Chapter 12

14 1 0
                                    

Natahimik ang binata. In some point ay nakikita niya ang kanyang sarili sa dalaga ang kaibahan lang ay hindi siya inuutusan na pumatay.

"Paano ko malalaman?"

"Na ano?"

"Na isang pinili pala ang nasa harapan ko? You said na pwede niyo yang itago di ba."

"What is your first impression towards me?"

"H-ha? Normal. Para ka lang normal na tao."

Tumango si Medon.

"The first thing is the tatto, the second thing is the aura and the last is the way we move. Kung mapapansin mo, tahimik ang bawat galaw ko."

*Oo nga, napansin ko na yun kahit na nasa bahay pa kami.*

"Medon-"

"Here we are. Nico, welcome sa village namin."

Pagtingin ni Nico ay may nakita siyang mga bahay na gawa sa kahoy. Hindi ito ganoon ka dami. Maraming tao rin ang nakaluhod at nakayuko na kanilang nadaraanan.

Sa di kalayuan ay may malaking bahay. Dito sila huminto, bumaba si Nico paglingon niya ay wala na ang dalaga.

"Tara"

Nagulat pa siya ng makita niya si Medon na nasa pinto na. Pumasok na sila at namangha siya sa kung gaano kalaki ang loob ng bahay. Mas malaki pa ito sa mansion nila. Maya-maya pa ay may lumabas na babae mula sa isang sulok ng bahay.

"Madam"

Sabay yuko.

"Nasaan si Yurha?"

"Nasa kanyang silid po."

Nagsimula ng maglakad ang dalaga. Sumunod naman si Nico. Pagbukas ni Medon ng silid ay nakita niya ang kanyang ama at si Miho na nakatayo habang tinitignan ang natutulog na si Yurha.

"Anak"

Lumapit si Medon at yumuko.

"Kamusta na po siya?"

Lumungkot ang mukha ng kanyang ama. Lumapit si Medon at pinagmasdan ang natutulog na kapatid. Maputlang maputla ito. Nang ilagay niya ang kanyang kamay sa mukha nito ay kasing lamig ng yelo ito. Kinagat ni Medon ang kanyang hinlalaki hanggang sa dumugo ito, ipinahid niya ang dugo sa ibabang bahagi ng bibig ng kanyang kapatid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at may ibinulong. Nang matapos ay iminulat niya ang kanyang mga mata at hinalikan niya ang kanyang kapatid.

Nagulat si Nico sa ginawa ng dalaga. Matapos halikan ay may ibinulong si Medon sa tenga nito. Tumayo na ito. Hinintay nila ang magiging resulta, biglang gumalaw ang kamay ng dalaga. Tuwang-tuwa ang kanyang ama agad utong lumapit sa kakagising na si Yurha. Tumalikod na si Medon at humakbang na paalis.

"Anak, maraming salamat pero pwede ko bang makausap si Nico?"

*Alam niya ang pangalan ko?*

Tumango lang si Medon. Sumunod si Nico sa ama ng dalaga. Hanggang sa makita nalang ng binata na nakaupo na sila sa sala.

"Umupo ka."

Sinunod naman ito ng binata. Hindi nagtagal ay may dumating na babae dala-dala ang isang tray ng tsaa.

"Sa palagay ko ay naikuwento na sa iyo ni Chiyo ang lahat."

"Chiyo?"

Tumango ang matandang lalake.

"Sino po si Chiyo?"

Lumungkot bigla ang mukha ng matanda.

"Hayaan mong ikwento ko sa iyo lahat."

Itinuon ni Nico ang lahat ng atensyon niya sa mga sasabihin ng ama ng dalaga.

"Ako si Yurak ama ni Chiyo, your personal assassin. Well, when the clan was made by our ancestors, hindi talaga nila gustong makipaglaban. Our great grand father strongly disagree to violence but what can he do? Kapag hindi kami lumaban, kami naman ang mamamatay kaya lahat ng mga tao sa nayon na nasasakupan namin ay sinanay upang protektahan ang kanilang mga sarili."

"Pero saan po nagsimula ang sumpa?"

Lalong sumeryoso ang mukha ng matanda.

"Ang totoo niyan hindi namin alam."

"Hindi niyo alam?"

Tumango ang matanda.

"Nasa kalagitnaan ng buhay at kamatayan ang panahong yun. Ang panahon na kung saan nagpakita ang isang babae. Babae na kasing puti ng ulap ang buhok, kasing pula ng dugo ang mga mata, ang kamatayan. Nagpakita siya sa bawat pinuno at sinabing. Hindi na siya naaaliw sa mga nangyayari kaya isususmpa niya ang isang anak ng bawat pinuno. Ang mga batang isinumpa ang magsisilbing tagapag aliw niya. Maglalaban sila hanggang kamatayan. Kung sino man ang matira ay magiging malakas at ang natalo ay magiging sakripisyo."

"Sakripisyo?"

"Kapag malapit ka nang mamatay may mga kung ano-anung mga bagay na nangyayari sa iyo. Tulad ng may biglang lalabas na mga mababangis na hayop at lalapain ka o di naman kaya ay may mga matatalim na bagay na hindi mo namamalayan nakatusok na sa iyong katawan at marami pang iba. Hindi lang yun pati na rin ang mga tao na nasasakupan niyo ay unti-unting mamamatay."

Biglang may kumatok sa pinto.

"Pasok"

Iniluwa ng pinto ang isang babae na may hawak na tray. Meron itong mga tasa na may lamang mga kape.

"Kaya naman kahit na maliit pa lang siya ay sinanay na siya. Sinanay ng pumatay."

Hindi sumagot si Nico. Tahimik lang siya. He feel so sad. Akala niya siya na ang pinakamalas na tao na nabubuhay pero mas nakakaawa pala si Medon.

"Kaya huwag kang mabibigla sa mga ikinikilos niya."

Tumango lang ang binata.

"Nabanggit din po sa akin ni Med- Chiyo na may giyera pong paparating?"

"Oo, ang totoo niyan ayaw ko sanang payagan si Chiyo na lumabas dito pero naisip ko na napakalakas na niya at kailangan niya ito. Matapos ang lahat. Tsaka yung trabaho niya alam ko na mas mahahasa pa ang kakayahan niya."

"Sinabi din po niya na ito na po ang huli."

Bakas ang gulat sa mukha ng matanda.

"Ano?!"

"Opo yun po ang sabi niya sa akin. Ang sabi po niya sa akin sila po ang susi para matapos ang giyera na to."

Ang gulat na kanina ay nakapinta sa mukha ng matanda ay napalitan ng galit. Agad itong tumayo at naglakad palabas. Sinundan siya ng binata ngunit napakabilis nitong maglakad.

Kahit hindi niya kayang humabol ay pinilit pa rin niya hanggang sa pumasok ito sa kwarto. Papasok na sana si Nico ng bigla niyang marinig na nagsalita ang matanda.

"Chiyo, itututloy mo pa rin ba ang plano mo?!"

Nagpasya nalang si Nico na hindi na siya papasok. Nanatili siyang nakatayo sa labas.

"Ilang ulit ko na bang sasabihin sa iyo. Hindi mo kailangang gawin to."

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon