Walang sasakyan si Karylle, at kahit na siguro meron e hindi niya rin ito magagamit dahil nakalimutan na niya kung paano magdrive, kaya naman kinailangan niyang maglakad papunta sa lugar na gusto niyang puntahan.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa building na pinuntahan nila Vice nung nakaraang araw. Agad agad siya pumasok sa building at sa may studio kaagad siya pumunta. Hindi na siya nagulat ng makita niya si Yael, hawak hawak ang gitara, na may mga tinuturuang mga bata.
"Break muna kids!" ang sabi ni Yael ng makita niya si Karylle. Paglabas ng mga bata ay agad itong lumapit at yumakap kay K ng nakangiti. "Hey you!"
"Hi again." K slightly pushed him away.
"Ooppss, sorry, did I over step my bounds?" he asked, wincing.
"Hindi naman. You know, I'm still getting used to everything."
"Mommy K !" one of kids ran over and hugged her around the waist. "Mommy K, where have you been?"
"Vacation." ayaw naman saktan ni K ung feelings nung batang babae by telling her na hindi niya ito naaalala kaya naman nagsinungaling siya. "Sorry ha, hindi ko nasabi."
"That was mean! Sabi mo sakin, tuturuan mo na akong kantahin yung bago mong song." the girl pouted.
"Nah, I promise, I'll teach you soon." ang sabi ni K na ngayon ay medyo nilalaro laro na ang buhok ng bata.
"Promise huh, pag di mo parin nitupad, I get really mad na." ngumiti na ito bago kumalas ng yakap at tumakbo pabalik sa mga kalaro niya.
"You've still got it." ang sabi ni Yael.
"Got it? Ang ano?"
"Magaling ka parin talaga pagdating sa mga bata." he said. "Nung umalis ka, lahat sila umiyak. Tinuturing ka nilang pangalawang ina." naoverwhelmed si K sa narinig, hindi siya makapaniwala na ganoon siya kagaling sa mga bata. Naisip niya tuloy ang buhay niya dati, bago pa mangyari ang lahat.
"Magaling talaga ako?"
"Oo. Magaling ka talaga."
Karylle smiles. "Wow, I was that good huh?"
"You were.....are amazing." Yael whispered. Napatingin sa kanya si K. Nakita niya ang admirasyon sa mga mata nito, hindi man siya sigurado, pero alam ni Karylle na naramdaman niya iyon. Napansin ni Yael na medyo nagugulumihanan si Karylle kaya niya iniba ang topic. "Anyway, what can I do for you?"
"Ahmm." napatingin si K sa kanyang mga paa, medyo nahihiya. "Gusto ko sanang bumalik sa pagtatrabaho."
"Sure." ang mabilis na sagot ni Yael, sa sobrang gulat ay napatingin si K sa kanya.
"Ayun lang?"
"Oo, I mean, marunong ka pa naman kumanta diba? Siguro marami ka pang dapat matutunan ulit pero sigurado akong in two weeks magagawa mo na ulit yung dati mong trabaho." napangiti si K sa kanyang mga narinig.
"Thank you."
"No problem. Siguro naman pwede ka nang magstart tomorrow? Tutal, alam ko na hindi mo pa naman ito nasasabi kay Vice."
At bakit ko naman ito dapat ipaalam kay Vice? ang tanong ni K sa sarili. "Oo nga e. Sasabihin ko nalang sa kanya kapag nagkausap kami." Pinag iisipan ni Karylle kung sasabihin niya ito sa kanyang kaibigan. Lately kasi e napapansin niya na medyo iniiwasan na siya nito.
"That'd be great! Why don't you stay for awhile? Para naman may makasama ako?" ang sabi ni Yael na ngayon ay nakangiting iniaabot ang kanyang kanang kamay. Si K naman na super overwhelmed sa mabilis na pagtanggap ulit sa kanya ni Yael ay agad itong kinuha ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.