matakpan ang kanyang mga mata.

*Anong nangyayari?*

Biglang nawala ang mga ilaw ganun din ang magandang tinig.

Sinubukan muli ni Nico na tignan kung ano ang nangyayari at mula sa tubig ay umahon ang isang kumikinang na dalaga.

Kumikislap na parang diamante ang balat nito. Nang unti-unting mawala ang kumikislap sa balat nito ay nagulat si Nico.

*Medon?!*

Naglakad na ito palapit sa bahay at bago pa makabalik si Nico sa hinihigaan nito ay nakapasok na ito sa bahay.

"Anong ginagawa mo?"

"Ah, eh kasi ano."

Napailing si Medon at pumasok na ng tuluyan sa bahay.

Mas nagulat si Nico ng bigla niyang mapagtanto na wala pa ring suot na damit ang dalaga.

"Oh? Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad na dalaga?"

Pagkasabi nun ay agad na isinuot ng dalaga ang mga damit na hawak niya.

"Nagugutom ka ba?"

Tanong ng dalaga kay Nico.

"Ha? Ah"

"Gagawa lang ako ng makakain natin ha."

Agad itong naglakad papunta sa kusina.

*Nakita ko siya, nakita ko siya na nakahubad. Ano itong iniisip ko?! Nasisiraan na ata ako.*

"Oh, ano ba ang iniisip mo?"

"Ah, w-wala naman?!"

Pagkalagay ni Medon ng mga dala nito ay tinitigan niya ang binata.

"M-may p-problema ba? H-ha?"

Sinubukang abutin ni Nico ang tasa pero napatigil siya nungsinabi ni Medon na siya ay isang.

"Bastos"

Napatingin ang binata sa dalaga.

"A-ano?"

Napailing si Medon.

"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil nakita mo ako kanina na walang damit?"

"S-so"

"Siraulo ka. Alam ko na lalake ka pero hindi mo dapat ako pinapantasyahan. Naku, mga lalake talaga."

Napayuko si Nico. Lumapit ang dalaga at umupo sa kanyang tabi.

"Nakita mo na siguro ano?"

Tumango si Nico.

"Well"

Kumuha si Medon ng isang tasa at nilagyan niya ito ng kape.

"Pasensya ka na kung nakita mo ako ng ganun. Kailangan mo kasing hubarin ang lahat ng damit mo."

"Ah, ganun ba?"

Tumango lang ang dalaga.

"Ah, Medon ano kasi"

"Ha? Ano yun?"

"Nagkaboyfriend ka na ba?"

Napahinto si Medon sa kanyang ginagawa.

"Ah, okey lang naman kung-"

"Nagkahistory lesson ka na kanina kay Misaki di ba?"

"Oo pero iba pa rin kasi kapag sa iyo talaga nanggaling."

"Ganun? Oh sige, oo nagkaroon ako ng boyfriend, dati. Ayun nga ipinagpalit niya ako sa ate ko tapos ngayon ayan, ikakasal na sila."

"Hindi mo ba siya ipinaglaban?"

"Ipinaglaban?"

Napangiti si Medon.

"What is the point? Ikaw ba, ipaglalaban mo pa rin ba ang taong mahal na mahal mo kahit na ang rason kung bakit ka niya iiwan ay dahil sa natatakot siya sa iyo?"

"Pero-"

"Masakit yun, napakasakit para kang sinasaksak ng paulit-ulit. Kung alam mo lang ang pakiramdam. Malaman mo na hindi tao ang turing niya sa iyo? Nainiisip niya na napakadelikado ko? Masakit, napakasakit."

Biglang tumulo ang mga luha ni Medon. Naawa si Nico sa dalaga. Gusto niya itong yakapin pero parang may pumipigil sa kanya. Nanatili nalang siya sa kanyang puwesto.

"Sorry, aalis muna ako."

At sa isang iglap ay para itong hangin na nawala.

"Medon"

Lumabas at tumakbo si Medon ng tumakbo sa gubat hanggang sa mapagod na siya. Tumayo siya sa pinakamataas na puno sa gubat at dun ay nilanghap niya ang sariwang hangin.

*Hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako sa iyo pero sisiguraduhin ko na darating ang araw na kapag narinig ko ang pangalan mo, hinding-hindi ako iiyak ng dahil sa iyo at sisiguraduhin ko na sa susunod na iiyak ako, hindi na ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko.*

May napansin si Medon na gumagalaw sa ilalim kaya palihim niya itong sinundan ang hindi niya alam ay isa iyong patibong.

Biglang nawala ang kanyang sinusundan, nagpasyang tumigil si Medon sa isa sa mga puno pero biglang may isang net na nahulog mula sa ibabaw. Hindi na siya makagalaw.

Biglang may nahulog mula sa puno. Nagulat si Medon ng makita ang isang punit na tela, tela na nagmula sa damit ng binata at alam niya ang amoy ng dugong ginamit upang isulat ang mga katagang "sa tuktok ng bundok. Madaling araw".

Galit na galit si Medon. Ginawa niya ang lahat upang makaalis sa net na yun. Nang makalabas ay agad niyang kinuha ang tela at minsan pa ay inamoy niya ito.

*Urh, pero bakit? Sila ba ang dahilan ng lahat ng ito?*

Agad na bumalik si Medon sa kanyang bahay. Nang madatnan niya ito ay napakagulo at may sira ang mga ding-ding.

*Pano nila ito nalaman? Urh, magbabayad kayo. Muli ay nabigo na naman ako. Sisiguraduhin ko na matatapos na ito ngayon.*

Nagpalit ng damit ang dalaga. Nang matapos ay agad niyang tinungo ang bundok na kung saan sila magkikita ng pamilyang Urh.

Pagdating ni Medon ay agad siyang nagtago. Walang mga bantay, wala siyang nararamdamang ibang presensya, ibig sabihin ay nag iisa lang siya pero biglang may naramdaman ang dalaga. Isang napakamilyar na init at nakaka-adik na amoy ng dugo.

*Nico!*

Agad na hinanap ng dalaga ang binata. Sa isang malaking puno, nakatali at duguan, marami itong mga sugat at walang malay na si Nico.

Hindi makapaniwala si Medon sa nakikita. Unti-unting nagsilaglagan ang mga luha ng dalaga. Parang namatay ang isang bahagi ni Medon ng makita niya ang binata, gusto niyang tumakbo palapit dito. Gusto niya itong yakapin pero higit sa lahat ay hinihiling niya na sana ay panaginip nalang ang lahat ng ito.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon