1

11.4K 162 11
                                    

Hindi nakakatulog si Vice lalo na sa mga gabing nag-aaway sila ng asawa niyang si Karylle. Ngayon ay nasa sofa siya ng kanilang maliit na sala at nakatulala sa may kisame, iniisip kung ano nanaman ba ang mga maling nagawa o nasabi niya.

Nakakalat sa table, sa may harapan niya, ang mga wedding albums nila ni K. Sa tv naman na nasa harapan din niya e nagp-play ang videos kuha nang kasal nila. Alaala ng isang masayang araw para kay Vice, alaala ng isang taong mag-iisang linggo nang hindi pa umuuwi sa piling niya.

Who would have thought na magmamahal at magpapakasal parin sa isang babae ang isang bakla. Crazy, I might add, dahil sobrang out of this world parin talaga ang sitwasyon nilang dalawa.

Best of friends sila.

Alam nila ang lahat tungkol sa isa't-isa.

Isa na siguro iyon sa napakadaming dahilan kung paano at bakit nila minahal ang isa't-isa.

Love happens, so they decided to tie the knot.

It was perfect.

Until it wasn't.

Mahal na mahal ni Vice si K na lahat ng bagay e gagawin niya mapasaya lamang ito. Nagpakalalaki siya at ngayon ay isa ng Marketing Director sa isang sikat na kompanya. Nagtrabaho siya ng maigi para mabigyan ng mabuting buhay at bahay si K. At sa sobrang kagustuhan niyang maging masaya si K ay hindi na niya napansing unti unti na nanlalamig, nababagot dahil hindi na kagaya ng dati ang atensyon na naiibigay niya sa kanyang asawa.

K loves to sing. Sabi nga ni Vice, isa ito sa mga katangiang nagustuhan niya kay Karylle. Kaya naman nang tinawagan siya ng isang kaibigan para magturo ng voice lessons sa broadway ay hindi ito nag-atubiling tanggapin ang offer. Syempre hindi pumayag si Vice nung una, kinailangan pa siya munang lambingin ni K ng todo para pumayag.

Okay naman na ang lahat.

Papasok si Vice nang maaga. Si K naman pupunta na sa broadway ng mga tanghali, tapos halos sabay silang uuwi sa gabi, parehas na pagod, kaya naman tatamarin na magluto si K at magpapadeliver nalang si Vice. Sabay silang kakain sa may harapan ng tv. Papanuorin ang kahit na anong maabutan nilang palabas. Madalas nakakatulog si K na nakaunan sa mga hita ni Vice. Dahan-dahan bubuhatin ni Vice si K at dadalhin sa kwarto. Babalik si Vice sa sala para patayin ang tv at ligpitin ang pinagkainan nila, pagkatapos ay babalik na siya sa kwarto nila. Syempre para matulog narin.

It's like a routine.

Masaya na nga sana sila e.

Hanggang sa isang araw e may naghatid kay K pauwi galing ng trabaho.

Doon na nagsimula ang madalas nilang pag-aaway.

Minsan hindi uuwi si Karylle sa condo nila ng isang gabi. Pag hatinggabi na at akala niyang tulog na si Vice e magm-message ito na nangsasabing: "Pogi, dito lang ako kila Anne. I'll be home tom." Nakakatulog lang si Vice kapag nakakatanggap siya ng ganitong mga message.

Pero isang linggo na.

Walang messages, walang calls, walang Kurba.

Halos natawagan na ni Vice ang lahat ng mga kaibigan ni K pero bigo parin siyang malaman  kung saan na ang asawa. 

Knock, knock, knock.

Agad agad na tumayo si Vice sa kinauupan niya na may bakas ng malaking bakas ng pag-asa sa mukha. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan.

Nawala ang excitement at ang pag-asa sa mukha ni Vice ng makita niya kung sino ang nasa pinto.

"Vice." pumasok si Anne at niyakap si Vice. "Mare naligo ka na ba?" nagtakip ito ng ilong kunwari. "Ambaho mo na e."

"E edi umalis ka na." tinuro ni Vice yung pintuan at balak pa sanang hilain si Anne palabas ng condo nila.

Nagpilit lang ngumiti si Anne, hindi rin naman niya kasi masisisi ang kaibigan. "Ito naman. I'm trying to make you laugh."

"Nako Anne, ibalik mo dito si Kurba baka matuwa pa ako."

Naupo si Vice sa isa sa mga stool niya sa kitchen counter. Si Anne naman e nagsimula nang ayusin ang lahat ng kalat sa loob ng condo. Ganito sila, kahit na madalas mag-asaran e mas madalas parin na may care sila sa isa't-isa. Pagkatapos ng humigit-kumulang isang oras na paglilinis ay natapos narin si Anne. Kumuha ito ng stool at naupo katabi ni Vice na hindi parin gumagalaw sa dating pwesto.

"Friend gusto mo pagluto kita?" hinawakan ni Anne ang isang kamay ni Vice. "Nangangayayat ka na te. Pagbalik ni K tapos nakita ka niyang ganito, ako papagalitan nun e."

"Anne, alam mo mas gusgustuhin ko pa na galit siya basta alam ko kung nasaan siya." pinunasahan niya ang luhang muntikan nanamang pumatak mula sa mga mata niya. "I just want her back, Anne. Namimiss ko na yung Kurba ko." and then there's a silent tears again.

Dumukot ng papel si Anne sa kanyang bulsa, "Sinabi ko sa mga pulis na ako yung unang tawagan kung sakaling may balita." binuksan niya yung palad ni Vice at nilagay ang isang maliit na papel. "May nakaconfine daw sa isang hospital sa Baguio. Babae, at mag-iisang linggo nang walay malay. Well, actually nagkamalay na kahapon pero hindi pa nila makausap. Dahil nasa state of shock pa daw yung patient. Vice, sa pagdedescribe nila sa babae, I think it's her."

There is a spark of hope in Vice eyes.

"Gusto mo ba puntahan natin bukas?"

"Bakit bukas pa? Ngayon na, tara!"

______________________________________________________________

 ViceRylle is keeping me up all night. Kailangan ko lang itong malabas sa aking sistema dahil sobra talaga akong kinikilig sa dalawang ito.

PS. ordinaryong tayo po sila dito.

VOTE AND COMMENT PLEASE :)

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon