Chapter 20

10 0 0
                                    

Naramdaman ni Nico na may umupo sa tabi niya kaya iminulat niya ang kanyang mga mata.

*M-medon?*

"Kamusta ka na? Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

Umiling ang binata at sinubukan niyang umupo.

"Oh, nandito na ako. Gaya ng ipinangako ko."

Ngumiti si Nico.

"Gusto mo bang kumain? Teka, kukuha lang ako, ok."

Bago pa makatayo si Medon ay bigla siyang niyakap ni Nico.

"Ah, Nico"

"Bakit ganun?"

"Ha?"

"Bakit kung sino pa ang gusto mo, siya pa ang taong pilit na lumalayo sa iyo?"

Hindi alam ni Medon kung ano ang isasagot kaya tumahimik nalang siya.

"Buong buhay ko, tanging ang mga libro lang ang kaibigan ko. Hindi ko naranasang magkaroon ng kaibigan at higit sa lahat hindi ko naranasang umibig. Kaya hindi ko alam kung umiibig ba ako o hindi. Ang tanging alam ko lang at sigurado ako, kapag kasama kita bumibilis ang tibok ng puso ko, kapag ngumingiti ka, napapangiti ako, kapag nalulungkot o nasasaktan ka, mas doble ang nararamdaman ko, gusto ko na palagi kitang makasama, nakikita, naririnig. Kung hindi ito pag ibig ano ito?"

"Nico"

Humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga.

"Alam ko na wala pa akong karanasan sa mga bagay na ito pero hayaan mo akong ibigin ka sa paraan na alam ko."

Napabuntong hininga ang dalaga.

"Hindi pwede."

"Ha? Bakit?"

"Nico, iba ka. Iba ako."

Napakunot ang noo ng binata sa sinabing yun ng dalaga.

"Ako ang kadiliman at kamatayan. Ang demonyo na sabik pumatay, sabik sa dugo at sigaw ng mga taong pinapatay ko. Kaya mo bang pumasok sa na pakadelikado kong mundo? Walang puwang ang awa at pag-ibig dito. Kadiliman ang sasambahin mo, mamahalin mo pa rin ba ako?"

Mahabang katahimikan ang sumunod. Napailing si Medon.

"Aalis muna ako."

Naglakad na ito palayo sa binata. Bago pa man niya mahawakan ang door knob ay nahsalita ang binata.

"Kahit na engkanto ka pa, mamamatay tao, kahit na ano o sino ka, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo."

Napalingon ang dalaga.

"Ano?"

"Alam mo ba? Nung sinusunog nila ako. Wala akong ibang inisip kundi ikaw. Pinanalangin ko na sana bago man lang ako mamatay, masabi ko man lang sa taong mahal ko na mahal ko siya."

"Nico-"

"Mahal kita at wala ng makakapagpabago pa dun."

"Pero hindi pwede."

"Bakit?"

"Dahil .. Dahil .."

"Dahil ba kay Joseph?"

Napatigil at napatingin si Medon sa binata.

"Pakinggan mo ako, iba siya, iba ako. Tanga siya, hindi ako. Takot siya, ako hindi. Alam mo ba, ito ang unang beses na nakadama ako ng ganito at hindi ko na ito pakakawalan pa. Hindi na kita pakakawalan pa."

Napayuko ang dalaga. Samot sari ang emosyon na kanyang nararamdaman.

"P-pano kung isang araw bigla akong mawala."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon