Chapter 9

16 0 0
                                    

Hinintay nilang mamatay ang apoy at abo nalang ang natira. Nakaupo si Medon habang si Nico naman ay nakasandal sa isang puno. Biglang tumayo si Medon lumapit ito sa nasunog na puno. Sinugatan niya ang kaliwa niyang kamay at gamit ang dugo ay nag iwan siya ng mensahe. Isinulat niya ito sa kabilang puno.

"Hindi na naman kayo nagtagumpay. Hindi niyo siya mapapatay. Humanda kayo, uubusin ko kayo."

Kumuha siya ng abo mula sa nasunog na puno at binudburan niya ang kanyang mga sinulat. Umiiling na naglakad si Medon palapit sa binata. Tumatawa rin ito.

Kinikilabutan naman si Nico. Habang papalapit ng papalapit ang dalaga para namang gusto niyang tumayo at tumakbo pero hindi rin niya magawa.

"Saan ba masakit?"

Tanong nito sa kanya.

"D-dito"

Nanginginig na tinuro ni Nico ang kaliwang binti niya.

"Humiga ka"

"H-ha?"

Naglakad si Medon palayo sa kanya. Humiga naman si Nico. Nang makabalik ay may dala itong mga dahon at isang maliit na sanga. Kumuha siya ng dalawang bato at nagsimulang dikdikinang mga dalang dahon. Matapos dikdikin ang mga dahon ay inilagay niya ito sa binti ng binata.

"Kagatin mo to."

Kinuha ni Nico ang maliit na sanga at kinagat niya tulad ng sinabi ng dalaga.

"Handa ka na ba?"

Tumango ang binata. Pinaikot-ikot muna ni Medon ang paa ni Nico tsaka niya hinila. Nakaramdam ng matinding salit ang binata buti nalang at may kagat-kagat siyang sanga. Pinagpapawisan na siya. Matinding sakit ang kanyang nararamdaman sa kanyang binti, naramdaman niyang hinihilot ng dalaga ang binti niya hanggang sa mawala na ang sakit ng tuluyan.

"S-salamat"

May kinuha si Medon mula sa maliit na bag na dala niya. Isa iyong bote na may lamang liquido na hindi niya alam, ininom iyon ng dalaga at unti-unting lumapit sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?"

Napapaatras naman si Nico hanggang sa muli ay mapasandal siya sa puno. Inilagay ni Medon ang isa niyang kamay sa puno habang ang isa ay sa likod ng ulo ni Nico at dahan-dahan itong bumaba sa likod ng kanyang leeg.

"A-anong-"

Bigla siya hinalikan ng dalaga pero sabay sa paghalik nito ay ang pag-inom niya ng liquido na ininom kanina ni Medon. Napakapait nito pero wala siyang magawa kundi inumin hanggang sa maramdaman nalang niya ang malikot na dila ng dalaga. Unang halik ito ni Nico kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang humiwalay na si Medon ay nakaramdam siya ng sakit. Munting kirot mula sa kanyang puso na hindi niya alam kung bakit.

"Kaya mo na bang tumayo?"

"S-sa tingin ko."

Hinubad ng dalaga ang suot niyang damit na puno ng dugo.

"Hali kana."

Tinulungan niyang maglakad ang binata papunta sa kabayo.

"Kaya mo?"

Tanong ni Medon.

"S-subukan ko."

Tinulungan ni Medon na makasakay sa kabayo ang binata. Habang siya naman ay naglakad.

"Bakit di ka sumakay?"

Hindi sumagot ang dala tinignan niya lang so Nico.

"I-I mean k-kung-"

Itinuon ni Medon ang kanyang paningin sa daan.

"Para mas madali akong makakakilos at mas madali kong maramdaman ang mga paparating."

"Paparating?"

"Gustuhin ko mang bumalik at makipaglaro, hindi ko magawa. Dadalhin muna kita sa ligtas na lugar. Tsaka ko sila babalikan."

Hindi na nagsalita si Nico. Nanatili lang itong tahimik hanggang sa makarating sila sa isang kuweba.

"Bumaba ka muna."

Agad silang pumasok sa loob ng kweba ng makababa na si Nico.

"Teka, Medon"

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako."

"Napakadilim naman kasi eh."

"Takot ka?"

Hindi sumagot si Nico nanahimik nalang siya. Hindi nagtagal ay may hinawi na mga halaman na nakaharang si Medon at bumungad kay Nico ang isang napakagandang lawa na pinaliligiran ng iba't-ibang mga halaman. Mas pinaganda pa sila ng sinag ng buwan na nagmumula sa butas.

"Wow!"

Tinulungan ni Medon na makalakad ang binata papunta sa kabilang parte ng lawa kung saan ay may malaking puno.

"Teka, Medon saan tayo pupunta?"

"Sa bahay"

"Bahay? May bahay dito? Saan?"

Huminto sila sa harap ng malaking puno.

"Dito. Mr. Chraige, welcome to my haven."

Pagbukas ni Medon ay kinapa nito ang switch ng ilaw. Nang punuin na ng liwanag ang buong bahay ay namangha si Nico.

Di kalakihan ang sala pero napakaganda nito. May dalawang upuan yung isa mahaba, yung isa eh kasya lang sa dalawa, may bilog na center table at may maliit na bulaklak na nakalagay sa isang maliit ng vase, may maliit din itong tv at radio, may carpet at mat dalawang bintana na may manipis at puting kurtina.

"Hali ka, pasok."

Tinulungan niya itong makaupo.

"Teka ha, hintayin mo ako dito at kukuha lang ako ng tsaa."

Hindi nagtagal ay nakabalik na nga ang dalaga, dala ang tsaa.

"Magbibihis lang ako."

"Sige"

Nakita ni Nico ang remote control ng tv. Nanuod muna siya habang hinihintay si Medon.

"Nainip po ba kayo?"

Pagtingin ni Nico ay muntik ng hindi makilala ni Nico ang dalaga.

Nakasuot ito ng over all na itim na damit. Fit na fit ito sa kanyang katawan kaya kitang-kita ang nakakahilong kurba ng dalaga. Nakasuot din ito ng black boots.

"A-ah hindi naman."

"Kamusta na ang binti mo?"

"Maayos na, medyo masakit pa pero alam ko na gagaling na to."

Ngumiti ang dalaga at pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala itong mga pagkain.

"Ito kumain ka muna. Alam ko na gutom ka."

"Thank you."

Muli ay naglakad pabalik sa kusina ang dalaga. Pagbalik nito ay may dala itong bote at maliit na palanggana.

"Ito panulak."

Inilapag nito ang bote sa harap ng binata. Nag alinglangan pa si Nico.

"Huwag kang mag alala. Simpleng inumin lang yan."

"Baka kasi mahilo na naman ako o ano."

"Hindi, simpleng inumin lang yan. Pangako."

Kinuha ito ni Nico at ininom.

"Sarap"

Ngumiti si Medon. Umupo si Medon sa sahig at inilapag niya ang dala niyang palanggana.

"What are you doing?"

Hindi sumagot si Medon. Kinuha nito ang binti ni Nico na nasugatan at pinunasan niya ito.

"Medon?"

"Yes sir?"

"Introduce yourself to me. Your true self."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon