11

5.7K 115 14
                                    

Nang umuwi si Karylle ng gabing iyon, inaasahan niya na natutulog na si Vice sa sofa. Actually she would have preferred it. Matapos siyang sigawan ni Vice nung umagang iyon, hindi niya alam kung handa na ba siya ulit harapin ito.

But there he is, sitting across the dine table and wide awake.

"Hey." ang mahinang sabi ni K, not sure kung tatakbo na ba siya papunta sa may kwarto niya at magtatago para maiwasan lang si Vice.

Tumayo si Vice at lumapit kay K. And she tensed a little, readying herself.

 "I'm sorry." ang sabi ni Vice na sobrang ikinagulat ni Karylle. Hindi man nito nabura ang mga nangyari ng umagang iyon ay napagaan naman nito ang pakiramdam ni K. "Hindi dapat kita sinigawan. Hindi ko nga alam na nagsimula ka na ulit magtrabaho pero dapat hindi ko parin ginawa iyon." napayuko siya sa sobrang hiya sa asawa. 

"Okay lang." ang mahinang sagot ni K.

"Pero hindi naman talaga okay diba?" tanong ni Vice. Napangiti lang si K sa tanong.

"Alam kong mahirap ito para sa ating dalawa." it was sad, but it's true.

"How was work?" ang muling tanong ni Vice. Naalala niya iyong mga panahon na uuwi si Karylle sa condo nila, hihiga sa may kandong niya at walang sawang magkukwento tungkol sa araw niya. Minsan nakikinig si Vice, minsan nakakatulog siya, pero hindi ayon ang point. He never had to grasp for conversation topics. Dahil kung hindi siya magsasalita, paniguradong may masasabi si Karylle para lang mag-usap sila. Now the two of them stood awkwardly in the living room while Vice tried to make small talk so that the deafening silence would go away. 

"Natututunan ko narin ang mga bagay-bagay. Hindi pa naman ako ganoon kagaling ulit pero, sabi ni Yael mabilis naman daw akong matuto." at the mere mention of Yael's name, Vice winced though K had blinked just in time to miss the split second that it happened. Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan ay sumubok ulit si Vice ng ibang topic.

"So...yung mga bata?"

"Okay naman sila. Hindi ko nga lang masabi na hindi ko sila maalala. I've mostly been picking up their names either through conversation or through Yael."

Stop saying his name. Ang sabi ni Vice sa isip niya.

"Mukhang masaya ka naman." he said unenthusiastically.

"Ikaw? Kamusta ang araw mo?" ngayon naman ay turn na ni K para magtanong.

"Nothing special."

Tell me something about you. Karylle thought. Kahit ano...Kahit na yung simpleng mga bagay na nakalagay sa may lamesa mo.

"Gusto ko lang malaman." ang sabi ni K.

"Uhmm, may napirmahan nanamang bagong kontrata. May celebration party nga mamaya..." Vice stopped short. Kapag nagsalita pa siya ay baka maituloy niya na 'kaso hindi ako pupunta dahil wala kang kasama.' sa dulo nito. Nakita parin naman ni K yung hesitation at nahulaan narin naman niya yung gusto nitong ipahiwatig. Tumango nalang si K at ngumiti.

"Well, matutulog na ako. Nakakapagod talaga kasi itong araw na ito." at naglakad siya papunta sa pinto ng kwarto niya. Just as she did, inabot siya ni Vice pero hindi niya ito nahawakan. Karylle didn't notice the gesture that screamed 'don't leave me.' wala namang magawa si Vice na nanatiling nakatayo parin sa dating pwesto niya at hindi maiwaski ang imahe ni Yael at Karylle na magkasama at masaya kanina sa studio.

~

Tatlong linggo na ang nakalipas, bihira narin magkita ang dalawa dahil sa kani-kanilang mga schedule. Nagoovertime parin si Vice para mabayaran na yung mga natira pang babayarin sa ospital at late narin nakakauwi si Karylle dahil ginagabi na siya sa studio. When Vice showed up at work the Monday after, he found Anne sitting on his desk, her arms folded impatiently.

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon