7

5.7K 91 8
                                    

It's another day for K. Nakangiti siyang nagising ngayong umaga at hindi niya mawari kung bakit. Siguro dahil masaya siyang natulog kagabi. Siguro dahil masaya siya kagabi kasama ang best friend niya. 

Best Friend.

Nakangiti siyang tumayo ng higaan at tsaka lumabas ng kwarto. Nakakaamoy din kasi siya ng nilulutong bacon kaya naman lalong gumanda ang mood niya.

Pinagluluto ako ni Best Friend.

How sweet.

“O ang aga mo yatang nagising.” naupo siya sa may kitchen counter. “O, maaga ka talagang nagigising? Nakalimutan ko lang.” habang nakaupo e sinusubukan niyang tignan ang binigay sa kanyang phone ni Vice para tignan kung may mga new messages ba siya. 

“Hindi, tama ka. Maaga talaga akong nagising ngayon.” napatingin si Vice kay K na ngayon ay nakakunot noo paring pilit na finifigure out kung paano gamitin ang isang cellphone. "Hindi ka parin talagang sanay na gamitin yan no? Gusto mo turuan kita?"

K ignored what he said, instead she looked at what he is cooking .“Bacon? Hmm.” inaamoy ni K ang niluluto ni Vice, “Mukhang masarap ah.” naiisip niya na gusto niyang matutununan na gumamit ng cellphone mag-isa. 

“Naman.” bumalik na si Vice sa pagluluto. May naisip siyang idea, actually kagabi pa niya ito naisip pero ngayon lang talaga niya ito naalala. “Maligo ka na, pupunta tayo sa trabaho mo ngayong araw.”

“Trabaho ko?” K sounds so excited. Isinantabi na niya ang utos ni Vice na maligo na, para hindi sila magkasabay mamaya. “Saan ako nagtratrabaho?”

“K,” tumingin siya ng masama kay K. “Maligo kana. Mabagal ka maligo e.”

“Saan na nga ako nagtatrabaho?” nangalumbaba pa si K sa counter at nagpuppy-eyes kay Vice para sabihin na niya kung saan siya nagtatrabaho.

God, she's so persistent. “Sa broadway.” Vice sighed, defeated.

Broadway?  Karylle thought. Hindi niya lubos maisip na more on arts pala siya. 

“Do I act?”

“Kumakanta ka.” that silenced her. Naflattered naman siya. Kumakanta pala siya.

“Hindi ko pa natry kumanta since….”

“I know.” he looked at K. Longing. “Kaya nga kita dadalhin doon. Ipapaalala ko sayo yung bagay kung saan ka napakagaling.”

~

K don’t know what to feel.  Hindi siya sigurado kung kakabahan ba siya o matatakot. Kakabahan dahil baka hindi na nga siya ganoon kagaling kumanta. Natatakot dahil baka hindi na niya gusto yung dati niyang gusto.

Dumating sila sa isang malaking building. Sa pagpasok palang nila ay agad siyang sinalubong ng mga ngiti ng bawat taong makakasalubong nila. Sinubukan niyang alalahanin ang mga ito pero ni isa e wala talaga siyang maalala.

“It’s so weird. Akala ko, sa pagbalik ko dito may maaalala ako.” K says still holding Vice left arm in dead grip. Para siyang bata na ayaw mahiwalay sa magulang. It bugs Vice big time.

“K, relax. It’s your working place. Siguro kahit papaano e may maalala ka dito. I’ll bring you to the studio.” dahan-dahan silang naglakad papunta sa may third floor ng building kung saan ay mas marami pang mga ngiting sumalubong sa kanya. “Here we are.” tinulak ni Vice ang isang malaking pintuan.

Isang lalaki, mas maliit kay Vice, ang lumapit at agad na yumakap kay K. 

“K, I’m so glad your back.” hindi manlang umimik si K, seems like she’s frozen in her place. Agad naman itong napansin nung lalaki at kumalas ito ng yakap.  

"Who are you?" ang tanong ni K, medyo uncomfortable sa mismong nangyayari ngayon. 

Vice being her lifesaver, added: "She's gone through accident..."

Matapos ang mahaba-habang palinawagan, ang tanging nasagot lang nang strange guy ay, "Uhm."

"I guessed, I'm sorry?" K said, kung nahihiya siya kanina, mas nahihiya na siya ngayon. Hindi niya alam kung bakit, pero super na se-self concious na siya sa nangyayari. Nakakahiya sa part ni Vice na best friend lang niya pero ang daming effort na kailangang gawin para sa kanya.

"No you don't have to." the guy shrugged, he stick he's right hand out. "I'm Yael, magkatrabaho tayo dito as mentors."

Syempre si K naman e agad-agad na shinake ang kamay nitong lalaking mukha namang mabait.

Si Vice naman na super sama na ng tingin kay Yael e kunwaring umubo.

"K, lets go na." hinihila niya si K sa braso pero nakatingin parin ito kay Yael.

"I wanna sing."  sasabihin na sana ni Vice na sa bahay nalang sila magvideoke pero bigla namang umepal si Yael.

"Dito na?" nakangiti si Yael, almost like he's flirting with K.

He's flirting with my K, Vice thought. Nakita naman niyang tumango si K, kaya pumayag narin ito.

Kumalas na si K sa pagkakahawak kay Vice at sumama kay Yael sa studio. Vice tries to hide his disappointment pero hindi niya magawa. It's just the start. Umpisa palang ng mga bagay na dapat niyang tiisin habang hindi pa bumabalik ang alaala ng asawa.

Pero at the same time, masaya naman siya dahil nakikita niya yung spark sa mga mata ni K habang papasok ng studio. Nakikita niya na unti-unti ay inaalala nito ang mga bagay na talagang mahal niya.

Sana ako maaalala narin niya.

Nagthumbs-up si K nung nakasuot na siya ng headset niya.

Medyo matagal din bago nakuha ni K yung tono ng kanta, pero nang makuha na niya nagsimula na siyang kumanta.

Narinig mo ba ang tinig ko?

Pagtibok ay di ordinaryo

Napakatagal na simula nang huling marinig ni Vice ang singing voice ni Karylle. 

It's just like how he remembers it.

Soulful. 

_________________________________________________________

maikli. I know, sorry.

Vote and comment :)

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon