It was a long way to Baguio, mga anim na oras din ang byahe nila Vice and Anne sakay ng isang minivan. Nakatulog si Anne kakalaro ng iPad pero si Vice naman na malayo parin ang iniisip e nanatiling gising.
Tumingin nalang si Vice sa labas ng bintana at muling inalala ang huling pag-uusap o huling pag-aaway nila ni Karylle.
"Sabi ko naman kasi sayo na tigilan mo na iyang pagvovoice lesson mo." naupo si Vice sa malapit na silya. "Tignan mo tuloy, kung sino sinong mga lalake ang naghahatid sayo."
"E ano ba naman kasi ang problema dun diba?" nakapameywang si K na masama parin ang tingin kay Vice. "Hinahatid lang naman ako nung tao, wala naman ibang ginagawang masama."
"Anong wala? E kung makatingin sayo akala mo hindi alam na may asawa ka."
"Ewan ko sayo." akmang pupunta si K sa kwarto nila para magbihis ng pigilan siya ni Vice. "Ano ba magbibihis ako!"
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, bakit mo ako tinatalikuran?"
"Wala na tayong dapat pag-usapan"
Vice was pulled out of his thoughts ng sabihin nung driver nila na nakarating na sila. Agad agad niyang ginising si Anne at bumaba ng minivan. He's excited, kahit alam niyang wala pang kasiguraduhan na makikita na nga niya si K.
"Friend, ready ka na?" ang sabi ni Anne na medyo nauunang naglalakad sa kanya.
"Syempre naman Anne. Miss na miss ko na siya at gustong gusto ko na siyang makita."
"What if -"
Agad na pinutol ni Vice ang dapat at sasabihin ni Anne. "Walang what if Anne."
Si Anne ang kumausap sa nurse sa may lobby, si Vice naman e naghihintay lang at nakaupo sa isa sa mga upuan ng hospital. Dahan-dahan lumapit at umupo si Anne sa katabing upuan.
"Nasa may room 356 daw sabi ng doktor. Gusto mo bang samahan kita?"
Ngumiti si Vice at tumayo, "I think... sa tingin ko kaylangan na ako nalang muna at tumingin kung siya nga si Kurba."
Medyo mabagal maglakad si Vice. Hindi niya alam pero hindi niya magawang bilisan ang kanyang mga hakbang papunta sa kwarto doon sa may dulo ng hallway. Feeling niya kasi si K na talaga yung pupuntahan niya. Siguro ayaw lang niya na madisappoint siya kaagad ang isa sa mga dahilan niya.
Pagkapasok niya ay sinalubong siya ng mga matang isang linggo din niyang namiss.
Si Karylle ay gising at nakaupo sa kama ng kwarto ng hospital na ito na nag-iisa at nanunuod ng tv. Hindi mapakuwari ni Vice ang sayang nadarama, kaya naman ngumiti ito. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin niya alam ang sasabihin.
Ngumiti rin naman sa kanya si K. Feeling tuloy niya e okay na ang lahat.
Hanggang sa ang ngiting iyo ay mapalitan ng awkward expression na kunot ng noo.
Almost like she's trying to figure out who is he.
"I don't want to be rude." K mouthed silently, still trying to find the right words to say to this strange man. "Pero sino ka?"
That was where Vice's world started to crumble down. Yumuko siya bago lumabas ng kwarto.
"Sino ka?" ang sabi ni Vice sa sarili niya na parang ginagaya ang nangyayari kanina, "Ako lang naman ang asawa mo." Vice say to himself while trying hard to stop the tears to fall but failing.
_____________________
comment naman kayo diyan para malaman ko kung nagugustuhan niyo o hindi :)
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.