18

5.8K 107 42
                                    

a/n: I'm just going to leave this here...and run. Song is Mr. Brightside by the Killers.

Planadong planado ang araw ng isang Anne Curtis. Gigising siya ng 6:00 am. Magtutoothbrush siya tapos ay magluluto ng breakfast. Madalas na pipili siya ng mga casual dress sa damitan niya pero pag mga ganitong araw na may topak siya eh magsusuot siya ng pormal na pananamit. Kung may oras pa siya e magbubukas siya ng laptop para tignan kung mayroon man siyang mga mahahalagang emails. Aalis na siya pagtapos ng lahat ng iyon.

Pero ngayong araw na ito ay medyo nadelay siya ng kaunti ng makakita siya ng isang super out of place na email.

Subject: My Brown-Eyed Fairy

Hey pretty eyes, expect a call.

Er.

Anne smiled shyly. Isa si Erwan sa mga nakilala niya sa mga business trips niya. After the disaster that was Sam and the awkward mess that was Luis, Anne had all but given up on men. Syempre nakipagdate din naman siya nung college, pero hindi naman seryoso ang mga ito, hanggang sa dumating si Erwan sa buhay niya.

Wala naman talagang laman ung email, ang sabi lang dito e mag expect siya ng tawag, kaya ayun, finull alert niya yung phone niya para marinig niya kaaagad kung may tatawag. Kakalabas palang niya ng building ng tumunog ang kanyang phone.

"Good morning my brown eyed princess." Erwan said charmingly.

"Good morning." ang maikling sagot ni Anne. "I'm on my way to work."

"I won't keep you." He promised. "How...what are you doing this Saturday? I was hoping to drive up and take you out." Anne beamed as she walked to the parking lot. Nakita siya ng dalawang matandang dalaga na nginitian lang naman siya.

"That sounds..." aagree na sana siya ng biglang tumunog ang phone niya. Tinignan niya ito at nakita ang incoming call from Vice. "Sorry Er, let me call you right back." She hung up on him and shook her head. Mahalaga naman siguro itong itinatawag sa kanya ng kaibigan niya. "Hell-"

"I found the perfect moment." Vice cut her off.

"Good morning Viceral."

"What? Nevermind, Anne, nahanap ko na yung perfect date para sabihin kay Karylle na mahal ko siya." nagtaas si Anne ng kilay habang nagdadrive. Lumingon siya sa kanyang relo. Halos late na siya sa schedule niya. Tapos si Vice e nagiging baliw nanaman dahil nakaisip na nga ng perfect idea. Naisip nalang tuloy niya na okay na siguro ito na sa phone na nila pag-usapan ang lahat, kaysa naman sa office pa, na tanging option lang naman nila.

"Vice, I was in the middle of talking to Erwan."

"Yeah?" Anne could hear slight amusement in Vice's voice. "Kamusta na pala siya? Yummy parin ba?"

"Vice!"

"Baka naman tumaba na siya tapos hindi na yummy."

"Look, as much as I enjoy our oh-so meaningful conversations, what do you want?"

"Kaylangan ko ng tulong mo. Ngayong sabado." Vice requested. Halos mabangga na ni Anne ang nasa harapan niyang kotse ng marinig ito.

"Oh no. No, no. I am doing something with Erwan on Saturday." She said.

"Please? Ito na lang talaga ang tangi, take note, tangi kong chance para sabihin sa kanya ang lahat!" ang pagmamakaawa ni Vice.

"Bull shit. You can tell her now. You can tell her over dinner. You can tell her whenever. Why does it have to be Satur..." natahimik si Anne. Naalala na niya kung bakit napakahalaga ng sabado na ito para kay Vice.

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon