Chapter 8

19 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising si Nico na wala na si Medon. Agad siyang lumabas at nakita niya itong nagluluto. Nakasuot na ito ng maid uniform. Kung gumalaw ito ay parang walang nangyari.

"Medon"

"Sir, goodmorning."

"K-kamusta kana?"

"Ako po? Mabuti naman po ako."

Bumalik na ito sa kanyang ginagawa.

"K-kamusta ang mga sugat mo?"

"Ah, okey na po. Huwag na po kayong mag alala. Mawawala din po to. Kain po."

Inilapag ni Medon ang isa sa kanyang mga niluluto.

"Medon? Sino ka nga ba talaga?"

Napahinto si Medon sa kanyang ginagawa. Humarap siya kay Nico na nakangiti.

"Ako po si Medon na kinuha para po mapagsilbihan kayo."

"No, I want facts."

Hindi sumagot si Medon.

"Medon, answer m-"

"Dapa!"

"What?"

Agad na niyakap ni Medon si Nico. Nakahiga si Nico habang si Medon ay niyayakap siya at hinaharang ang kanyang katawan.

Biglang sumabog ang ding-ding ng kanilang kusina.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ni Medon kay Nico. Tumango lang ang binata.

"Magtago ka sa kwarto mo. Huwag kang lalabas. Naiintindihan mo?"

Tumango lang si Nico agad na bumangon si Medon at bago pa man malaman ni Nico ay wala na ito sa kanyang harapan. Ganun pa man ay sinunod niya ang binilin ng dalaga sa kanya. Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto.

Ilang oras pa ay may narinig siyang mga pagsabok at minsan ay may mga sigaw hanggang sa tumigil na at naging tahimik na sa labas.

Tumayo siya para tignan kung ano na ang nangyayari sa labas pero laking gulat niya ng pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Medon na may hawak na tao, puno ng dugo ang dalaga. Tila buhay pa ang taong nakasuot ng itim na damit pero laking gulat niya ng ginamitan ito ni Medon ng ispada dahilan para mawalan ito ng buhay.

Tinignan niya ang dalaga, punong puno ito ng dugo sa mukha. Ang kanyang mga mata ay napakapula at nanlilisik malayo sa Medon na nakilala niya. Tumingin ito sa kanya agad siyang nakaramdam ng takot pero unti-unti itong naglaho na parang bula. Agad niyang sinara ang pinto. Nanginginig siya, hindi niya mapigilan ang panginginig ng buo niyang katawan.

*Si .. Si Medon nga ba yun? Siya .. Siya ba yun? Pero bakit? Bakit?*

Napasandal si Nico sa pinto hanggang sa unti-unting nanghina ang kanyang mga paa at napaupo siya. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod na nanginginig.

Hindi alam ni Nico kung gaano na siya katagal sa posisyong yun. Biglang may kumatok sa pinto. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay ng buksan niya ito. Nakita niya si Medon pero iba na ang kasuotan niya ngayon. Nakasuot siya ng kulay itim na damit at balot na balot siya pero hinayaan niya lang ang kanyang mahabang kulay puting buhok. Wala na rin itong bahid ng dugo.

"Alam mo ba kung pano sumakay ng kabayo?"

Umiling si Nico.

"Sige"

Agad siyang hinawakan ni Medon. May naalala si Nico. Paglabas nila ng bahay ay biglang sumipol ang dalaga at may isang kulay itim na kabayo na tumatakbo palapit sa kanila.

"Sakay"

"Ha?"

Tinignan siya ni Medon. Seryoso ito. Naalala niya ang Medon kanina na puno ng dugo bigla siyang nangilabot. Hindi niya alam kung paano siya nakasampa at nakasakay sa kabayo. Nang lumingon siya ay nasalikuran na niya si Medon.

"Paano-"

"Yah!"

Napahawak si Nico sa leeg ng kabayo. Habang si Medon naman ay nakaalarma at pinakikiramdaman ang paligid.

"Medon! Saan tayo pupunta?"

Inilapit ni Medon ang kanyang mukha sa tenga ni Nico at bumulong.

"Huwag kang maingay, sinusundan nila tayo. Huwag kang mag alala, ligtas ang ating pupuntahan kailangan lang natin silang iligaw."

"Iligaw? Paano?"

Pabulong din na tanong ni Nico kay Medon.

"Kailangan mong hawakan to at ikaw muna ang magpatakbo sa kanya. Sasalubungin ko lang ang mga kaibigan natin."

"Ha?!"

Paglingon niya ay wala na ang dalaga. Napilitan siyang patakbuhin ang hayop.

Nagtago si Medon sa isang malaking puno at inabangan ang mga kalaban. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman ang paligid at binilang ang mga kalaban.

*Isa ... Dalawa ... Tatlo ... Apat ... Lima ...*

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsilaglagan na ang mga kalaban but the minute na akala niya ay tapos na at wala ng kalaban. Bigla siyang kinutuban ng masama, muli ay binilang niya ang mga walang buhay niyang kalaban. Kinabahan na siya matapos niyang bilangin. Dahil kulang ito ng isa. Agad siyang tumakbo para sundan si Nico.

Wala namang kaalam alam ang binata na may sumusunod sa kanya. Panay ang lingon niya pero hindi pa rin niya nakikita si Medon. Patuloy lang ang pagtakbo nila ng biglang huminto ang kabayo na dahilan para mahulog siya.

Pinilit niyang tumayo pero hindi niya nakaya dahil masakit ang kaliwa niyang binti. Paglingon niya ay may nakita siyang lalake may hawak itong ispada at nakatutok ito sa kanya. Handa na itong patayin siya, napapikit si Nico. Nang biglang narinig niya ang nanginginig at nagmamakaawang boses ng lalake ng iminulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Medon. Hawak-hawak nito ang ulo ng kalaban, pumapatak ang dugo mula sa ispada, buhok at sa ibang parte ng katawan nito, pati ang kaliwa niyang kamay, punong puno rin ito ng dugo.

Nanlilisik ang mapupula nitong mga mata. Para itong ibang tao, para itong demonyo.

"Sino ang nagpadala sa inyo?"

"Hindi ko alam, hindi ko alam. Binayaran lang ako na sumama at patayin siya."

"Sinungaling"

"Hindi, hindi ako nagsisinungaling!"

Inilapit nito ang mukha niya sa lalake at ngumisi na parang nababaliw.

"Sige, ayaw mo talagang sabihin sa akin. Ganito nalang gawin natin. Kapag sinabi mo sa akin, palalayain kita pero kapag hindi mo sinabi sa akin itatali kita sa punong yan at unti-unti kitang papatayin. Baka akala mo matatakasan mo ako, hindi mo ako matatakasan. Ako ang buhay at ang kamatayan.Ngayon magsasalita ka ba o hindi?"

"Hindi ko alam! Hindi ko alam. Hindi ko alam!"

Umiiyak na ngayon ang lalake. Kinaladkad siya ni Medon papunta sa puno. Ginawa nga ng dalaga ang sinabi niya. Itinali niya ito sa puno, pinaligiran ng mga sanga ng kahoy at mga tuyong dahon.

"Maawa ka, hindi ko talaga alam, binayaran lang ako na sumama sa kanila. Maawa ka!"

Tumawa si Medon.

"Sinabi din ba sa iyo kung sino ang nagbabantay sa lalaking ito? Tandaan mo ang pangalan ko. Mula sa ikadalawampung henerasyon ng pamilyang Kai, ikalimang anak ni Yurak, apo ni Zugra, ako ang kadiliman, ang buhay at kamatayan .. Ako ang demonyo."

Agad niyang hinagis ang hawak niyang lighter at unti-unting napaligiran ng apoy ang lalake. Nagsisigaw ito habang si Medon naman ay nakatayo at nakatingin sa nasusunog na tao na para bang nanunuod ito ng sine. Naaaliw pa ito at patawa-tawa pa. Bigla itong tumingin sa nakadapang si Nico at tumawa.

Nangilabot si Nico sa nakikita niya sa dalaga. Napakasama nito parang hindi ito tao.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon