Chapter 14

12 0 0
                                    

Naging tahimik na silang dalawa hanggang sa nagsalita si Medon.

"Alam mo, ang swerte mo."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi mahal na mahal ka ng mga magulang mo."

"Mahal? Hindi, nagkakamali ka. Hindi nila ako mahal. Kung ituring nga nila ako para akong isang laruan o tuta."

Umiling ang dalaga.

"Hindi mahal ka nila."

"Panu mo naman nasabi?"

"Alam ko, nandun ako."

"Ano? Hindi kita maintindihan."

Inilagay ni Nico ang pamunas sa palanggana.

"Matagal na kitang binabantayan. Simula nung 15 years old ka palang. Sinusubaybayan na kita, matagal na."

Hindi makapaniwala si Nico sa kanyang narinig.

"Kakalabas ko pa lang nun. Kasi kapag 13 years old kana. Tsaka ka lang pakakawalan."

"Pakakawalan?"

Tumango ulit ang dalaga.

"Ibig sabihin, makakalabas ka na ng bahay. Ibig sabihin, mabubuhay ka na ayun sa kagustuhan mo. Nung mga panahong yun ako unang sumabak sa mga labanan. Kasi nung 10 years old ako hanggang 12 years old, panay hayop lang ang pinapatay ko kaya nung 13 na ako ayun nasubukan ko nang pumatay ng tao. Nung una, takot na takot ako."

Napangiti si Medon ng maalala ang kanyang nakaraan.

"Nanginginig pa nga ako eh pero nung nagtagal hindi na, nasanay na ako hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarap kapag pumapatay ako ng tao."

Nang tignan ng dalaga ang binata ay bakas ang takot sa mukha nito. Nalungkot siya pero hindi niya ito pinahalata at ipinagpatuloy ang kwento.

"Matagal na talaga akong nakabuntot sa iyo. Ang totoo niyan kasi may gustong gumanti sa iyong ama."

"Kaya ba-"

Tumango si Medon.

"Pero simula pagkabata ay ramdam ko na na hindi nila ako mahal. Ni hindi nga nila ako dinadalaw sa mga especial na araw ko. Hindi nila ako pinapayagang lumabas ng mansion, hindi nila ako pinapayagang makipagkaibigan. Palagi nalang nila akong ikinukulong sa mansion. Hindi ko naranasang pumasok sa paaralan o-"

"Para sa kaligtasan mo."

"Para sa kaligtasan ko?"

"Oo, sa tingin mo, bakit napakalayo ng mansion niyo sa ibang bahay?, bakit minsan lang magpakita ang mga magulang mo sa iyo? Bakit napakarami ng mga bantay sa bahay niyo? O bakit hindi ka nila pinapayagang makipagkaibigan? Nico, para yun sa iyo. Minsan lang sila magpakita sa iyo dahil ayaw nilang masundan at matunton ang bahay kung nasaan nakatira ang nag-iisa nilang anak. Alam mo ba? Na gabi-gabi nalang umiiyak ang iyong ina? Dahil miss na miss ka niya? Pero hindi niya magawang puntahan ka dahil baka yun na ang huli ninyong magkikita. Ang lungkot at sakit sa mga mata ng iyong mga ama. Hindi mo ba yun nakikita?"

Tinitigan ni Medon si Nico.

"Pero bakit hindi nila sa akin sinabi?"

"May mga bagay na mas mabuting hindi mo na malaman."

"Pero-"

"Nico, lahat ng ginagawa nila ay para sa iyo. Sana maintindihan mo."

Hindi na nakapagsalita pa si Nico.

"Nico, ang kailangan mo ngayong gawin ay mabuhay. Pilitin mong mabuhay hanggang sa dumating ang oras na bumalik ang lahat sa dati."

Ipinikit ni Medon ang kanyang mga mata.

"Kailangan ko ng malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito para matapos ko na rin ang mga kailangan kong gawin."

Biglang may naisip si Nico.

"Gusto ko na turuan mo ako."

Napatingin si Medon sa binata.

"Ano?"

"Gusto kong matutong lumaban para maprotektahan ko kahit ang sarili ko manlang."

Sumeryoso ang mukha ng dalaga.

"Hindi."

Matigas na sagot nito.

"Bakit?!"

Nadissapoint si Nico sa sagot ng dalaga.

"Hindi ka tatagal kahit isang segundo. Kaya ayaw ko."

"Ano?!"

Namatay si ego. Umupo si Medon at tinignan si Nico sa mga mata.

"Alam mo ba ang mga makakalaban mo? Hindi ito simpleng labanan lang kung yun ang inaakala mo. Mga mamamatay tao ang mga makakalaban mo at sinasabi ko na sa iyo, hindi ka tatagal kahit isang segundo."

Pagkasabi nun ay tumayo na ito at naglakad, naiwan naman si Nico na nakatulala. Magkahalong galit at pagkaawa ang kanyang naramdaman para sa kanyang sarili. Totoo ang sinabi ng dalaga. Hindi nga siya tatagal kahit isang segundo dahil sa kadahilanang kahit sumuntok ay hindi niya kaya. Hindi naman sa hindi niya talagang kaya na sumuntok, hindi nga lang niya naranasang sumuntok ng ibang tao. Nahawakan nalang ni Nico ng mahigpit ang pamunas. Tumayo na rin siya at nagpasyang lumabas ng bahay. Pumunta siya sa gilid ng lawa at umupo. Tinignan niya ang kanyang repleksyon sa tubig at biglang sinuntok. Tumilapon papunta sa kanyang mukha ang mga tubig. Napabuntong hininga nalang si Nico.

Pinag isipan niya ang lahat ng nangyari. Parang kailan lang na nakakulong siya sa mansion at ngayon, ito siya malaya nga at hindi nakakulong pero nanganganib naman ang buhay. Muling napabuntong hininga si Nico. Biglang lumitaw sa kanyang isipan ang mukha ng dalaga. Ang mga ngiti nito nung nasa bahay palang sila at ang nakakakilabot nitong mukha kapag mag kalaban.

(Pssst .. Nico)

*Huh?*

Agad na nagpalingon-lingon si Nico para makita kung sino ang tumawag sa kanya pero wala siyang nakita. Ibinaling nalNg niya ang kanyang paningin sa tubig.

"Nico ..."

Muling tawag ng kung sino sa binata. Muli ay hinanap niya ito pero wala siyang nakita hanggang sa muli niya itong marinig na tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya, sa malaking puno, nakatayo isang babae unti-unting lumapit ito s kanya. Nang makalapit ay nagulat siya. Kamukhang kamukha ito ni Medon ang tanging nag iba ay ang kulay ng buhok at ang mga mata. Kulay itim ang mahaba nitong buhok at hazel brown naman ang kulay ng mga mata nito. Nakangiti ito sa kanya. Nakasuot ito ng itim na damit. Magkamukha talaga sila ni Medon.

"Hi! Oh my, you are so beautiful indeed, can I hug you?"

Hindi agad nakasagot ang binata bigla siyang niyakap ng bagong dating.

"You also smell good and your so warm."

Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa binata.

"W-wait-"

Bigla siya nitong binitawan at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hey!, do you have a girlfriend?"

"No"

"Are you in an arrange marriage?"

"No"

"So, your totally single, right?"

"Yes"

"Well, then lets get married."

"What?!"

Matamis na ngiti ang ibinigay ng dalaga kay Nico.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon