Chapter 6

15 0 0
                                    

Hindi makakain ng maayos si Nico dahil nag aalala siya kay Medon. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang ngayon ay nagsisisi siya kunh bakit niya pinayagan ang dalaga.

*Sana sinamahan ko nalang siya. Ano ba kasi ang pinag iisip ko kanina at pinayagab ko siyang umalis na mag isa.*

Pagkatapos niyang kumain ay umupo siya sa sofa at hinintay ang dalaga. Naghintay ng naghintay si Nico hanggang sa 3:45 na ng hapon pero hindi pa rin nakababalik ang dalaga. Nag aalala na talaga siya. Kaya nagpasya si Nico na hanapin si Medon.

*At saan naman kaya pupunta yun? Napakalayo ng mga kapit bahay namin at ano naman ang gagawin niya dun? Bakit kasi hindi ko siya tinanong kung saan siya pupunta.*

Naglakad na si Nico. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Medon. Patuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa may nakita siya na tao. Papasok ng gubat.

"Medon!"

Hindi siya nilingon ng dalaga patuloy lang ito sa paglalakad kaya tumakbo siya para mahabol ito. Nang sinundan niya si Medon ay agad itong nawala.

"Medon! Medon! Nasaan ka?! Medon!"

Pero walang sumagot sa kanya. Tumakbo siya habang sinisigaw ang pangalan ng dalaga. Hanggang sa mapagod siya at mapaupo sa ilalim ng puno ng kahoy.

*Medon nasaan ka na?!*

Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Hindi nagtagal ay bigla siyang nahilo at nahirapang huminga. Pinilit niyang tumayo, napansin niya na may kulay berdeng usok, biglang nagsayawan ang mga puno sa kanyang paningin. Bago pa man bumagsak si Nico ay may mga kamay na sumalo sa kanya pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata pero bigla itong nandilim at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

"Sir, sir idilat mo ang mga mata mo. Sir!"

Pinilit ni Nico na imulat ang kanyang mga mata.

"M-medon?"

"Sir, ano po ba ang ginagawa niyo dito sa labas ng bahay?"

Pinilit ni Nico na makaupo. Nagpalingon-lingon siya.

"L-labas ng bahay?"

"Opo"

"Anong-"

"Kaya niyo po bang tumayo?"

Tumango si Nico. Tinulungan ni Medon ang binata para makapasok sa bahay.

Nakahiga si Nico sa kanyang kama at masamang masama pa rin ang pakiramdam niya. Biglang naalala niya ang mga nangyari ang kulay berdeng usok at ang tao. Ang taong tumulong sa kanya. Naagaw ang attensyon niya ng magsalita si Medon.

"Sir, ayos lang po ba kayo?"

Nabigla si Nico.

"Bakit .. Paano ka napunta dyan? I mean hindi ko man lang narinig ang pagbukas o pagsara ng pinto, o ang mga yabag mo, paano ka?"

"Sir, nakatuon masyado ang iyong attensyon sa iniisip mo. Kaya hindi mo ako napansin."

Ibinigay ni Medon kay Nico ang tasa na may lamang inumin.

"Teka ano to? Bakit ang baho?"

"Gamot po yan. Para mabilis kayong gumaling."

"Ha? Wala bang ibang gamot dyan?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Tulad nung nabibili sa botica?"

"Ah, naku sir. Sorry po masyadong malayo po ang botica dito sa atin. Huwag po kayong mag alala, safe po yan."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon