Chapter 17

8 0 0
                                    

Napangiti si Medon sa mga ala-ala kasama ang kanyang mga kapatid.

Flash back continue ...

"Mahal, hali ka na. Nakahanda na ang pagkain."

"Ah mahal?"

"Ano yun mahal?"

"Mahal, kasi"

"Ano yun mahal? May gusto ka bang sabihin?"

"Kasi"

"Mahal ano ba yun?"

Lumapit si Chiyo at hinawakan ang balikat ng binata pero umiwas ito. Kinabahan na siya sa pag iwas na iyon ni Joseph.

"Mahal?"

"Maghiwalay na tayo."

Parang nabingi si Chiyo sa narinig.

"A-ano ba yang sinasabi mo? M-mahal?"

"Sabi ko maghiwalay na tayo."

Matigas na pag-ulit ni Joseph sa kanyang sinabi.

"Ha? Maghiwalay? Bakit?"

Hindi nagsalita si Joseph parang sinakluban ng langit at lupa si Chiyo sa narinig mula sa binata na kanyang pinakamamahal.

"M-may nagawa ba ako na hindi mo na gustuhan? O kulang pa ba ang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo, ano? Sabihin mo naman sa akin."

Ngunit muli ay hindi sumagot ang binata.

"Baka may iba ka bg iniibig bukod sa akin."

Hindi na napigilan ni Chiyo at tumulo na ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Oo"

Biglang sagot ng binata.

"Oo may mahal akong iba."

"Pero bakit? Bakit? Ano pa ba ang kulang ko, sabihin mo."

Imbis na sumagot ay tinitigan siya ni Joseph sa mga mata. Nagulat si Chiyo sa kanyang nakita, puno ito ng takot, ang mga matang siyang bumihag sa kanya, ngayon ay ang mga matang pumapatay sa kanya. Unti-unting napaupo ang dalaga, hindi niya kaya ang sakit, ang matignan ng ganun ng taong pinakamamahal niya. Puro galit, pagkamuhi at takot ang siyang sinasalamin ng binata.

"Patawarin mo ako, Chiyo pero hindi ko na kayang mahalin ang isang katulad mo."

"P-pero sabi mo, mahal mo ako at tanggap mo ako."

Ang nasabi ni Chiyo sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Akala ko, kaya ko pero hindi pala. Hindi ko kaya, Chiyo. Patawarin mo ako."

Lumuhod ang binata para yakapin ang umiiyak na dalaga pero bigla siyang nakaramdam ng takot. Kaya tumayo nalang siya ulit at naglakad palayo, naiwan naman si Chiyo, nakaupo at nasasaktan.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ng binata pero bigla niyang naramdaman ang isang pamilyar na amoy na ngayon ay malapit na sa kanya.

"Chiyo"

Lumuhod si Miho para yakapin ang dalaga.

"Huwag, huwag mong gawin yan."

Bigla niyang tinitigan ang kapatid sa mga mata at dun ay nakumperma niya ang napakasakit na katotohanan.

Tumayo si Chiyo at ngumiti.

"Kaya pala, kakausapin ko si ama."

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad papalayo.

"Chiyo!"

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon