Chapter 3

24 0 0
                                    

Nagising si Nico sa masakit na sikat ng araw na tumatama sa kanyang mga mata mula sa bintana.

Bumangon siya at lumapit sa bintana. Nilanghap niya ang sariwang hangin na yumakap sa kanya.

Naligo si Nico at lumabas. Hindi niya nakita si Duma sa kusina pero may mga pagkain ng nakahanda sa mesa. Hinanap niya ito sa loob ng bahay pero hindi niya ito nakita kaya lumabas siya. Naglalakad si Nico palibot sa bahay ng bigla ay may mapansin na naman siya sa mga kakahuyan. Ilang minuto niya itong tinitigan bago siya lumapit dito. Dahan-dahan siyang pumasok sa nagtataasang mga kahoy.

Kalmado lang si Nico, pinakikiramdaman din niya ang kanyang paligid. Bigla siyang napahinto ng may marinig siyang ingay. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata ng marinig niya na lumakas ang ingay pero isa lang pala iyong kuneho. Napabuntong hininga nalang si Nico at napailing. Nagpasya nalang siya na bumalik sa bahay.

Papasok na siya ng makita niya si Duma na may dalang dalawang malalaking plastic at basket. Agad niya itong nilapitan.

"Saan po ba kayo nagpunta? Kanina ko pa po kayo hinahanap."

"Ah, namalengke kasi ako anak. Gigisingin sana kita kaso napakahimbing ng tulog mo."

Kinuha nito ang mga dala ng matanda pero ang dalawang plastic lang ang ibinigay nito sa kanya.

"Nay"

"Oh, bakit?"

Matagal niya muna itong tinitigan bago magsalita.

"May tinatago po ba kayo sa akin?"

"Ano?"

"Naisip ko lang naman po. Kung matagal na kayong nagtatrabaho sa amin baka alam niyo tong mga nangyayari."

Hindi sumagot si Duma patuloy lang sila sa paglalakad.

"Nik-Nik may mga bagay na mas mabuting hindi mo na dapat pang malaman."

Gusto pa sanang magtanong ni Nico pero tinignan siya ni Duma. Hindi na nagsalita pa si Nico.

Inilagay ni Nico ang mga plastic sa kusina. Habang kumakain ay kinikwentuhan siya ni Duman tungkol sa mga tao na malapit sa bahay nila.

"At siya nga pala anak. Mamayang hapon pupunta ako kina Tasing."

"Ano pong gagawin niyo dun?"

"Ah eh, maglalaro lang naman kami. Alam mo na libangan. Ano sasama ka ba?"

"Dito nalang po ako nay."

*May gusto pa akong alamin dito.*

"Ah di sige."

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas si Nico.

*Saan ko nga ba yun nakita?*

Naglakad si Nico papunta sa lugar kung saan niya kanina naramdaman ang kakaibang presensya.

*Dito yun at sa batuhan. Di ako nagkakamali, hindi din ako namamalikmata ng araw na yun. Sigurado ako na may nakita talaga ako. Ang tanong ano yun? Pero tama nga ba ang tanong ko? Ano? O baka sino?"

Habang naglalakad papunta sa malalaking bato ay huminto si Nico.

*Matagal akong tinago sa mundong ito kaya, kaya gusto ko nang lumaya pero sa paglaya ko ay mas gumulo. Mas lumawak nga ang mundo ko pero para naman akong mang-mang na hindi alam kung saan ako pupunta.*

Muli siyang naglakad papunta sa malalaking bato.

*Kapalit nga ba ng kalayaan na hinihiling ko ang ganitong ka gulo at kapanganib ang mundo ko?*

Huminga ng malalim si Nico. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa isang malaling bato at tumingala.

*Dito, dito yun.*

Dahan-dahan siya naglakad palibot sa malaking bato na hindi niya kinukuha ang kanyang mga kamay.

*Dito ko-*

Napahinto siya ng may marinig siyang ingay. Agad siyang naalerto at napatingin sa paligid. Tinalasan niya ang kanyang pakiramdam at mga mata. Matinding katahimikan ang sumunod pero bigo siya. Limang ibon ang lumipad mula sa mga puno. Napailing na lamang si Nico.

*Ano ba itong ginagawa ko.*

Naglakad na siya pabalik ng bahay. Nang biglang may hangin na dumaan sa kanya ang sumunod may kamay na humawak sa kanyang kamay, sunod na alam ni Nico ay tumatakbo na siya papunta sa kakahuyan kasama ang isang tao na nabalot ng itim na kasuotan.

"W-who are you?"

Hindi sumagot ang kanyang kausap. Patuloy lang ito sa pagtakbo at paghatak sa kanya.

"Talon"

Ang biglang narinig ni Nico mula sa taong kumakaladkad sa kanya ngayon. Hindi man maintindihan ni Nico ang mga nangyayari ay sinunod niya ang sinabi ng kanyang kasama. Biglang may kung ano na bagay ang sumara. Nilingon niya ito isa itong malaking metal na may malalaki at matatalas na ngipin. Bigla siyang kinabahan.

"Ano ba ang nangyayari!"

Natataranta na si Nico pero hindi pa rin sumasagot ang kanyang kasama. Gustong kumawala ni Nico pero bigla siya hinila nito. Pumaibabaw ang kanyang kasama.

"Huwag kang maingay."

Nakiramdam silang dalawa sa paligid.

"Pagkasabi ko ng takbo. Tumakbo ka ng mabilis at huwag kang lilingon. Maliwanag?"

Mahina pero malinaw na bulong ng kanyang kasama. Tumango lang si Nico bilang tugon.

Ilang sandali pa silang nakiramdam.

"Takbo"

Kumaripas ng takbo si Nico tulad ng sinabi ng kanyang kasama ay hindi siya lumingon pero may narinig siyang mga ingay. Mga patalim na nagbubunguan at mga nahuhulog. Kahit na gustong-gusto ni Nico na lumingon at tignan kung ano ang nangyayari ay hindi niya kaya. Kinain na siya ng kanyang takot, patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa makita niya ang likod ng bahay. Halos humiga na siya ng huminto siya. Hinihingal siya at basang-basa ang kanyang damit ng pawis.

Buong lakas siyang tumayo at naglakad papasok ng bahay. Nang makita niya si Duma ay nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa mawalan na siya ng malay.

"Anak, Nik-Nik."

Ang tanging narinig ni Nico. Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Nakita niya ang nag aalalang mukha ni Duma.

"Ano ba ang nangyari sa iyo?"

"Na-"

Sasagot na sana si Nico ng biglang may kumatok sa pinto. Nasa kusina sila ngayon.

"Teka at titignan ko kung sino to."

Lumapit si Duma sa pinto naiwang nakahiga si Nico sa sahig. Nang buksan ni Duma ang pinto ay siya ring pagkawala ulit ng malay ni Nico.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon