6

6.1K 105 5
                                    

Dali-daling pumasok si K sa kanyang kwarto para magbihis. Sabi na nga ba niya, kaylangan lang niyang kausapin si Vice para lumabas sila ng condo. Sobrang bored na kaya siya. Halos ilang oras narin siyang nakababad sa net, pero hindi parin niya mafigure out kung paano ito gamitin. Buti nalang nandyan si Vice na alam lahat ng passwords niya sa mga social networking sites na sinasabi ng mga kaibigan niya.

Thank God for Vice.

Hindi alam ni K ang gagawin niya kung wala si best friend sa buhay niya.

Agad niyang binuksan ang nag-iisang drawer/closet sa loob ng kwarto. Nagulantang siya ng nakitang nakahalo ang kanyang mga underwear sa mga underwear ni Vice.

"Ganito talaga kami ka close?" ang mahina niyang tanong sa sarili.

Agad niyang kinuha ang feeling niya e sa kanya (dahil para iyon sa mga tunay na babae) at tsaka inayos ang laman ng drawer. Pinaghiwalay niya ang mga panglalake sa pangbabae. Nang masatisfied na siya sa ayos ay lumabas na siya ng pintuan. Sakto namang kakalabas lang ni Vice ng banyo na nakatuwalya lang sa pag-ibabang parte ng katawan.

"Oh my God!" ang sigaw ni K na agad tinakpan ang kanyang mga mata. "Are you always walking around with only a towel?"

Hindi pinansin ni Vice si K, sa halip ay agad na itong pumasok sa may kwarto para kumuha ng damit.

Napahinto siya ng binuksan na niya ang top drawer.

Nakamaayos na ito ng salansan.

Nakahiwalay ang mga gamit ni K sa kanya.

Hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa invisible barrier na unti-unti ng nagiging malinaw para sa kanya.

This isn't going to work.

But he has to pull himself together dahil lalabas sila ng asawa niya. The least he can do is to make her remember something.

Kaylangan niyang mapaalala sa asawa niya na nagmamahalan sila.

~

"Lagi ba tayong pumupunta dito?"

Nasa may tulay na sila. Yung tulay na lagi nilang nadadaan papunta sa condo nila pag naglalakad lang sila galing sa kani-kanila nilang trabaho. Yung tulay na laging tinatakbuhan ni Vice kapag may problema siya. Yung tulay na napakamakasaysayan dahil doon naganap ang pagconvert ng isang bakla sa lalake.

Doon niya pinagtapat ang pagmamahal niya kay K.

Doon niya iniwan ang lahat ng kabaklaan niya para lang mapatunayan na lahat kaya niyang gawin mapatunayan lang na sobrang mahal niya ang best friend niya.

"Yeah, lagi tayong nadaan dito."

Napatigil si K at napa-lean sa may grills. Tumingin siya kay Vice na medyo nahuhuli sa paglalakad. "I can feel happy moments here. Masaya ba tayo pag nadadaan tayo dito?"

Napa-lean narin si Vice sa grill katabi ni K. "Oo naman, masayang masaya tayo pag nadaan tayo dito."

"Do I like it here?" Humarap na si K sa tubig, pero nanatili paring nakatingin si Vice sa kawalan.

"Gustong-gusto mo itong lugar ito."

"Para kang lalaki magsalita."

Hinila ni Vice ang kamay ni K sa pagkakahawak sa grills. "Tara na Kurba, may pupuntahan pa tayong iba."

Hinayaan lang ni K na hilain siya ni Vice. Still not talking kahit na gustong gusto na niyang itanong yung tungkol sa kurba na nickname.

Dinala siya ni Vice sa isang pinoy restaurant. Dali-dali silang pumunta sa pinakaleft-side ng restau, at tsaka naupo sa bakanteng table.

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon