Nakangiti si Vice nang muling pumasok sa kwarto ni Karylle. Kasama niya si Anne, na nangakong siya ang kakausap kay K para hindi mahirapan si Vice.
"Hi."
"Hi." napatingin si K kay Vice. "Hey! Ikaw yung kanina diba? I supposed you were a friend, pero dali-dali kang lumabas so I'm not very sure."
"Yeah, we're your friends." si Anne ang sumagot sa tanong ni K kay Vice. "Don't you remember us?"
"Uhm.." napayuko si K, she suddenly felt so shy na harapin itong babaeng nasa harapan niya na sinasabing kaibigan siya. "I..I don't..."
"Well, do you at least remember your name?" Anne interjected, napapansin niya kasing nagiging uncomfortable na si K sa pagkausap sa kanila.
"I don't remember either." umiling si K dahil sa frustration. "But I think it kinda start with K."
"Tama ka gurl!" Anne said with too much enthusiam, Vice might puke. Kumuha si Anne ng stool at naupo sa tabi ng bed ni K, si Vice naman e tahimik na ginawa rin ang ginawa ni Anne. "Well, my name is Anne!" nakipagshakehands si Anne kay K. "Your girl best friend."
"My girl best friend Anne." ngumiti ito at pilit na inaalala ang babaeng nasa kanyang harapan. "Nice meeting you." muli ay napatingin siya kay Vice. "And you must be....?"
Napabuntong hininga si Vice bago tumayo at nagpakilala. He's not in his gayest outfit to convince her that he's indeed gay, so he do what he do best. Act. "Hi, my name is Vice! Vice Ganda, your gay best friend!" makikipagshakehands sana si K pero binalewala lang ito ni Vice, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.
Awkward.
Both for the three of them in the room.
Naupo na ulit si Vice sa upuan na ngayon ay nakafake smile parin.
Matagal tagal din na tanungan ang nangyari sa tatlo. Tinanong ni K, yung kanyang mga basic info's like kung kaylan birthday niya at kung ano ba ang favorite niyang music at movies. Nagpasya nalang din sila Anne at Vice na sa ward na matulog dahil sa sobrang chikahan e ginabi na sila para maghanap pa ng close na hotel sa hospital. Questions na sinasagot na nila based on opinions na nagiging conversation narin afterwards kaya ayun, feeling ni K, medyo nabigyan na siya ng pahapyaw sa buhay niya.
"So, wala ba akong special someone?"
Ni hindi manlang kumurap si Vice bago sagutin si K, "Wala!" nafeel ni Vice na harsh yata yung pagkakasabi niya kaya dinaan niya ito sa joke. "Walang nagkamaling pumunta sa condo natin dahil mas maganda ako sayo!"
"Condo natin?" K asked, suddenly naalala niya na nakalimutan niyang itanong kanina kung saan siya nakatira.
"Roomies tayo girl!"
"Totoo?" tinignan ni K si Anne for confirmation, agad naman itong tumango. "God! My life must be crazy!" hindi malaman ni Vice kung disappointed ba si K o ano kaya kinunutan niya ito ng nuo. Nakita ito ni K, and so she made herself clear. "Literally crazy! Nakatira ako with my gay best friend! Totally awesome! And that was like every other girls dream! Girl talk everynight, right?"
Ang tanging nagawa lang ni Vice ay tumango.
He knew her so well, na sa pagquiver palang ng lips nito ay alam niyang naiilang na ito sa idea na magkasama sila sa iisang bahay.
He doesn't knew that the manirism that he loves would hurt him so much.
-
Si Vice lang ang sumundo kay K after two days para inuwi na. May trabaho kasi si Anne, at nasa important meeting pa, kaya hindi na niya nasamahan ang kaibigan. Kaya ayun, si Vice na sobrang naiilang lang ang sumundo sa kanya.
On his way there, iniisip ni Vice kung ano ba ang mga sasabihin niya para hindi maging uncomfortable si K around him. Alam naman ni Vice na naninibago parin si Karylle sa mundo, para tuloy siyang bata na marami pang kaylangan ulit matutunan.
Dinala ni Vice yung buko shirt na pinagawa niya nung first monthsary nila, hoping na sana e may maalala si K tungkol sa kahit na ano sa relasyon nila. Ang tanging nasabi lang ni K ay maganda ito bago kunin at magbihis sa banyo. He's disappointed, dati kasi e halos kada laba e isinusuot kaagad ni K ang tshirt dahil gustong gusto niya ito.
Kinuha niya yung mga gamit na naretrieve mula sa aksidente. Agad niyang kinuha yung singsing upang tignan kung ayun nga iyon at tsaka itinago sa bulsa. Naalala pa niya tuloy ang nangyari kahapon nung nag-aayos siya ng condo, kasama si Anne.
Nagising si Anne dahil sa tunog ng mga nababasag na salamin. Kila Vice na siya natulog pagkauwi nila dahil sobrang pagod narin siya, isa pa ayaw niyang iwanan si Vice ng mag-isa at baka kung ano pa ang gawin nito pag mag-isa.
Nakakakalat ang mga basag na salamin at picture frames sa sahig, nakakalat ang mga pictures nila Vice and K sa kung saan-saan, at nakaupo si Vice sa gitna ng lahat ng kalat na ito habang nakatingin sa may wedding certificate nilang mag-asawa.
Agad-agad lumapit si Anne kay Vice at kinuha ang wedding certificate. "Anong ginagawa mo?"
"Nagliligpit ako." ang mahinang sabi ni Vice.
"Nagliligpit? E ang kalat kalat e no!" napailing nalang si Anne bago tulungang tumayo si Vice. "Maligo kana, ako na ang mag-aayos nito."
"Ang hirap kasi Anne e ano? Ilalagay ko sa isang kahon ang alaala namin ni K na mag-asawa." nagpipigil muli ng luha si Vice. "Isang taon din yun Anne."
"Ako na," kinuha niya yung glass na pinulut ni Vice. "Maligo kana at magpahinga."
Tahimik ang byahe nila Vice pauwi. Nakakapanibago na nga lang para sa kanya dahil nasanay siya na hinahawakan ni Karylle ang kamay niya tuwing nasa kotse silang dalawa. Ngayon e nakapirmi lang ang mga kamay ni Karylle sa kanyang mga hita.
Pagdating nila sa condo e nakikita niya ang excitement sa mukha ni K, kagaya lang nung una nilang tinignan yung unit na iyon.
"Maganda huh." tumingin si K kay Vice na nakangiti parin. "Gusto ko rin ba ito dati?"
"Syempre naman! Ikaw kaya namili nito girl."
Malaki yung unit. Pagpasok mo e makikita mo na kaagad yung kitchen counter sa may gilid, kaharap nito yung mini sala set nila, tapos sa may kaliwa ng unit e may dalawang kwarto. Sa isang kwarto lang naman sila natutulog, kaya yung isang kwarto e kinonvert na ni Vice sa isang mini library at study room, tapos may isang malaking banyo.
"Dito ba ako natutulog?" ang muling tanong ni K. Tumango si Vice. "E san ka natutulog?"
Shit, hindi ito naisip ni Vice kahapon, agad siyang tumingin sa loob ng condo para maghanap ng pwedeng pwesto. "Sa sofa."
"Uh? Sigurado ka?" K asked still not believing Vice.
"I mean, nasubukan mo na ba kung gaano kalambot ang sofa natin?" Para upuan, ang dugtong ni Vice.
"Ok, sige magpapahinga na ako. Goodnight Vice!" nakatayo lang si Vice sa tapat ng sofa, still not talking.
It's like having a ghost around.
Kasama nga niya si K pero hindi naman talaga siya si Karylle.
Wala na talaga si Kurba na minahal niya.
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.