Chapter 5

12 0 0
                                    

Nakatayo pa rin si Medon sa gilid habang nakatingin sa kanya si Nico.

"So? What will I do? Kailangan ba kitang bayaran? Nang mas malaki sa binabayad ni daddy?"

Umiling si Medon.

"Eh ano?"

"Gusto niyo po bang malaman?"

"Yes"

Naiinis na sagot ng binata.

"Talaga?"

"Quit fooling around, Medon."

Sasagot na sana si Medon ng biglang may kumatok.

"Gatas"

"Gatas?"

Pag-uulit ni Nico.

"What will I do to the milk?"

"Ay hindi po, andyan na po ang delivery ng gatas. Kukunin ko lang po."

Agad itong tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Nang makabalik ay inilagay niya ang  tatlong bote ng gatas sa loob ng ref.

"Sir, labas po muna ako."

"Saan ka naman pupunta?"

"Ah, sa palengke po."

"Sige sama ako."

"Po?"

"Do I have to repeat it?"

Naiinis na tumayo si Nico at naglakad palabas ng bahay. Matapos nang ilang oras ay lumabas na rin si Medon. Nakabistida ito na at nakasumbrero na may maliit na bulaklak bilang decorasyon. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok.

"Tara na po."

Tumango lang si Nico. Medyo malayo na sila sa bahay ng may maalala si Medon.

"Naku, sir pwede po ba ninyo akong hintayin. Nalimutan ko po ang basket ko."

"Ha? Ano ba naman yan."

"Sorry po talaga. Babalik po ako agad."

Tumakbo na ito pabalik sa bahay. Naghintay naman si Nico sa ilalim ng puno. Ilang minuto lang ay nakabalik na si Medon.

"Nandito ka na? Bat ang bilis mo?"

"Po?"

Hinihingal pa ito.

"Wala, tara na."

"Sorry po talaga at pinaghintay ko kayo. Sorry po, parusahan niyo nalang ako mamaya."

"Ano? Anong pinagsasabi mo?"

"Ito po payong. Napakainit po kasi."

Kinuha ito ni Nico.

"Thank you."

Ngumiti ang dalaga. Medyo malayo pa ang palengke pero tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa palengke.

"Sir,hawak po kayo."

"Ano?"

Hinawakan ni Medon ang kamay ni Nico.

"A-ah anong ginagawa mo?!"

"Sir, huwag niyo pong bigyan ng malisya ito. Baka po kasi mawala kayo at kahit na napakatangkad niyo, tsaka napakagwapo niyo mahirap pa rin po kapag nawala kayo. Kaya huwag na po kayong mahiya parang ngayon lang kayo hinawakan ng isang babae sa kamay."

Hindi na nagsalita si Nico. Sinunod nalang niya ang lahat ng sinabi ni Medon kaya magkahawak kamay sila habang namimili.

"Ate magkano po ito? Eh yan po?"

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon