Naging habit na ni K ang pumunta sa studio kapag may problema; wala naman kasi siyang ibang pupuntahan at wala rin naman kasi siyang ibang matatawagan.
Ayaw sana niyang maabutan si Yael doon, kaya naman nadismaya siya nang makita ang kotse nitong nakaparada sa labas ng studio.
Nakita niya itong nag-aayos ng gamit pagkapasok na pagkapasok palang nang building. Nasa may second floor kasi ang recording studio, tapos nasa first floor naman yung mga classrooms. Agad din naman siyang nakita ni Yael dahil narinig nito ang pagbukas ng pinto.
Umiwas si K ng tingin. Nahihiya kasi siya sa hitsura niyang namamaga ang mata at magulo ang buhok.
Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Tama ka. Hindi niya sinabi sa akin na kasal nga kami." lumapit si Yael para yakapin si Karylle pero pinigilan siya nito.
"K..."
"Pero hindi mo rin naman sinabi sakin e.." bulong niya. "Ikaw na may alam...ikaw na may alam. Tapos niligawan mo parin ako? Kahit na kasal na ako."
"I love you. I've loved you for so long, for as long as I've known you."
"Alam mo ba dati na kasal ako?"
"At first, no. I hired you because it was love at first sight. By the time I found out...I loved you too much." yumuko ito at napakamot ng ulo. "Nung nalaman ko na hindi sinabi sayo ni Vice ang lahat, nabuhayan ako ng loob, chance ko na iyon. Ako naman."
K looked at him with betrayed eyes. "Hindi mo manlang naisip na mali ang ginagawa mo?"
"Alam ko! Pero wala akong pakialam. Hindi mo kasi naiintindihan..."
"Hindi mo manlang naisip, na kahit papaano, kailangan ko ding malaman?" Karylle's voice trembled. Niloko siya ng lahat nang pinagkatiwalaan niya. "Paano...paanong wala manlang ang nagsabi sa akin nang totoo?" umiiyak nanaman siya, at kinamumuhian niya ang sarili dahil dito. "Bakit wala manlang ni isa dito ang nagsabi sa akin ng totoo?" mabuti na lang at wala siyang maaabot na kahit na anong bagay. Dahil kung meron, malamang sa malaman e nasira na ito ni K kanina pa. Sobrang frustration na kasi ang nararamdaman niya at kaylangan niya ng outlet, kung hindi niya ito mailalabas paniguradong sasabog ito.
"Wala naman talagang may alam e. Ako nga ngayon-ngayon ko lang din nalaman. Hindi mo naman kasi kinukwento si Vice. Tapos lagi mo pang tinatago yung singsing mo." naglalakad na si K sa kwarto, pabaling baling na parang may iniisip.
"Walang ibang may alam?"
"Kaunti lang naman tayo dito. Yung ibang nakakaalam.." makikita sa kanyang mukha ang pagiging guilty. "...nung nalaman nila na girlfriend na kita, hindi na sila nagtanong. Akala nila hindi na talaga kayo okay ni Vice."
Tuluyan ng naupo si K sa sahig, nakalapat ang likod sa may pader. "So, nagsinungaling ka sa kanila." sabi ni Karylle. Naupo si Yael sa may kabilang dulo ng kwarto, katapat si K.
"Sinabi ko lang sa kanila na hindi na talaga kayo nag work-out ni Vice."
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.