Chapter 13

9 0 0
                                    

"Chiyo, itututloy mo pa rin ba ang plano mo?!"

Nagpasya nalang si Nico na hindi na siya papasok. Nanatili siyang nakatayo sa labas.

"Ilang ulit ko na bang sasabihin sa iyo. Hindi mo kailangang gawin to."

Batid ang timpi na galit sa bawat salitang binibitawan ng matanda.

"At sino ang gagawa? Kung hindi ako?"

Natahimik ang matandang lalake.

"Alam naman natin na walang maglalakas loob na gawing sakripisyo ang sarili niya para lang matigil ang giyera na to."

"Pero-"

"Nakapagdisesyon na ako. Tatapusin ko na to. Alam naman natin na ipinanganak ako upang mamatay. Ayaw ko ng pumatay pa. Sa tuwing papatay ako para akong nababaliw at nawawala sa sarili. Ayaw ko na. Kahit na ano pa ang sabihin o gawin mo, hindi mo ako mapipigilan. Pangako, hindi kayo madadamay. Nasa kalagitnaan na ako, theres no point in turning back."

Tumalikod na ang dalaga.

"Alam ko naman na kahit kayo ay natatakot sa akin. Nararamdaman ko yun kaya nga umalis ako dito. Kaya mas pinili kong mabuhay ng mag-isa. Kahit siya ay takot rin sa akin."

Ngumiti si Medon at tumayo.

"Kaya mas pinili niya pa si Miho kesa sa akin."

Bigla siyang naglaho na parang bula. Ramdam ni Nico ang sakit sa mga huling salita ng dalaga pero nalilito siya kung sino ang tinutukoy nito.

Sa daan ay tahimik silang dalawa. Gusto sanang magtanong ni Nico pero mukhang walang plano ang dalaga na makipag usap.

"Alam ko na narinig mo ang usapan namin kanina."

Si Medon na ang unang nagsalita.

"S-sorry"

Hindi na nagsalita si Medon.

"Ah Medon, di ba sabi mo kayo ang susi para matigil na ang giyera na to?"

"Oo"

"Eh kung ganoon bakit hindi natigil ang labanan na to noon pa?"

"Iba-iba ang layunin namin. Sinabi ko na sa iyo ang iba ay takot na lumaban kaya nagtatago nalang, imbis na sila ang lumaban ay nagpapadala nalang sila ng mga malalakas na tauhan nila para lumaban sa kanila. Yung iba kapangyarihan ang gusto."

"Pano ba ito matatapos?"

"Kailangan mong patayin o talunin ang lahat ng mga pinili."

"Tapos?"

"Kailangan mong magpakamatay."

Napatingin si Nico sa dalaga. Matagal niya itong tinitigan.

"M-magpakamatay?"

"Oo, ito lang ang tanging paraan para matigil ito."

Napayuko si Nico.

"Pero hindi ito madali. Sinabi ko na sa iyo di ba na kapag namatay kami madadamay ang mga kadugo namin."

Tumango lang si Nico.

"May isang ritual na dapat kang gawin para kahit na mamatay ka, hindi madadamay ang iyong pamilya."

"Ano naman yun?"

Imbis na sumagot ay biglang nawala si Medon. Biglang natakot si Nico. Kinabahan siya, pawis na pawis siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bigla niyang naramdaman na may tao sa kanyang likuran paglingon niya ay nakita niya si Medon. Napakapula ng mga mata nito at may bahid ng dugo ang kaliwa nitong pisngi.

"S-sa-"

"Sssssh, sinusundan nila tayo. Makinig kang mabuti. Dadalhin ka nitong kabayo sa kuweba. Kapag nandun ka na, pumasok ka kaagad sa loob. I lock mo lahat ng pinto at bintana. Kahit na hindi ka nila masundan mas mabuti ng mag ingat ka. Tsaka, nandito ang pinili. Makikipaglaro lang ako. Naiintindihan mo?"

Tumango si Nico.

"M-mag-ingat ka."

Tinignan ni Medon si Nico bago na naman mawala. Sinunod ni Nico ang lahat ng binilin sa kanya ng dalaga. Pagkarating niya ay isinara niya lahat ng pinto pati na bintana. At umupo sa sala para hintayin ang pagdating ng dalaga.

Naghintay si Nico ng naghintay hanggang sa inantok na siya at handa ng sumuko sa antok ng biglang may marinig siya na may nabasag. Agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa kusina. Naabutan niya ang isang tao na nakaluhod at pinupulot ang mga basag na bahagi ng baso.

"Medon?"

Nang hindi ito sumagot ay hinanap niya ang switch at ini-on ito. Nakita niya ang dalaga. Punong-puno ng dugo ang buo nitong katawan. Pati ang puting buhok nito ay puno rin ng dugo at punit-punit rin ang damit. Nang tumingin ito sa kanya ay nakakatakot ang mga mata nito. Mas mapula pa ito sa dati. Nanigas si Nico sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang tumakbo palayo. Pero biglang nalang itong nawalan ng malay at bumagsak.

Agad itong nilapitan ng binata. Nang magising si Medon ay naramdaman niya ang dahan-dahang pagdampi bg kung anong bagay sa kanyang balat. Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Nakita niya si Nico.

"Nico?"

"Oh, gising ka na pala."

Tumigil sa kanyang ginagawa ang binata at inabutan niya ito ng tubig. Pinilit naman ng dalaga na uminom.

"Nasa bahay na ba ako?"

"Oo"

"Ikaw? Ayos ka lang ba dito?"

Tanong ng dalaga kay Nico. Nakaramdam ng awa at galit sa tanong ng dalaga.

"Ano ka ba?! Ikaw na nga itong nasaktan, tapos ako pa ang inaalala mo!"

"Bakit ka ba sumisigaw? Baka marinig tayo."

"Ikaw kasi-"

"Sssh, may mga paparating."

Ilang oras din silang tahimik at nakiramdam. Kahit si Nico ay narinig din ng mga ingay mula sa labas. Nang wala na silang marinig ay nakahinga na ng maluwag ang binata.

"Pasensya ka na kung natagalan ako. Napakalakas kasi ng nakalaban ko."

"Yung isinumpa na kagaya mo?"

Tumango ang dalaga.

"Mas masahol pa siya sa akin. Siguro ay isinanla na niya ang kanyang kaluluwa kaya nagkaganun siya."

"Bakit? Anong isinanla? Bakit?"

"Kapag ginusto mo ng napakalakas na kapangyarihan o ano mang hiling na may kinalaman sa kasamaan. Ang kailangan mo lang gawin ay mag alay. Pwedeng kapatid, ama, ina o ikaw. Depende sa hiling mo at sa kapalit na hihingin niya."

"Nasubukan mo na ba?"

Umiling si Medon.

"Ayaw ko at hindi ko gagawin yun kahit na anong mangyari. Nakita ko na at nakaharap ko na ang ilan na tahasang gumawa ng nakakatakot na bagay na yun. Ayaw ko. Okey lang sana kung ako lang ang maaapektuhan pero kung idadamay ang pamilya ko? Huwag nalang."

"Mahal na mahal mo talaga sila."

Hindi na sumagot ang dalaga. Ipinikit nito ang mga mata niya. Kinuha ni Nico ang pamunas at itinuloy ang ginagawa niya.

AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon