Chapter 15

8 0 0
                                    

Hindi makapaniwala si Nico sa kanyang mga narinig. Umupo ang babae sa kanyang tabi. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi nito.

"So, before we get married, would you be very polite to tell me your name?"

Umupo ito sa tabi ni Nico.

*Yeah, thats a very good idea. Before you get married and tied up to a persob atleast you know his name.*

"Well, Hi! I am Nico Jude Chraige. How about you, what is your name?"

"Oh, a lovely name that suits your lovely face. Well, hi again, I am Misaki Kai. The fourth daughter and your future bride. Nice to meet you my future husband. Why are you here outside? Its dan-"

"What are you doing here Misaki?"

Sabay silang napalingon.

"Oh, there you are little devil. Paying you a visit."

"Spit it out, Misaki."

"Okey, okey. I am here because of what Hestia told me."

"About what?"

"About him."

Agad niya itong niyakap.

"Hestia, told me that your with a drop dead beautiful man. So I came by to see it for my self and shes right."

Humiwalay na ito kay Nico.

"You don't like him, right?"

Tanong bito sa dalaga. Nagtinginan muna sila. Kinakabahan si Nico pero hindi niya alam kung bakit.

"No"

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa sagot ng dalaga.

"Yehey! Your freakin mine. Im so happy."

Muli ay niyakap niya si Nico. Tumalikod na si Medon pero bago pa ito makagawa ng hakbang ay may sinabi muna ito.

"If your already done talking. Please come inside the house and you."

Tinignan niya si Misaki.

"Don't try to bring him anywhere. If you try, I will not hesitate to kill you."

Agad itong tumalikod at naglakad.

"Yes, mam. Wow she is really scary."

Ngiti lang ang isinagot ng binata.

"So how is it going between you and chiyo?"

"Chiyo? Ah si Medon?"

Tumawa si Misaki.

"Bakit? Anong nakakatawa."

"Man, she is really serious about that name. Oo si Medon nga."

"Ah, okey lang naman."

"(Hmmm) siguro nga. Kompleto pa naman yang katawan mo."

"Ah, di ba kapatid ka ni Medon?"

"Oo, bakit?"

"Gusto ko pa kasi siyang makilala ng husto."

"What? May gusto ka ba sa kanya?"

"H-ha? Wala, gusto ko lang siyang makilala."

"You shouldn't be because we will be getting married soon."

Ngumiti ito.

"Pero kung gusto mo talagang malaman ang tungkol sa kapatid ko. Well, pasensya na at konti lang ang maikukwento ko sa iyo. Alam mo kasi, naiiba sa aming lima ang bunso naming si Chiyo. Sinumpa kasi siya kaya bata pa lang kami ay hindi na namin siya nakasama. Huli namin siyang nakita nung four years old pa siya pagkatapos nun, hindi na namin siya nakita. Kaya malayo ang loob niya sa amin pero meron akong napakagandang alaala mula sa kanya."

"Talaga? Ano naman yun?"

"Nung minsang bumalik siya sa bahay dala ang isang lalake na si Joseph."

"Boyfriend niya?"

Tumango ito at ngumiti.

"Yun ang kauna-unahang pagkakataon na nakita namin siyang ngumiti at napakasaya. Napakaganda niya parang hindi siya ang kapatid namin na palagi lang seryoso at bakas na bakas mo sa mga mata nito ang kalungkutan. Yun ang pinakaunang pagkakataon na nakita namin siya na masaya at yun din ang pinakahuli."

"Huli? Bakit naman?"

"Kasi nakipaghiwalay si Joseph sa kanya. Ang sabi ay may nagugustuhan siyang iba."

"Talaga?"

"Oo at ang pinakamalungkot, nalaman namin kung sino ang ipinalit ni Joseph sa kanya."

"Sino?"

"Si Miho ang nakakatanda naming kapatid."

"Ano?"

"Sinubukang kausapin ni Chiyo si Joseph. Kinompronta niya ito. Sabi niya baka daw niloloko niya si Miho pero ng malaman ni Chiyo ang dahilan, dun niya naunawaan kung bakit siya ipinagpalit ni Joseph."

"At ano naman ang dahilan?"

"Natatakot siya kay Chiyo."

"Natatakot?"

"Katulad mo, si Joseph ay isa ring mayaman na binata na binabantayan ni Chiyo pero di katulad mo, madali lang natapos ni Chiyo ang mision niya sa kanya. Nahulog ang loob niya sa binata kahit na alam niya na impossible para sa kanilang dalawa ang magmahalan. Naniwala ang kapatid ko na magtatagal sila, na si Joseph na talaga ang makakasama niya. Kaya labis siyang nasaktan ng malaman niyang natatakot sa kanya si Joseph at hindi daw niya kayang makasama ang kapatid ko dahil baka kahit anong oras mamatay ito."

Bakas sa mukha ni Misaki ang lungkot habang ikinukwento ang lahat. Naawa si Nico sa dalaga.

"Kaya lalong lumayo ang loob niya sa amin, lalo na kay Miho. Pakiramdam niya kasi inagaw ni Miho sa kanya ang lahat. Ang kaligayahan niya, ang nag-iisang kaligayahan ng kawawang si Chiyo. Sinubukan ko siyang kausapin at kahit papaano ay magkalapit ulit kami pero mukhang wala ng pag asa, tuluyan ng isinara ni Chiyo ang pinto niya para sa amin. Tapos nalaman nalang namin na isasakripisyo niya ang sarili niya para matigil na ito pero sa tingin ko hindi yun ang dahilan."

Mahabang katahimikan ang sumunod.

"Naawa ka sa kapatid ko no?"

Si Misaki na ang unang nagsalita.

"Ha? Ah-"

"Huwag mo siyang kakaawaan. Magagalit yun sa iyo."

"Ganun ba?"

"Malakas si Chiyo, alam ko na kaya niya ito."

*Sana nga pero kaya nga ba niya talaga?*

"Husband"

"Huh?"

*Teka bakit naman ako sumagot?*

"Ikaw ha, mukhang gusto mo talaga akong pakasalan ha. Well, anyway free ka ba next two weeks?"

"Bakit?"

"Kasi-"

"Kasal ng nakakatanda naming kapatid na si Miho sa kasintahan niyang si Joseph. Thank you, Misaki ha para sa history lesson mo tungkol sa akin. Nico, kailangan mo ng pumasok sa bahay, ngayon na."

Agad namang tumayo si Nico.

"Bye"

Paalam niya kay Misaki.

"Dream of me tonight, husband, alright?"

Nang makaalis na si Nico at tuluyan ng makapasok sa loob ng bahay.

"Misaki, bakit mo naman ginawa yun?"

Nagkibit balikat lang si Misaki.

"Anyway aalis na ako. Be sure na nandun ka."

Tumango lang si Medon pero bago pa tuluyang makaalis si Misaki.

"Sigurado ka na wala kang nararamdaman kay Nico?"

Matagal na tinitigan ni Medon ang kapatid bago sumagot.

"Wala"

"Good, gusto ko lang na malinaw ang lahat. Bye, see you."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon