Chapter 21

14 0 1
                                    

Naliligo si Nico habang nagluluto naman si Medon.

Ilang oras pa at nagulat si Medon ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Ang bango ng mga niluto ng mahal ko ah."

Napangiti si Medon. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga kamay ng binata.

"Talaga?"

Tumango ang binata at inilagay niya ang mukha nito sa balikat ng dalaga.

"Ano? Kain na tayo?"

Tumango ang dalaga.

"Tara"

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at iginiya papunta sa kwarto ni Medon.

"Uy, teka saan tayo pupunta?"

Napatigil si Nico sa paglalakad ganun din si Medon.

"Sabi mo kakain na tayo."

"Oo nga, sabi ko-"

Namula ang pisngi ng dalaga. Napayuko ito.

"Sira"

Mahinang sambit ni Medon, tsaka sinuntok ng mahina ang binata sa braso. Napangiti naman si Nico. Ikinulong niya ang mukha ng dalaga sa kanyang mga mata at hinalikan niya ito sa noo.

"Biro lang, tara kain na tayo."

Umupo na sila para kumain.

"Oh, bakit ka diyan uupo?"

Tanong ni Nico sa dalaga.

"Eh para magkaharap tayo."

"Ano ka ba."

Hinila ni Nico ang isa pang upuan at tinapik tapik niya ito.

"Dito ka umupo."

Napangiti naman ang dalaga at sinunod niya ang sinabi ng binata. Masaya silang kumakain.

"Alam mo, ito ang pinakamasayang hapunan ko." Hinawakan ni Nico ang kamay ng dalaga.

"Ako din, ito na ang pinakamasayang hapunan na naranasan ko."

"Salamat talaga, Chiyo."

Biglang namula ang pisngi ng dalaga. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila at umupo sa tabi ng lawa.

"Ang ganda ng lawa kapag gabi ano? Lalo na kapag nasisinagan ng ilaw mula sa buwan."

Tinignan siya ni Nico.

"Oo nga napakaganda."

Napalingon si Medon ng mapansin na titig na titig sa kanya ang binata.

"Nico naman eh."

Lumapit si Nico at niyakap niya ang dalaga. Inihiga ni Medon ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Napakasaya ng dalaga lalo na kapag tinatawag siya sa kanyang pangalan.

"Mahal"

"(Hmmm)?"

"Kapag ba nagpakasal tayo, ititigil mo na yang trabaho mo?"

Napaupo bigla si Medon at napatingin kay Nico.

"Ano? Kasal?"

"Oo naman"

Napayuko ang dalaga.

"Nico, alam mo naman ang trabaho ko at alam mo na ito na ang huling gagawin ko-"

"Oo ito na ang huli dahil pagkatapos nito magpapakasal na tayo."

"Nico!"

"Chiyo"

Ikinulong niya ang mukha ng dalaga sa kanyang mga kamay.

"Hindi ka mamamatay, babalik ka sa akin. Naiintindihan mo? Babalik ka, magpapakasal tayo, bubuo tayo ng ating sariling pamilya at mamumuhay tayo ng masaya."

"Nico"

Yumakap siya dito at napaluha. Niyakap naman siya ng binata at hinalikan ang buhok nito.

"Ssh, tama na. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Ngumiti ka naman para sa akin."

At kahit na patuloy pa rin ang pag agos ng luha ni Medon ay tumingala siya at pinilit na ngumiti. Pinahiran naman ni Nico ang mga tumulong luha ng dalaga.

"Huwag ka ng iiyak."

Tumango si Medon. Hinalikan siya ng binata sa noo, ilong at sa mga labi.

Magkatabing natulog ang dalawa pero bago pa man sumikat ang araw ay gumising na si Medon at naghandang umalis.

Nilingon muna niya ang natutulog na si Nico, lumapit siya dito hinalikan niya ang noo nito. Gamit ang isang daliri ay inilagay niya ito sa mga labi ng binata.

"Hindi ko alam kung makakabalik pa ako pero susubukan ko para sa iyo."

Hinalikan niya ito at agad na umalis. Habang papunta sa office ni Agustine ay may naramdaman siya kay bigla siyang nagtago sa mga malalaking kahoy. Pinakiramdaman niya ang kapaligiran pero ang mga presensya ay biglang nawala. Nang may marinig si Medon na mga ingay sa ilalim ng puno na kanyang kinatatayuan. Naging alerto ang dalaga pero isang usa ang biglang lumabas. Nakahinga na ang dalaga. Ipinagpatuloy na niya ang pagpunta sa office ni Agustine pero patuloy pa rin siya sa pakikiramdam sa kapaligiran.

Biglang nagising si Nico mula sa mahimbing na pagkakatulog. Agad niyang hinanap ang dalaga. May narinig siyang mga ingay na nagmumula sa kusina. Kaya tumayo siya at pinuntahan ito pero kinabahan siya ng makita niya ang isang lalakeng nakaitim.

"Sino ka?!"

Tumingin sa kanya ang lalake at walang anu-ano ay sinugod siya nito. Pinipilit niyang umiwas sa matalim na kutsilyo na pilit nitong sinasaksak sa kanya hanggang sa hindi na namalayan ng binata na nakapasok na sila sa loob ng kwarto na out balance siya sa kama kaya bigla siyang natumba. Mabilis ang lalake kaya hindi agad siya nakaiwas. Nasaksak siya nito sa kaliwang balikat. Biglang may lumabas na dalawa pang lalake at ito na ang humawak kay Nico at biglang nanlabo ang paningin ng binata.

Hindi agad pumasok si Medon sa building ng may maramdaman siyang kakaiba kaya pumunta siya sa back entrance ng makita niya ang dalawang walang malay na guardiya. Kaya imbis na pumasok sa entrance ay pinili ng dalaga na sa bintana nalang dumaan pero laking gulat niya ng makita na magulo ang office ni Agustine. Wala na si Agustine may nakita siyang sulat sa mesa nito.

Pinakiramdaman muna ni Medon ang paligid bago siya pumasok ng tuluyan. Galit na galit si Medon, matapos mabasa ang nakasulat pero bigla siyang kinabahan kaya agad siyang umalis para bumalik sa bahay niya na kung saan iniwan niya ang natutulog na si Nico.

Mas mabilis pa sa dati ang kanyabg pagtakbo pabalik at laking gulat niya ng maabutan niya ang magulong bahay niya agad siyang nagpunta sa kanyang kwarto at ganun nalang ang galit niya ng magulo na ang kwarto, wala na si Nico sa kama at ng lumapit ito ay nakita niyang may dugo ang bed sheet.

"Kumiro?! Pinapangako ko, papatayin kita."

Ilang oras pa ang nakalipas at nakatayo na sa labas ng isang abandunadong building ang galit na galit na si Medon.

Bumukas ang malalaking pinto ng building, madilim sa loob pero ramdam ni Medon ang mga mata, patalim, kabog ng dibdib at ang paghinga nila. Para siyang daga na pumasok sa isang lugar na kung saan napakaraming pusa pero hindi siya natatakot dahil dito sa lugar na ito siya ang pusa na handa ng kumain ng mga daga, patay man o buhay.

"Magbabayad kayo, ng malaki."

Mahina pero madiin niyang pagkakasabi.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon