Chapter 19

10 0 0
                                    

Lumingon lingon muna si Medon at minsan pa ay sinigurado niya na wala talagang tao. Hahakbang na sana si Medon pero bigla siyang napahinto.

*Patibong, tama. Ano ba naman Medon mag-isip ka nga huwag na huwag kang magpapadala sa emotion mo pero si Nico. Paano si Nico.*

Ilang oras pa ang lumipas at malapit ng sumikat ang araw. Nakabantay pa rin si Medon. Gumalaw si Nico, naalerto ang dalaga handa na siyang tumakbo sa binata pero may biglang lumabas mula sa kadiliman.

Isang tao na nakasuot ng kulay itim katulad ng suot niya lumapit ito sa binata at hinawakan niya ang buhok ng binata.

Kumawala ang impit na sigaw ng binata. Napakuyom ang dalaga gusto niyang suntukin hanggang sa mamatay ito. Parang may sinasabi ito sa binata at pagkatapos ay sinuntok niya ito sa sikmura. Umalis ito at iniwan ang namimilipit na binata. Galit na galit si Medon, gusto niyang tumakbo pero napatigil siya ng bumalik ang lalake, may dala itong kahoy na may apoy sa dulo.

*Anong, huwag niyang sasabihin na.*

Naglakad ang lalake paikot kay Nico habang hinahayaan niya ang apoy na sunugin ang mga kahoy sa ilalim ng binata ng matapos ay umalis na ito kaagad.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Gamit ang natitirang lakas ng binata ay sumigaw ito kahit alam niya na parang imposibleng may makarinig sa kanya.

Sa kabilang dako, natataranta na si Medon sa kung ano ang gagawin niya. Nasisiguro niyang nasapaligid lang ang kalaban pero hindi niya kayang tiisin ang binata kapag nagpadala siya sa kanyang emosyon ay pareho silang mapapahamak.  Kahit na naguhuluhan ay tumayo siya at handa ng tumakbo para sagipin ang binata pero napatigil siya.

Gamit ang natitira pang lakas. Tumingala si Nico.

"Kayo na po ang bahala sa akin pero may hihilingin lang po ako. Alam ko pong dito na matatapos to para sa akin. May gusto po akong isang babae pero takot po akong aminin sa kanya. Hindi sa natatakot po ako sa kakayahan niya, natatakot po akong baka mamis interpret niya ako. Hangang-hanga po ako sa kanya. Palihim siyang nagmamahal at nasasaktan. Gusto ko po sanang ipakita sa kanya na hindi niya kailangang magtago na may isang tao na pwede niyang sabihan ng lahat ng sakit at saya na nararamdaman niya."

Napaubo si Nico at nahihirapan na rin aiyang huminga.

"Mahal na mahal ko siya. Mahal mahal kita, Chiyo."

Hindi masyado narinig ni Medon ang mga huling sinabi ng binata. Agad siyang tumakbo palapit dito. Hindi nga siya nagkamali, napakalapit na niya kay Nico ng biglang magpakita si Toma. Ang nag-iisang anak ng pamilyang Urh.

"Toma"

"Lovely as ever, my dearest Chiyo. I am so happy that your here. Akala ko hindi ka na darating."

"Bakit mo ginagawa ito, Toma?"

Nagkibit balikat ito at tumawa.

"Wala lang, naiinip na kasi ako. Tsaka hindi mo naman ako dinadalaw."

"Ano?!"

"Okey, calm down ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka. Alam mo kung hindi ka lang talaga ang pinili, matagal na kitang pinakasalan."

"Asa ka pa."

"Ang sakit mo namang magsalita, mahal ko."

Tinitigan ng dalaga si Toma.

"Well, yan nga ang gusto ko ang pa hard-to-get."

"Ano ba talaga ang dahilan mo?!"

"Wala naman, alam mo kasi ang totoo hindi to sa akin."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon