Alone

4.9K 119 28
                                    

Ang daming naglalaro sa isipan ni Yael habang siya ay naglalakad sa kawalan.

Mag-aapat na araw na simula nung nalaman ni K ang lahat.

Mag-aapat na araw na simula ng magunaw ang mundo niya.

Why do people always ends up to be alone? Tanong niya sa sarili.

Lahat naman ginawa niya.

Lahat naman ng maaaring gawin ng isang lalaki para sa babaeng minamahal niya ay ginawa na niya para lang matutunan siyang mahalin ni Karylle.

Pero bakit ganoon?

Bakit bumalik parin siya sa piling ng dati niyang mahal?

Aaminin niyang hindi naman siya ganoon kagwapo, at mas lalong hindi rin naman siya ganoon katangkaran. Pero masakit paring isipin para sa kanya na ginawa naman na niya ang lahat pero kulang parin. Hindi parin sapat iyon para mahigitan ang pagmamahal ni Vice sa babaeng tangi niyang nagustuhan.

Patuloy siya sa kanyang paglalakad.

Hindi iniintinda ang init at ang pagod na kanyang nadarama.

Gusto lang niyang makalimot.

Gusto lang niyang kumuwala sa reyalidad ng buhay.

Apat na araw na siyang walang ligo.

Walang kain.

Kumakalam na ang kanyang sikmura ngunit patuloy parin siya sa paglalakad.

Mahirap nga talaga siguro kapag puso mo ang namatay.

Di mo namamalayang nadadamay na buong katawan mo, dahil hindi ka nga makakain tapos hindi ka pa makatulog.

Sa di kalayuan ay maririnig ang malakas na busina ng tren.

Sa layo ng kanyang nilakad ay nakarating na siya sa pinakadulong istasyon ng tren. Dito nakaparada ang mga papunta at paalis na tren na bumyahe/babyahe.

Napatigil siya.

Sa dinami-rami ng gustong umagaw ng atensyon niya, (e.g. ang nagnakaw ng cellphone at wallet niya, yung manong guard na tinatanong kung saan siya pupunta. etc.) tanging ang malakas na tunog lang pala ng tren ang magpapahinto sa kanya.

Dahan dahan siyang tumawid sa may riles. Hinahantay na umandar ang tren na nasa harapan niya.

Ngunit nakahinto ito.

Pati ba naman ang tren ayaw sa akin?

"Huy gago! Kung magpapakamatay ka! DUNG KA SA ILOG PASIG TUMALON PARA WALANG MADAMAY SA PAGDADRAMA MO!"

Napasimangot na lamang siya bago tuluyang iwanan ang riles.

Isa lang ang napagtanto niya sa pagkakataon na iyon. 

Madaling mamatay.

Mahirap maiwan mag-isa.

Napansin niyang nawawala ang kapares ng sapatos niya.

Nakita niyang nasa may riles ito.

Umaandar na ang tren, ngunit bumalik parin siya.

____________________________________________

wala lang. madaling pumatay talaga eh. Lalo na pag author ka. LOLs!

Love me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon