Chapter 4

19 0 0
                                    

Nagising si Nico sa isang kwarto na napakadilim. Sigurado siya na hindi kanya to. Sinubukan niyang bumangon. Nilibot niya ang kanyang mga mata. Mas maliit itong kwarto, may sarili itong banyo, di masyadong malaki ang bintana, may isang mesa at isang upuan. Gawa ang buong kwarto sa kahoy. Bigla niyang naalala si Duma.

"Nay? Nanay?"

Umalis siya sa kama at sinubukang maglakad palabas ng kwarto kahit na nahihirapan siyang maglakad.

"Nay?"

Pagbukas niya ay isang maliit na sala ang sumalubong sa kanya sa kaliwa ay ang munting kusina. Biglang narealize ni Nico na hindi ito ang bahay ni Duma. Natakot siya. Tumingin siya sa labas ng bahay. Gabi na pala kaya napakadilim sa loob ng kanyang kwarto. Lumapit si Nico sa pinto sa sala. Hahawakan na sana niya ang door knob ng biglang may magsalita.

"Huwag kang lumabas. Delikado."

Napalingon si Nico pero wala siyang makita na tao.

"Sino ka?"

"Bukas ka na lumabas."

"Nasaan si Nanay?"

"Ligtas siya. Huwag ka ng mag alala."

Pinakiramdaman ni Nico ang paligid.

"Nasaan ka?"

Hindi na sumagot ang kanyang kausap.

"Nasaan ka?!"

Hindi pa rin sumasagot ang kausap niya. Bigla niyang binuksan ang pinto nabigla pa siya ng may tumulak sa kanya. Pagtingin niya ay walang tao.

"Ano ba?! Gusto ko ng umuwi!"

"Hindi pwede"

"Bakit?!"

"Huwag ng matigas ang ulo, magpahinga ka nalang. Nagluto na rin ako. Kumain ka kung nagugutom ka."

"Lumabas-"

Hindi natapos ni Nico ang sasabihin dahil naramdaman niya ang isang presensya sa kanyang likuran. Lumayo si Nico at nang lumingon siya ay walang tao.

"Nasaan ka ba!"

"Magpahinga ka na."

Galit na pumasok si Nico sa kanyang kwarto at humiga sa kama. Galit na ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata kahit na nahihirapan siyang matulog ay pinilit niya.

Nagising si Nico sa mga kalansing ng mga kaldero at sa amoy ng niluluto sa labas.

*Sino kaya ang nagluluto sa labas?*

Agad siyang bumangon.

*Baka si nanay.*

Agad siyang lumabas para labg madisappoint ng makita ang isang babae na nakamaid uniform. Busy ito sa kanyang ginagawa sa kusina. Nang mapansin siya nito ay ngumiti ito sa kanya.

"Goodmorning Nik-Nik."

"Nik-Nik? Nasaan si nanay?"

"Ha? Sinong nanay?"

Napahinto si Nico ng mapansin niya ang kakaibang kulay ng mga mata ng dalaga.

"What is your name?"

"Tinatawag akong medon."

"Medon?"

Tumango ang dalaga.

"What is your business here?"

"Ha?"

"Bakit ka nandito?"

"Para po sa iyo."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon