5

6.2K 95 5
                                    

I'd rather have that.

Ang tanging naisip ni Vice habang nakahiga sa sofa at hindi pa natutulog.

I'd rather have us fighting than you not knowing me.

Nag-aaway nanaman yung kakapit-condo nila. Isa ring mag-asawa kagaya nilang dalawa, pero madalang lang naman kung mag-away. Halos ngayon nga lang yata narinig ni Vice na nag-away itong kakapit-condo nila. Ewan niya. Di niya rin alam kung bakit. Siguro dahil lagi silang nag-aaway ni Karylle. Sa sobrang madalas, wala na siyang time para intidihin ang pag-aaway ng kakapit-condo nila.

It's like living with a ghost.

Mag-aala una na ng madaling araw pero hindi parin makatulog si Vice. Bukod sa hindi siya kumportable na matulog sa sofa, e iniisip parin niya kung ano nang gagawin niya kinabukasan.

She's here but she's not really here. She's a different people. She's not the K that I used to loved.

He's repeating that mantra over and over through his head. Later on, he falls asleep.

Maaga nagising si Karylle. Pagkalabas na pagkalabas palang niya ng kwarto e nakita na niya si Vice na halos mahulog na mula sa sofa.

"So weird. Kung diyan talaga siya natutulog, bakit mukhang hindi siya kumportable sa pagtulog niya?" K mouthed softly while silently moving to the kitchen.

Kahit papaano naman e nahihiya siya sa sought-to-be best friend niya na feeling niya e sobra na niyang naabala. Kaya kahit na sobrang nangangapa, ngapa palang sa mga bagay bagay e pinilit niyang magprepare ng sarili niyang kakainin.

Nakakita siya ng cereal box sa top drawer at kinuha ito. Hanap-hanap din siya ng bowl at ng baso, para mapaglagyan ng milk. By the time na naayos na niya ito e gising na si Vice.

"Morning." ang mahinang sabi ni Vice, na ngayon ay nakapikit parin at nag-iinat.

Actually, nakapag-init na siya. Medyo ginagalaw lang niya yung shoulder niya dahil medyo na-stiff ito while sleeping on the sofa.

"Vice, saan nakalagay yung mga kutsara?"

"Sa drawer." Vice suddenly remembers that all of this were new to K, corrects himself. "Sa may kanang drawer-" while talking e naglakad na si Vice papunta sa drawer para kunan nalang si K. "Ito oh."

"Thanks." K said awkwardly. "Hindi mo naman na ako kuhaan, pwede namang ako nalang."

Isa lang yung kutsarang kinuha ni Vice. Absent mindedly niyang kinuha yung kutsara ni K para kumain din nung nasa bowl niya. Si K naman na sobrang gulat e tinignan lang si Vice ng masama. Well, hindi naman yung tipong masamang masama. Siguro, mga curios stare lang.

Vice slapped himself in his head. Nakalimutan pala niya na bff's lang sila at hindi mag-asawa para kay K, kung kaya lang talaga sana niyang kalimutan yung mga nakasanayan na niya. "Alam mo, paborito mo rin yan dati."

"Talaga?"

"Oo, naalala ko pa nga nung unang araw na nagsama tayo dito sa condo-" ito nanaman siya. Naaasar na si Vice sa sarili dahil siya na mismo itong dumudulas. "I mean as bff's, bumili ako ng...like dalawang box ng cereals. Pumasok ako nun sa trabaho tapos naiwan ka, pag-uwi ko, halos naubos mo na yung pangalawang box."

"Grabe!"

"Deh, joke lang." at sabay ngisi. Hinawakan uli ni Vice ang kanyang batok para ito ay hilutin dahil sobrang masakit parin ito dahil sa pagtulog sa sofa.

He suddenly feels smooth hands replacing his own. Nasa likod niya si K na dahan-dahang minamasahe ang likod ni Vice.

"Ugh." Vice moaned. But not for that reason, silly. Just one word. Relief.

"Ok lang ba ito?" tanong ni Karylle kay Vice habang patuloy paring minamasahe ang batok. "Am I not being too forward?"

"No, that's just perfect."

"It feels like I've done this before."

You've done just more than that. Vice thought. Pero ugol parin ang lumabas mula sa kanya. This is what he missed. Hindi niya alam na may ganito paring epekto si K sa kanya.

Naalala niya tuloy nung mga baklang-bakla days pa niya.

Kapag nalalasing silang dalawa tapos nadidikit si K sa kanya habang sumasayaw e may nafefeel siyang di kanais nais. He always ended his night with cold showers, after going home.

And then those hands were gone.

He groaned.

"Medyo hindi na masakit yung balikat ko." inunat ni Vice at dalawa niyang braso. "Thanks Kurba!"

Tatanungin pa sana ni K kung nickname ba niya yung 'kurba' o codename. Pero hindi na niya natanong dahil pumunta na si Vice sa banyo.

~

K spend the afternoon browsing the net.

Bandang mga hapon na nung kinulit niya si Vice na ngayon ay nanunuod na sa sofa ng reruns ng America's Next Top Model.

"Vice, labas naman tayo!" ang sabi ni Karylle na ngayon ay nasa likod ng sofa. Kinakalabit nito ang kanyang tenga.

"E saan naman tayo pupunta? Magdidilim na kaya." poker face parin siya sa panunuod ng tv. Medyo nakikiliti narin kasi siya sa ginagawa ni K na pagkalabit sa tenga niya.

"Kahit saan." umupo narin si K sa sofa. "Saan mo ba ako madalas dinadala?"

Biglang tumayo si Vice. "Tara, magbihis ka na."

Si K naman na parang bata e agad pumunta sa kwarto para magbihis.

Dadalhin ko siya sa lugar kung saan ko sinabing mahal ko siya.

______________________

medyo hilaw pa mga sibs! ayusin ko nalang sa sun or mag uupdate nalang ako ng mag mahaba sa sun . pasensya na.

thanks pala ulit sa lahat ng sumuporta sa last chap !

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon