8

5.6K 102 6
                                    

Kaylangan nang bumalik ni Vice sa trabaho. It is true na ayaw pa niya talaga pero at least nagkaroon siya ng dahilan para lumayo muna kay K. Hindi na niya kasi maintindihan ang sarili. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya para sa asawa niyang nakalimutan na siya.

Hindi naman kaylangang mag-isa ni K sa condo, luckily pwedeng umabsent ni Anne sa trabaho, na siyang pinagtratrabahuan din ni Vice, para samahan ang kaibigan.

"Saan pala nagtatrabaho si Vice?" ang tanong ni K na nakaupo sa kitchen at tinitignan si Anne na magluto. Naisip kasi ni Anne na turuan si K magluto para naman hindi na siya mabored pag nasa may bahay lang siya at nag-iisa.

"Isa lang naman yung company na pinapasukan namin ni Vice. Marketing Director siya tapos ako Product Manager, kaya ayun natitignan ko siya paminsan-minsan. Nababantayan ko, kahit papaano." ang sabi naman ni Anne na ngayon ay naghihiwa na ng mga ingredients nang niluluto niyang adobo. "Favorite ni Vice yung adobo. Actually, favorite niya talaga yung adobo na luto mo." napansin ni Anne na medyo uneasy si K habang pinaguusapan nila si Vice kaya naman tinanong niya ito. "May problema ba?"

"Wala naman."

"K, kilala kita. Kahit na hindi mo na ako masyadong kilala, ikaw parin si K na best friend ko. Ikaw parin si K. So tell me, what's wrong?"

"I just got this feeling. I don't know, awkward, maybe." hindi makatingin ng diretso si K kay Anne, marahil ay nakakatakot na makita ang pity expression na lately e hindi niya maiwasang hindi maramdaman. "I don't like it."

"Well, hindi rin naman ito madali para sa kanya." medyo nalungkot si Anne sa nalaman. "Super close kayong dalawa dati K, nahihirapan siyang mag adjust."

"Alam ko naman e."

"Marami rin siyang iniisip, kagaya ng pambayad sa renta ng condo, hospital bills, dealing with the fact that you don't remember anything." medyo natauhan si K dun. Nakalimutan na niya yung tungkol sa mga bayarin lalo na yung sa renta. Malaki yung condo, kaya panigurado tigkalahati sila ni Vice sa pagbabayad.

"I'm such a pain!" napabuntong hininga si K bago mangalumbaba sa table dahil sa mga negatibong idea na tumatakbo nanaman sa isipan niya.

"K, Vice would do anything for you. Kaya wag mong isipin na pabigat or pasakit ka. Kasi alam ko, na kung ikaw din ang nasa katayuan ni Vice, gagawin mo rin yung ginagawa niya." nginitian ni Anne si K bago nagpatuloy sa pagpe-prepare ng mga ingredients.

Natututong magluto si K ng adobo. Actually, nagluto pa nga siya nang pandinner para naman makatikim si Vice. Iniisip niya kasi na galing na nga sa trabaho yung tao tapos pag-uwi wala manlang pagkain para sa kanya.

Nasa may kitchen si K, nagsusulat ng mga alternative na pwede niyang gawin para matulungan ang kaibigan ng dumating ito. 

"Vice, may pagkain sa may frigde." sa halip na sumagot ay dumiretso ito sa may sofa at nahiga. Si K naman na sobrang curious sa kondisyon ng kaibigan ay tumayo mula sa kinauupuan nito at naupo sa sahig ng may sofa.

Gwapo si Vice. Kahit out and proud gay ay lumalabas parin ang katipunuan at kagwapuhan nito lalo na sa mga panahon na kagaya nito. Walang make-up at tulog. Tinitigan siya ni K, at nakita niya ang sobrang pagod at stress na kitang kita sa hitsura ni Vice. 

Malaki na ang eyebags ni Vice, may mga wrinkles narin ito sa forehead na tila ngayon ni K nakita. Itinaas ni K ang kanyang kanang kamay, nais niya sanang hawakan ang pisngi ng kaibigan.

How much have you sacrificed? Ang naisip ni K, medyo malapit na ang kamay niya sa may cheeks ni Vice pero pinigilan niya ito dahil naisip niya na baka magising ito. Medyo malalim na naman na ang tulog nito at medyo may naririnig narin siyang mahinang hilik.

It was different when he was asleep, K could observe him without seeing those sad, lonely eyes stare back at her. When he was asleep, Karylle didn't have to see that. She wanted to touch Vice and just as she made a move to do so, he mumbled something in his sleep and turned to face the opposite way.

K withdrew her hand and watched his back rise and fall with every breath.

"Would it be okay,Vice," she whispered, kahit na alam niyang tulog nanaman si Vice. "if we just created new memories?" After listening Vice's steady breathing for another minute, Karylle got up and walked to the bedroom.

Pagkapasok na pagkapasok palang niya ay naghubad siya at agad na humarap sa salamin. Makikita ang ilang mga bakas ng aksidenteng nangyari kagaya ng ilang mga galos sa may balikat at ilang mga pasa may hita. Sa totoo lang, unfamiliar ang katawan na ito na kahit na ito ay kanya. Nahihirapan si Vice, true, pero hindi rin naman ito madali para sa kanya. Ipinikit ni K ang kanyang mga mata.

Please come back.

Please come back. 

She thought silently to the memories buried in her mind. When they didn't magically reappear, Karylle curled up on the bed she was still convinced was too big for one person and fell asleep with her hand close to her mouth to muffle any sad noises she might've made while crying.

___________________________________

a/n: so finally naka update din :) 

dedic ko kay ate pam! bakit mo pinatay si nanay? YUNG TOTOO? T.T 

love you sib

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon