Epilogue

13 0 0
                                    

Matapos ang pangyayaring yun ay hindi na nagkita sina Medon at Nico. Kasalukuyan siya ngayong nakaupo at naghihintay na mag umpisa ang kasalan ng ex boyfriend niya sa kanyang kapatid na si Miho. Hindi na siya galit dito gayun din sa kay Joseph. Nagkakausap na rin sila.

"Chiyo"

Napalingon siya sa nagsalita.

"Joseph"

Pinilit niya ang sariling ngumiti.

"Mula noong dumating ka dito napansin ko na palagi ka ng malungkot."

Umupo siya sa tabi nito.

"Namimiss mo?"

Tumango siya. Napabuntong hininga si Chiyo.

"Namimiss at nag aalala na ako sa kanya. Sinusubukan kong tawagan ang papa niya pero hindi sumasagot. Hindi ko naman alam kung nasaan siya. Pumunta ako minsan sa bahay nila pero wala daw si Nico doon."

Biglang may namuo na mga luha sa kanyang mga mata.

"Hey! Cheer up. I know na Okey lang siya."

Mahinang binungo siya niti sa balikat. Kahit na nakangiti ay di na niya napigilan ang sarili niya. Napaluha na siya.

"Bakit ganun? Inilayo ba nila si Nico sa akin? Bakit ba iniiwan ako ng mga taong mahal ko?"

"Hey, tama na yan."

Niyakap siya ng lalake.

"Kasal pa naman namin ngayon tapos ikaw umiiyak ka. Tahan na papangit ka niyan sige ka."

Kahit na gusto ng tumahan ni Nico ay hindi niya mapigilan ang mga luhang tumatakas mula sa kanyang mga mata.

Ilang oras pa at nagsimula na ang kasalan. Isang lamang iyong simpleng kasalan sa nayon nila.

Naupo na sila sa kani-kanilang mga upuan. Habang ang ibang mga naroon ay masaya siya namam ay parang biyernes santo ang mukha. Nang bigla siyang mapapitlag sa isang presensya na kilalang kilala niya. Agad siyang nagpalingon-lingon. Hinanap niya ito at hindi nga siya nabigo. Sa pinakadulo ng mga tao sa kanyang kaliwa ay nakatayo at nakangiti ang taong gusto at pinangungulilaan niya pero bago pa siya makasalita ay naglakad na ito paalis. Naalarma siya. Nagpaalam muna siya sa kanyang mga kapatid at ama bago sundan ang binata.

Inabot siya hanggang sa labas ng nayon pero wala na siyang nakita. Muli ay ang kasabikang naramdaman niya ay napalitan ng kalungkutan.
Tumalikod na ito para bumalik sa kasalan pero nagulat siya ng maiangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang nakangiting si Nico.

"Nico!"

Hindi niya napigilan ang sarili. Napaiyak muli siya.

"Medon"

Agad siyang lumapit dito at mahigpit niya itong niyakap.

"Bakit ngayon ka lang?"

Tanong niya sa binata.

"Sorry at natagalan ako."

"Nico"

Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg nito.

"Chiyo"

Humiwalay siya dito.

"B-bakit?"

Bigla itong lumuhod sa kanuang harapan.

"Nico?"

"Chiyo, tulad ng sinabi ko sa iyo noon. Hinding hindi ko na pakakawalan ang aking kaligayahan. Hinding hindi na kita pakakawalan. Chiyo."

May kinuha ito sa kanyang bulsa.

"Will you marry me?"

Parang estatwa si Chiyo. Hindi niya alam kung ani ang isasagot nagulat siya sa mga pangyayari.

"Chiyo"

"H-ha?"

"Will you marry me?"

Pag uulit nito. Sunod-sunod na itong napatango.

"Yes, I will. I will marry you Nico Jude Chraige."

Kinuha nito ang isa niyang kamay. Hinalikan muna niya bago isinuot ang sing-sing tsaka ulit ito hinalikan. Parang sasabog naman si Chiyo sa sobrang kasiyahan. Ito sa kanyang harapan ang taong mahal na mahal niya ang taong nagpaligaya sa kanya. Ang taong buhay na niya.

Matapos itong tumayo ay ikinulong nito ang mukha niya sa dalawa nitong malalaking palad.

"Makinig ka sa akin, mahal."

Para namang lumundag ang puso niya nung sinabi nito ang salitang mahal.

"Chiyo gusto ko mamuhay na tayo ng payapa at normal."

"Pero paano? Hindi ako nor-"

"Tutulungan kita. Tsaka normal ka mahal dahil minahal mo ako."

Dahan dahan niyang pinagdikit ang kanilang mga noo.

"Chiyo, I love you. Mahal na mahal kita. Tandaan mo ikaw lang at wala ng iba. Masyado na kitang mahal para pakawalan pa. Please sumama ka na sa akin."

Humawak si Chiyo sa mga kamay nito.

"Oo naman sasama ako sa iyo. Mahal na mahal din kita at masyado na rin kitang mahal na hindi ko na kaya pang malayo sa iyo. I love you, Nic-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inangkin na ng binata ang kanyang mga labi.

"Mukhang may susunod pa ah."

Bigla silang napatigil at napalingon. Nakita nila ang mga kapatid ni Chiyo, ang ama nito, si Joseph at ang mga tao sa nayon. Nakatingin sa kanila at nakangiti. Lumapit ang ama ni Chiyo sa kanila at kinamayan ang binata.

"Anak"

Napangiti si Nico. Bumaling naman ito sa dalaga.

"Chiyo, congratulations, anak ko."

Bigla niya itong niyakap.

"Mabuhay ang susunod na ikakasal."

Sigaw pa ng isa sa mga tao at nagsipalakpakan silang lahat pati na rin ang mga bagong kasal. Niyakap siya ni Nico.

"Oo nga pala, posible nga pala siyang sumaya at tanging sa lalake na ito niya matatagpuan ang hinahanap niya.

Hinalikan ni Joseph ang kanyang asawa. Nagulat si Chiyo ng bigla siya hinarap ni Nico at hinalikan.

"Oo nga pala, posible nga pala siyang sumaya. Salamat Nico."

Hindi na napigilan ni Chiyo ang mga luha na gustong kumuwala sa kanyang mga mata at ngayon hindi na ito luha ng pighati, ito ay luha ng kaligayahan na sa wakas ay kanyang natagpuan.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon