15

5.6K 123 17
                                    

Si Vice ang unang nagising. Madilim pa, pero sanay naman na siya sa ganitong gising dahil sa trabaho niya. Ang una niyang napansin ay ang malamig na temperatura. He rubbed his eyes and then noticed the second thing. He was in bed with Karylle.

Halos mahulog na siya sa kama sa sobrang pagkagulat niya. Napaupo tuloy siya at napaisip kung paano nga ba siya nakarating dito sa kwarto nila. At ng maalala niya ang buong nangyari ay napanatag na ang loob niya. Well, hindi super panatag na panatag, dahil hindi parin bumabalik iyong heater nila, which also means na hindi pa bumabalik iyong kuryente nila. Naramdaman niya ang lamig kaya agad siyang bumalik sa pagkakahiga at nagtago sa may ilalim ng kumot.

He watched the back of K's head and wondered what exactly he was going to do now. He reached out, wanting to touch her. Just as his fingertips brushed the back of her hair, Vice's phone went off, making Vice almost jump out of his skin. He rolled out of bed, cursing at how the heater still wasn't working.

"Kaylan kaya babalik ang kuryente?" he hissed. Naglakad siya papuntang living room at kinuha ang phone niyang nasa may table malapit sa sofa kung saan siya natutulog. Isa itong tawag mula kay Anne.

"Curtis?" he asked.

"Don't come to work. Binaha si boss, pinacancel lahat ng appointments." Anne said sharply. At bago pa man makasagot si Vice ay binabaan na siya kaagad ni Anne. Bumalik si Vice kwarto nila, nakita niya si K na ngayon ay nakabalot na sa kumot na parang cocoon, pero nakalabas ang ulo.

"So cold." She mumbled. Vice laughed at just how cute the sight was. Muli siyang nahiga kaya agad naman shinare ni K ang kumot niya.

"Wala akong trabaho ngayon. Binaha daw yung boss namin." ang sabi ni Vice. Napangiti tuloy si K.

"Me neither. Dito nalang tayo sa condo habang umuulan sa labas." She suggested. Tumango si Vice, wondering kung makakalabas kaya sila kung gugustuhin niya. Nakatulog na si K, sumunod narin si Vice ilang minuto ang makalipas.

Nagising sila ng sabay. Mataas na ang sikat ng araw, ibig sabihin ay tumila na ang ulan.

"Morning." ang sabi ni K na medyo may bahid ng pagkasurpresa. Nagulat silang dalawa na magkatabi silang nagising kanina. Humikab si Vice.

"Morning." he replied. Tumayo si K na nakapulupot parin ang kumot sa may katawan.

"Alam mo ba kung kaylan daw babalik yung kuryente?" ang tanong ni K. Napailing lang si Vice na nakatayo narin at nasa may harapan ng damitan nila at hinahanapan si K ng jacket. Nakita ni Vice yung varsity jackets nila na green and blue. Kinuha niya ito at iniabot ang isa kay K.

"Gagawa ako ng hot choco." K announced, exiting the room.

"Nasa may drawer katabi nang mga condiments!" ang pahabol na sigaw ni Vice na naghahanap ng kanyang medyas.

"Okay!" K yelled back.

"Ah ha." ang sabi ni Vice na finally e nakahanap narin ng isang pares ng medyas. Kanina pa kasi siya naghahalungkat sa mga gamit nila, nasa may pinakamataas na drawer lang pala.

Naupo siya sa may kama at sinuot ang mga medyas ng bigla siyang natigilan. Agad agad siyang tumayo at binuksan ang mga drawer. Nakahalo na ulit ang mga gamit niya kay Karylle. Napatingin siya sa may pinto kung saan e narinig niya ang mahinang pagbukas ng kalan. Not too long ago, their things were clearly separated, with even an inch of space to divide their things. Isa talaga itong patunay kung gaano kabilis ang mga pangyayari at sobrang malapit na sila ulit ngayon.

Just thinking about it brought a smile to Vice's face and warmth filled him to his fingers and toes. At dahil diyan e palagi na niyang isusuot ang medyas na iyon kahit na summer na. Naupo siya sa may kama na ngumingising parang baliw ng pumasok si K na may dalang dalawang mug.

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon