Nasa may studio si Karylle na tinuturuan ni Yael mag-autotune ng boses. Nakaupo si K sa isang office chair habang minamanipulate ng mga audio mixing consoles na sa totoo lang hindi pa naman niya alam gamitin.
Yael, being Yael, holds her hand para turuan siyang gamitin ito. Sa sobrang gulat niya ay napatingin na lamang ito sa binata habang hinahayaan na sumunod ang kamay nito sa galaw ni Y.
"You seem distracted, everything okay?" ang tanong ni Yael na medyo nakahalata sa sobrang pagkagulat ni K.
"Uhm, yeah...Just processing everything still." ang maikli naman nitong sagot.
"Sabihin mo lang kung mayroon pa akong ibang maitutulong." he looked at her at last. Hindi tuloy niya alam kung magba-blush ba siya o ano.
"You're sweet." ang tangi niyang nasabi na nagpangiti naman lalo kay Yael,
"Oh! I forgot! May ibibigay pala ako sayo." bumitiw ito ng hawak kay K at dali-daling pumunta sa may bag niya para kuhain ang isang yellow daisy. "Napadaan ako kanina sa may flower shop. Naalala kita nung nakita ko ito, kaya iyon binili ko."
Inabot niya ito kay K. "Thank you." and now she's sure. She's blushing and there's no way to hide that fact.
"K, would like to go out with me?"
"What?"
"Go out, I mean like a date."
"I know...I just..." masyadong nakakagulat ang mga pangyayari kay K. Hindi niya inaahasan na aayain siya ng kanyang katrabaho sa isang date.
"Please K. I really, really like you."
"Wow! I know you're really sweet and nice....Pero hindi parin ako magaling...Marami-"
"Wala akong pakialam!" pinutol na niya ang mga dahilan ni K bago pa man nito masabi ang lahat ng gusto niyang sabihin. "I like you for who you are." and that statement makes her heart stop.
Hindi niya alam kung ano, pero feeling niya may mali. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin pero natuwa siya ng marinig niya ang mga katagang iyon.
"Sure." ang maikli niyang sabi.
It's not going to hurt. She thought. Minsan kaylangan ko rin ng mga taong magpapagaan ng loob ko.
~
Napakalakas ng ulan ng dumating si K sa condo nila. Actually basang-basa siya dahil wala siyang dalang payong at nauna ng umuwi si Yael kaya hindi na siya nakapagpahatid dito. Pagpasok na pagpasok palang ng pinto ay agad na siyang sinalubong ni Vice.
"K! Bakit ka nagpaulan?" may bakas ng pag-aalala ang boses ni Vice na agad pumunta sa may kwarto para kumuha ng towel.
"Nakalimutan ko kasi dalhin iyong phone ko. Nagmamadali akong pumasok kanina..." aabutin na sana ni K ang tuwalya pero si Vice pa mismo ang pumunta sa likod niya para ilagay ito. "Thanks."
"You wanna go out?"
"What?" kanina si Yael, ngayon naman si Vice. Nafa-flatter na masyado si Karylle pero ayaw niyang umakyat na ito sa ulo niya dahil 1. Pagod siya and 2. Sumasakit na ang ulo niya.
"Ay, umuulan nga pala. Sige ipagluluto nalang kita."
Napabuntong hininga nalang si K habang papaupo sa may kitchen stool. Deep down, hindi niya alam kung bakit, pero nalungkot siya sa thought na iba pala yung meaning ng going out para kay Vice. Ewan niya, sigurp gusto lang talaga niya na maranasan yung una niya ulit na date with Vice. It just feels safer with him.
"Magsho-shower muna ako." tumayo na si K at tumuloy ng pumasok sa banyo.
"Sige bilisan mo lang." ang sigaw naman ni Vice na ngayon ay nagpapainit na ng kawali.
BINABASA MO ANG
Love me Again
FanfictionMaibabalik pa nga ba ang pag-ibig na nawala? ViceRylle Story. Underconstruction. Completed.