On the way back, K chatted about how a kid accidentally hit his head on the bar and how he started crying and accidentally punched another kid.
"Parang dominos!" ang paliwanag ni Karylle. Natatawa nalang si Vice dahil sa sobrang pagtatry ni K na i-explain with matching hand gestures ang pangyayari e muntikan na siya nitong matamaan. "Sorry." ang agad nitong sabi.
Lumalakas na ang ulan. Buti nalang at hindi na sila na-stuck sa traffic, dahil kaagad silang nakadating sa may condo. Isa lang ang payong, kaya agad agad na pumunta si Vice sa may passenger door ng kotse niya para antayin si K na sumukob sa kanya.
Pinipilit ni Vice pagkasyahin silang dalawa sa payong, which he is failing to do, dahil basang-basa na sila ni K. Laking gulat tuloy niya ng inagaw ni K ang payong na hawak niya.
"K!" napatingin ng masama si Vice kay K ng bigla nitong tinupi ang payong na naging dahilan ng pagkabasa nilang dalawa.
"Sorry." ang sabi ni K in a mocking way habang naka-evil grin. "So pabilisan nalang tumakbo?" at bago pa man makapagsalita si Vice ay tumakbo na si K.
"Agghhh! So gusto mo palang maglaro ah?" hinahabol ni Vice si K, which is dapat maabutan niya dahil mahaba ang kanyang mga paa at dahil siya nga ay kabayo daw, pero hindi parin. "Ang bilis mong tumakbo K!"
Tumatawa si K na lumilingon-lingon lang sa kanya na nasa likod niya.
This is very Karylle, Vice thought. But at the same time super un-Karylle.
Naalala ni Vice iyong mga panahon na sinasama siya si K sa mga takbo niya. Given na mas mahaba ang legs ni Vice pero mas mabilis parin tumakbo sa kanya si K dahil may sapat na itong training. Karylle is a very fast runner.
Nasabi naman niyang super un-Karylle ang pangyayaring iyon dahil never, as in never mo mapagtatampisaw si K na asawa niya sa ulan. No, kahit na si Vice pa ang pumilit e hindi talaga niya gagawin iyon.
Vice lost in his thoughts didn't realize that he stopped running after K. Napatingin tuloy sa kanya si Karylle na napansing hindi na sumusunod ang kasama niya sa kanya. "Bakit Vice?" K jugged her way back to Vice. "Something wrong?"
Nagkunwaring hinihingal si Vice habang nakahawak ang isa niyang kamay sa may dibdib niya. "K-"
Lumapit pa lalo sa kanya si K. "What's wrong? Vice you're scaring me."
Agad niyang niyakap si Karylle sabay tawa ng malakas. "Gotcha!"
Nagpupumiglas si K, pero dahil mas malakas si Vice e hindi na ito makawala. "Ang daya mo ah!" nakikitawa narin si K sa nangyayari.
It should be weird.
But it wasn't.
K got this strange feelings again. It should be awkward. Pero para silang pieces of puzzle na super fit sa isa't isa.
Hindi man ito maintindihan ni K, pero gusto niya iyon. Gusto niya iyong feelings na iyon.
Basang-basa sila ng makadating sa may lobby habang tumatawa parin.
"Ang duya mo kasi e." ang sabi ni K na nakaakbay na nga ngayon kay Vice.
"Anong madaya dun? E ikaw nga, kaliit mong babae, ang bilis tumakbo. Mas madaya ka."
By the time they got inside, they were freezing and sopping wet. Dumiretso na si K sa banyo habang si Vice naman e nagpapainit ng tubig. Binabalak kasi niyang magtsaa para mabawasan naman ang lamig na nararamdaman niya. K exited the bathroom and Vice's breath caught in his throat. She was wearing a bathrobe that cut low where she tied it and her hair was wet and incredibly sexy. Naramdaman ni Vice na nag blush siya kaya naman agad siyang napatayo.
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.