Chapter 7

12 0 0
                                    

Mahimbing pa rin ang tulog ni Nico ng pumasok si Medon.

*Mabuti nalang at naagapan kaagad ang lason na pumasok sa katawan niya kung nahuli pa ako at hindi ko siya nahatak malamang.*

Tinitigan ng dalaga ang natutulog na si Nico.

*Kailangan ko na talagang malaman kung sino ang pasimuno ng lahat ng to. Bago pa magkabilugan ng buwan sa susunod na buwan. Kailangan na talaga.*

Inayos ni Medon ang kumot bago lumabas ng kwarto.

Nagising si Nico na magaan na ang pakiramdam. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay madilim na. Tinignan niya ang orasan. 7:30 na pala. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto para hanapin si Medon. Agad naman niya itong nakita sa kusina na naghahanda ng hapunan. Agad itong ngumiti ng makita niya ang binata.

"Magandang gabi sir. Kamusta po ang pakiramdam niyo?"

Huminto si Nico at napasandal sa ding-ding.

"Okey na ako. Maraming salamat."

"Umupo na po kayo. Hindi po kayo dapat magpasalamat sa akin dahil trabaho ko po yun. Tsaka dahil din sa akin kaya kayo nagkasakit."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ah naisip ko po kasi na baka hinanap niyo po ako. Mali po ba ang akala ko?"

Hindi sumagot si Nico. Kumain nalang siya.

"Hali ka na."

Umiling si Medon. Hindi nalang pinilit ni Nico ang dalaga. Totoo nga at mabuti na ang knyang pakiramdam pero medyo sumasakit pa rin ang kanyang ulo. Matapos kumain ni Nico ay bumalik na siya agad sa kanyang kwarto para maligo.

Kakalabas lang ni Nico ng banyo at nagulat siya sa kanyang nakita. Nakatayo si Medon malapit sa kanyang kama. Nakasuot ito ng damit na parang two piece pero may tela itong nakakonekta sa kanyang undie, kulay itim ito. Litaw na litaw ang magandang kurba ng kanyang katawan at ang makinis nitong balat may hawak din itong latigo at lubid.

"M-medon anong ginagawa mo?"

Lumuhod ito.

"Ito po ang parusa ko."

"Parusa? B-bakit?"

"Dahil pinaghintay ko kayo kaninang umaga."

"Ha? Ano ba, okey lang yun. Magbihis-"

"At ako din ang dahilan kung bakit muntik na kayong mapahamak kanina."

"Ano bang-"

Itinali na ni Medon ang kanyang sariling mga paa at kamay.

"Mas gusto niyo po bang nakapiring ako? O wala?"

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

Naglakad na ito palapit sa kama niya.

"Sir"

"H-ha?"

Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na latigo.

"Umpisahan niyo na po."

Hindi alam ni Nico kung ano ang kanyang gagawin. Mas naguguluhan na siya ngayon.

"Sir kung hindi niyo po ako parurusahan. Ako po ang magpaparusa sa sarili ko."

"Medon! Ano bang pinagsasabi mo?! Wala kang kasalanan kaya tumayo ka na diyan at magbihis kana!"

Galit na galit na si Nico.

"Ayaw niyo po akong parusahan?"

Lumapit si Nico kay Medon.

"Hindi, hinding hindi kita parurusahan. Wala ka namang kasalanan. Tsaka saan mo ba nakuha yan?"

"Kung ganoon"

Tumayo ang dalaga at naglakad palabas.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa ilog."

"Sa ilog? Anong gagawin mo sa ilog?"

"Lulunurin ko ang sarili ko."

Hinarapan nito si Nico.

"Ayaw niyo naman akong parusahan kaya ako nalang ang magpaparusa sa sarili ko."

"Ano?!"

Tumakbo si Nico palapit kay Medon. Hinawakan niya ito sa kamay.

"Ano ba?! Ano ba ang nangyayari sa iyo?!"

"Ito ang utos."

"Utos? Nino?"

Kinuha ng dalaga ang kamay ni Nico na nakakapit sa kanyang kamay. Naglakad na ito.

"Ano ba ang dapat kung gawin para matapos na to?!"

Humarap ulit ang dalaga sa kanya.

"Parusahan niyo ako."

Kinuha ni Nico ang latigo na hawak ni Medon.

Kasalukuyan sila ngayong nasa kwarto ng dalaga. Nakatayo si Medon habang nakatali ang mga kamay niyo sa isang metal habang ang kanyang mga paa naman ay nakatali sa dalawang kahoy.

"Medon, kwarto mo talaga ito?"

Napayuko ang dalaga may piring ang mga mata.

"Opo"

"Eh, bakit ganito? Parang torture room?"

Hindi sumagot ang dalaga.

"Sino ka ba talaga?"

Umungol si Medon.

"Medon? Anong nangyayari sa iyo? Ayos ka lang ba?"

"S-sir? Pakiusap po. Parusahan niyo na ako."

Tumango si Nico. Sa unang tunog na ginawa ng latigo ay naalarma si Medon. Pinakiramdaman niya ang kapaligiran.

Nagpaikot-ikot si Nico habang hinahampas-hampas ang latigo. Sa bawat tunog na ginagawa nito ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ng dalaga.

Biglang naramdaman ni Medon ang unang paglapat ng latigo sa kanyang katawan. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Pinilit niyang huwag gumawa ng ingay.

"Okey ka lang?"

Tumango si Medon. Muli ay naramdaman uli niya ang latigo sa kanyang katawan. She is on fire kaya sa bawat pagdampi ng latigo sa kanyang katawan ay hindi sakit ang kanyang nararamdaman kundi ... Sarap.

Sa ikatlong beses na pagdampi ng latigo sa kanyang katawan ay hindi na niya napigilan ang pagkawala ng isang ungol.

"Ayaw ko na tama na. Ayaw ko na Medon. Tama na."

Napaupo si Nico habang hinihingal. Pawis na pawis ito.

"P-pinapatawad niyo na po ba ako?"

"Medon sabing wala kang kasalanan."

Kinalagan na ni Nico si Medon. Napaupo si Medon. Hinihingal din ito. Kinuha ni Nico ang piring ni Medon. Ikinulong niya ang mukha ng dalaga sa kanyang mga kamay.

"Okey ka lang ba?"

Tumango si Medon. Pinagdikit nila ang kanilang mga noo. Binuhat ni Nico si Medon at dinala sa kanyang kwarto. Pinahiga niya ito sa kanyang kama.

"Sir"

"Shhhh .. Tama na, bukas nalang tayo mag uusap."

Ipinikit ni Medon ang kanyang mga mata. Umupo naman si Nico sa gilid ng kama. Inalis niya ng mga buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga.

*Sino ka ba talaga? Kaninong utos ang sinusunod mo? Kay papa ba?*

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon